Showing posts with label tae. Show all posts
Showing posts with label tae. Show all posts

Friday, August 12, 2011

yung mga moment na wala ka nang ibang masasabi kundi putangina.

yung isa sa mga araw na ineexpect mong magiging maganda dahil alam mong patapos na naman ang isang linggo pero sa di mo maipaliwanag na pagkakataon, bigla ka na lang makikidlatan ng isang mabangis na kamalasan.


kung kelan naman puspusan ang pagtatrabaho mo para makaipon ng pamasahe pauwi ng pilipinas.
kung kelan naman marami kang mga bayaring hindi matapos-tapos.
kung kelan andami mong pinagiipunan.
kung kelan naman kakapa-full tank mo lang.

saka ka naman biglang masisiraan ng kotse. tangina naman. gastos na naman to.




Friday, July 15, 2011

GUNI-GUNI

Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa buhay ko. Kung hindi ka nainiwala eh wala akong pakelam sayo! baket binabasa mo pa? itigil mo na kaya? May 28,2011. 8:00 AM. Isang makulimlim na umaga. Sa isang kilalang resort sa Bulacan, isa ang grupo namen sa pinakauna at pinakamaagang dumating. Matapos namin buhatin ang mga dala dala papunta sa napili naming cottage, isa isa namin itong inayos. Mga bags, baon na pagkain at pati na ang gagamitin na ihawan ay nakahanda na.

    Umuulan ulan nun at napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga kuliglig na hindi mu naman makita kung saan nanggagaling dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Parang may kakaiba akong nararamdaman...Tumingin tingin ako sa paligid at sa di kalayuan ay may natanaw akong isang silid...parang may tao. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sariili na lumalakad papalapit sa siilid na yon. Nang malapit na ako... ay sa potangena! kubeta pala!

    Nasabi ko na lang sa sarili ko...yaman din lamang at nandito na ako....ebak na nga muna ako habang kokonti pa ang tao baka mamaya pila na. Pumasok ako at nabungaran ko agad ang isang timba na may tabo. Kinuha ko at agad isinahod sa gripo. Habang pinupuno ito ay parang may narinig ako na lumabas...nagmamadali! Nilingon ko pero wala nmn akong nakitang tao. Naisip ko...ah, guni-guni  ko lang siguro yun.Pero sa isang sulok ng isip ko sinasabi hindi! Hindi guni-guni un!

    Napuno na ang timba kaya dinala ko na ito papunta sa cubicle upang isakatuparan ang aking layunin. Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako...kinilabutan! Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya ko 'to! bulong ko saking sarili. At isa pa...2cm. na lang...nagpupumilit na siyang makalabas at anumang sandali ay handa nang sumabog na parang bulkan. Wala na akong nagawa kundi tibayan ang aking dibdib! Habang nasa loob ako ay bumubulong ako...lumabas ka guni-guni! Kung sino ka man magpakita ka saken! Hindi ako natatakot sayo! Magparamdam ka ulet!

    Hanggang sa matapos ako ay walang nagparamdam...Lalong lumakas ang loob ko dahil siya ang natakot hindi ako. Hehehe! matapang kaya ako! Dugong Mandirigma 'to! Bago ako tuluyang lumabas ay nilinga linga ko pa ang paligid baka sakaling may bigla na naman akong maramdaman na lumalabas pero wala na talaga siya.Naglalakad na ako pabalik sa cottage namen nang marinig ko na hinahanap na pala ako ng mga kasama ko.

    MOMMY: San ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap bigla kang nawala?

    AKO: Naghanap po ng CR umebak.

    MOMMY: ah...malinis ba yun CR nila dito? (siguro naeebak din?)

    AKO: Ok lang naman po...(habang iniisip ko kung ikukwento ko ba yun naging karanasan ko dun?)baka nga po         wala kayong makitang ganyan sa U.S. eh? automatic...

    MOMMY: Huh!? (na confuse) anong automatic? tanong niya...

    AKO: Automatic po kse uupo pa lang ako may tae na agad sa inodoro!

    MOMMY: Aw shit! gagu ka talaga!
_________________________________________________________

Orihinal na akda ni Rommel Rallonza 

(ngayon alam ko na kung san ko namana yung kadaldalan at kalokohan sa panulat.)

Sunday, May 29, 2011

on hypocrisy

uunahan ko na kayo.

paminsan ipokirto rin ako at ito yung isang pakiramdam na napakahirap tanggalin sa sistema mo. alam kong hindi ganun kalaking issue ito sa iba pero para sa akin, para tong isang malaking kulangot na hindi mo madukut dukot. nakakapagpabagagag este nakakapagpagaba...


nakakapagpabagabag.

tulad naman sa ibang sitwasyon, may iba't ibang bigat din naman ang hypocrisy o kaipokritohan. mayroon yung taong nagsasabing masama ang magnakaw pero panay ang download ng mga kanta at movies sa internet. mayroon namang todo makabayan kuno na "promote opm" saka "tangkilikin ang sariling atin" pero pagcheck mo ng mga gamit puro pang-koryano at mga k-pop shitz ang laman. mayroon namang yung galit na galit sa mga nakikiapid pero nag-end up din naman pala sya sa pagiging kabit.

sarap lang sapakin.

Tuesday, April 26, 2011

BACK TO BUSINESS, BICHEZ!

so muling nagbabalik mula sa hiatus ang aking panulat at pormal kong ipinaaalam sa inyong balik na naman ako sa paglalathala ng mga kung anu-anong shits dito sa juice kupo! 


bale bukod kasi sa pagiging abala ko sa pagpapa-alila sa mga kano ay nag-inarte kasi itong desktop namin at ayaw bumukas. hindi ko mawari kung bakit o anung inaarte nya basta bigla na lang gumana ulit. parang tipikal na babae lang na biglang magiiba ang moda nang walang pasabi - basta biglang hindi ok. tapos matapos kang mag-alala, at gumawa ng mga kung anu-anong hakbang ay bigla na lang babalik sa pagiging ayos - papampam lang. 


so anyway, alam ko namang iilan lang kayong masugid na nagbabasa ng aking blog kaya't no big deal ang aking pag-absent sa blogosperyo. trip ko lang mag-message na ako'y nagbalik kahit walang nakakamiss na parang si LA Lopez na nagbalik at nawala nang walang nakakapansin.


kaya't may paki man kayo o wala, nais ko lang sumigaw nang...


I'M BACK, BICHEZ!!!

Thursday, March 31, 2011

tongue twister

Teacher: Okay class, who can give an example of a tongue twister
              and challenge a classmate?

Nancy: Ma'am! She sells seashells by the seashore? 
                       I challenge Adrian! (sinister laugh)

Adrian (utol ko): She sells seashells by the seashore! (victorious smile)
                         How about this Nancy?

     TAPIKOTAKUPETAPIKOTAKUPETAPIKOTAKUPETAPIKOTAKUPE!



C'MON KIDS, SING WITH ME!

nanay, tatay ubos na ang tinapay
ate, kuya said na kape
lahat ng gusto ko ay nanakawin nyo
tubig at kuryente ay nanakawin rin
bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak
nakahubad ang reyna, kekendeng-kendeng pa
tuwad, tihaya, tuwad tihaya
oh yeah yeah
si penpen pasarapin
ang salawal paluwagin
papara ng tamaraw
doon iiyutin
si beth namimilipit
kanyang tumbong namumukadkad
sa harap ng manyak
sayang pula ay ibaba mo na
parokyanong puti, maraming salapi 
sisitsitsitsit sa alabang
sa may kanto, nagaabang
ang babae sa lansangan
nagbebenta ng katawan
ale, ale walang datong
bibitbitin yaring sanggol
pagdating sa malabon
ipagpapalit ng bagoong
mama, mama malaking bakla
palamunin yaring bata
pagdating sa maynila
ang kanyang brief, may mantika

Thursday, March 3, 2011

sa mundo ng trends at social norms vol. 2

ang punto ko lang naman tungkol sa post na iyon ay hindi para yakagin ang mga mambabasa na "sige, taralets. halina't mag-aklas!" - hindi ganon. wala akong hinihikayat na mag-rebelde sa magulang, sa gobyerno o kung kanino pa man. kaya't wag nyong isisi sa akin kung ang mga anak o kaibigan ninyo ay biglang naging subersibo at palasuway sa mga batas dahil una sa lahat, wala akong sinabing gayahin ninyo ako at pangalawa, hindi ko naman tiyak kung aabot ba sa bilang ng mga daliri ang aking mga mambabasa.


so ano nga bang punto ng two-part blog na ito?


simple. huwag nyong hayaang idikta na lamang ng lipunan kung paano kayo kikilos, mananamit, mamumuhay at kung anu-ano pang shit. kung sinasabi ng batikang astrologist na si zenaida seva na "hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran", ganoon din naman ang lipunan. oo, malaking bagay ang mapabilang dito pero may sarili pa rin naman tayong mga utak upang mamuhay nang ayon sa tingin natin ay tama at hindi dahil ayon sa desisyon ng mayoridad. may sarili tayong panlasa, prinsipyo at bayag upang panindigan ang mga kanya-kanya nating trip - basta ba walang nasasagasaang karapatan at walang nayuyurakang apog ng ibang tao. walang basagan ng trip.



Wednesday, February 16, 2011

sa lahat ng mga babaeng na-link sa akin, siya ang pinakamahirap ispilengin.

Pimchanok Lerwisetpibol
Gets? dito ko siya nakilala.

PETISYON UPANG IPAGBAWAL ANG PDA O PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION

nais kong ilatag sa inyong mga monitor ang isang mabigat na suliraning kinakaharap ng sangkatauhan ngayon.

kaming mga single ay matahimik na namumuhay sa paraan na wala kaming naa-agrabyadong kapwa. mapayapa naming tinatahak ang landas ng singlehood nang walang nasasagasaang karapatan at walang niyuyurakang apog. hindi sa kahit pinakamaliit na posibilidad kami gagawa ng mga hakbang na makakasakit ng kapwa.
respeto ang ibinibigay namin sa lahat. respeto rin ang nais naming matanggap.

ang walang habas ang paghahalikan at paglalampungan sa harap naming mga single ay isang mabigat at konkretong manipestasyon ng kalapastanganan sa aming karapatan. nababastos ang aming pagkatao at higit sa lahat isa itong malupit na kurot sa aming mga puso.

HINDI TAYO UUNLAD HANGGA'T MAY PDA!

nais po sana naming hilingin sa mga taong may iniibig na nawa'y iwasan ang labis na pagpapakita ng pagmamahalan sa harap ng publiko. maglagay lamang po sana kayo ng at least isang pulgada sa inyong pagitan kapag kayo'y nasa pampublikong sasakyan. nais rin naming hilingin na ilagay sa tamang lugar ang pagbibigay ng halik. wala kaming problema sa holding hands basta ito'y hindi nakapatong sa hita malapit sa kuwan. iwasan na rin po sana ang pagyayakapan o maging pag-akbay kung kayo'y wala naman sa inyong mga bahay.

isa sa mga napipisil naming solusyon sa suliraning ito ay ang pagbaba ng singil sa mga motel. naiintindihan naming dahil sa di maampat na suliraning pang-ekonomya ng bansa ay nagtataasan na ang mga presyo ng mga pribadong kwarto kaya't minabuti naming kausapin ang kapisanan ng mga mayari ng mga nasabing establisyamento. ipinakikilala namin sa inyo ang programang MOMO(make out-make out) NOW, PAY LATER.

kung hindi mapagbibigyan ang petisyong ito ay nakahanda kaming lisanin ang aming mga tahanan at mga trabaho upang mag-aklas. papangasan namin ng mga nguso ang mga naghahalikan. babalian ng braso ang mga magka-akbay at nagyayakapan. papasuin ng yosi ang mga naghoholding hands.

isa itong malaking suliranin ng sangkatauhan na nangangailangan na ng ampat na kasagutan. ito'y isang sensitibo at seryosong usapin na hindi dapat ngisian o pagtawanan. katarungan at pag-unawa ang tanging ipinaglalaban naming mga single.



HINDI LANG KAYO ANG TAO SA MUNDO!

nawa'y mabigyang pansin ng natutulog nating lipunan ang isyung ito ukol sa public display of affection. bigyang kasagutan ang delubyong kumakaharap sa atin. lagyan ng tuldok ang PDA. ang petisyong ito ang magsasalba sa ating naghihingalong lipunan.

maraming salamat po.

Sunday, February 6, 2011

usapang tae



WOIST.


tara dito, may tanong pala ako. ikaw ba kapag tumatae ka, nakatingala o nakayuko? ako kasi kapag tumatae, nakayuko. weird ba yun? kasi pag nakikita ko sa tv yung mga tumatae kung hindi nagbabasa ng dyaryo slash magasin, nakatingala e. ayun, basta ako nakayuko. walang pakelamanan. natutuwa kasi ako pag pinagmamasdan ko yung iba't ibang galaw ng tae sa tubig kumporme sa korte at bigat nila. may iba butil-butil. may iba makalat na kala mo may sumabog na bomba. may iba prangka - straight to the point, wala nang flush. may iba naman sentimental, andaming bakas na iiwan. may iba naman hitman, malinis ang trabaho. ang paborito kong klase ng tae, yung turista. ang kulit kasi, lulutang-lutang na parang nililibot ang buong kubeta. ang pinakasikat ngayon e yung macarthur pero di naman ganun katigas ang ulo ng mga tae ko para makipaglaban pa sa agos ng tubig. masunurin sila na pag sinabi kong lubog, lulubog naman sila. ginawang pet? 

ganon ka-boring
ang buhay ko. pati tae napapapansin ko. pero habang tumatae naman ako kasabay naman non ang pagmumuni-muni. sinisimsim ko ang katahimikan ng kubeta at hinahayaan kong maglakbay ang aking sapantaha sa mga lugar kung saan sandamakmak at walang hangganan ang mga ideya. tapos kasabay ng pagbagsak ng tae - plok. epiphany. mapapangiti na lang ako at mapapatango. pagisipan mo nga ito: 




"ang tae, parang ugali ng tao - hindi mo agad maaamoy ang baho ng sarili mong tae."