so muling nagbabalik mula sa hiatus ang aking panulat at pormal kong ipinaaalam sa inyong balik na naman ako sa paglalathala ng mga kung anu-anong shits dito sa juice kupo!
bale bukod kasi sa pagiging abala ko sa pagpapa-alila sa mga kano ay nag-inarte kasi itong desktop namin at ayaw bumukas. hindi ko mawari kung bakit o anung inaarte nya basta bigla na lang gumana ulit. parang tipikal na babae lang na biglang magiiba ang moda nang walang pasabi - basta biglang hindi ok. tapos matapos kang mag-alala, at gumawa ng mga kung anu-anong hakbang ay bigla na lang babalik sa pagiging ayos - papampam lang.
so anyway, alam ko namang iilan lang kayong masugid na nagbabasa ng aking blog kaya't no big deal ang aking pag-absent sa blogosperyo. trip ko lang mag-message na ako'y nagbalik kahit walang nakakamiss na parang si LA Lopez na nagbalik at nawala nang walang nakakapansin.
kaya't may paki man kayo o wala, nais ko lang sumigaw nang...
I'M BACK, BICHEZ!!!
Tuesday, April 26, 2011
Friday, April 1, 2011
bayani
oo, aaminin ko, nakakatakot nung unang beses. hindi ako gumagamit ng kahit anong uri ng drugs pero tsong, daig ko pa yung adik na nakatira ng isang shabu. praning, tsong, praning. pero nang makita ko yung dugo na umaagos mula sa ulo niya, parang nilamon ako ng kung anong malakas na pakiramdam ng pinaghalong galit at tuwa. walang dahilan para manatili pa sa mundo ang isang katulad nya. wag kang magalala, hindi ka katulad nila. hindi kita sasaktan. kaibigan kita eh. hanggang ngayon hindi nila alam kung sinong pumatay sa anak ni Mang Jun. malamang! gago ba sila? andaming tinarantado ng anak nyang yon! maraming pinagsamantalahan! karugtong na nun na maraming gustong gumanti sa kanya! ako? wala syang atraso sa akin. hihintayin ko pa ba? ano ako tanga? hahaha! ay teka, oo. tama, oo. meron siyang atraso sakin. di ko na matandaan kung ano, pero alam ko meron.
ano? nagsisisi? hindi no. sa totoo nyan, may mga sumunod pa. di lang yun ang pinatay ko. alam mo kasi tsong, kapag naramdaman mo ang talsik ng dugo sa mukha mo, tapos yung dugo na iyon ang magpapalaya sa hustisya na ipinagdadamot ng tarantadong lipunang ito. mawawala lahat ng emosyon sa dibdib mo. mawawala ang takot, mawawala ang kaba. mararamdaman mo na lang ang galit at uhaw sa hustisya. mararamdaman mo ang kapangyarihan. oo, tsong. kakaiba. mararamdaman mong kaya mong punan ang pagkauhaw na iyon ng mga taong inaapi. may tawag dun eh - bayani.
konsensya? matagal ko nang pinatay ang konseptong yan sa isip ko. sa panahon ngayon ng kurapsyon at karahasan, sa tingin mo ba, sila e may konsensya pa? manood ka ng balita. magbasa ka ng dyaryo. tsong, wala nang puwang ang awa sa panahon na ito. wala. hindi kailangan ng awa sa buong makinarya ng politika. wala sila non. kaya dapat tayo rin, wala. isa lang itong signos ng kahinaan. at tandaan mo pare, malupit ang lipunan sa mga taong mahihina. survival of the fittest ika nga.
sa dami ng mga napatay ko, na halos hindi ko na mabilang, iisa lang ang sinasabi nila : "bakit? wala akong ginagawang masama". nagtataka pa ang mga putangina. malamang may ginawa sila para sapitin nila ang lupit ng aking hustisya. unti-unti silang lalamunin ng takot at pagsisisi. lahat ng kasamaan na pinaramdam nila sa kapwa ay ibabalik ko sa kanila at sisimsimin sila ng takot hanggang sa kaibuturan ng kanilang mga buto. nakakatawang panoorin ang mga mukha nilang nagmamakaawa. minsan sumama ka sakin, panoorin mo ang mga higante ng lipunan na unti-unting inuupos ng takot.
may mga pagkakataong hindi na sapat ang kapangyarihan ng batas. ito yung mga pagkakataong kelangan na itong pangibabawan para sa tunay at hindi huwad na hustisya. maraming umiiyak, maraming nangangamba. kaya ko ito ginagawa ngayon, para tugunan ang panaghoy ng mga inaping mahihina. putangina, ihanda nila ang mga sarili nila.
nakita mo yan tol? nakita mo? araw-araw nasa balita ang mga kabayanihan ko. manood ka. tingnan mo ang mga mukha ng mga taong nabiktima nila. pero ano ito? putangina! serial killer? psycho killer? ako pa ang masama ngayon? ako pa ang baliw? nagtataka sila sa limang sugat sa bawat napatay ko? hindi ako baliw! hindi ako baliw. hindi. hindi.
putangina! gusto mo bang malaman kung bakit limang beses ko sila sinasaksak? ha? tanungin mo ako kung bakit!
para sa mga taong nabiktima - ipaghihiganti ko.
para sa kapangyarihang inabuso - ampat na kaparusahan.
para sa lupaing tinamnan ng lupit at dahas - bubunutin ko na ang mga damong ligaw.
para sa mga maaari pang mabiktima - proteksyon at seguridad.
at para sa tunay na kalayaan - babaklasin ko ang tanikala.
limang rason. limang sugat. serye nga ng pagpatay ito pero hindi ako psycho serial killer tulad nang iniisip nila. hindi ako baliw. malinaw ang aking pagiisip. malinaw para makita ko ang kabuktunang nagaganap sa balighong lipunan natin ngayon. hindi ako ang kontrabida dito.
ako ang bayani.
*****************************************
"si vis para bellum"
- if you want peace, prepare for war.
Subscribe to:
Posts (Atom)