Showing posts with label pasabik. Show all posts
Showing posts with label pasabik. Show all posts

Thursday, November 1, 2012

OH MAY GAHD!


oo. tama. tumpak. trulalue. corrected by.

ako nga ay nagtatangka na namang muling magbalik sa blogosperyo. masasayang lang kasi ang mga kathang hindi ko nailalathala - yung mga padeep at pakwelang facebook status na kalaunan ay mababaon rin sa kaibuturan ng timeline. masasayang lang at mawawalan ng saysay. at oo, alam kong parehas lang yun. ako na paulit-ulit. anu yun? can you repeat that once more again twice the double redundance?

ang huling lathala ko dito sa juicekupo! ay may higit kalahating taon na ang nakalilipas. bakit? hindi ko rin alam. akshuli oo, alam ko pala. pinagsama-samang kawalan ng oras, kawalan ng gana at kawalan ng sipag. masyado lang akong naging abala sa buhay ko na sa sobrang abala, nakalimutan ko nang bigyan ng panahon ang isang gawaing gustong gusto mahal ko - ang pagsusulat.

nitong mga nakaraang linggo, ginugol ko ang freetime ko sa pag-aaral. hindi sa skwela pero sa sariling pamamaraan. inalam ko lang sa sarili ko kung ano na ba talaga ang nais kong gawin sa buhay. kung anong nais kong marating. kung pano ko ito mararating. at ang pinakamahalaga, kung bakit ko ito gustong marating.

isa sa mga nais kong gawin ay ang magsulat. kaya't heto ako ngayon, muling nagbabalik.

at muling maghahasik ng lagim.

Sunday, June 12, 2011

dre, naranasan mo na ba yung may nangyaring sobrang ganda tapos ayaw mo muna maniwala kasi baka mamaya panaginip lang pala? tapos dre, pakikiramdaman mo yung sarili mo kung gising ka ba o nananaginip. para sigurado dba dre. tapos sige check, okay gising ka nga. edi ansaya-saya mo na dba? oo, grabe sobrang ganda kasi ng pangyayari kaya masyado kang mao-overwhelm. anhirap tuloy paniwalaan. too good to be true ba. tangina dre, para kang nalutang sa langit sa sobrang saya. ito yung mga pangyayari na katulad ng pagkakapanalo sa lotto. o kaya pumasa ka sa bar exams. o kaya nagbabakasyon ka sa isang sosyal na resort. o kaya sinagot ka na nung nililigawan mo. yung mga ganung special na pangyayari. ansaya diba? tapos nung tumatagal nang akala mo totoo ang lahat, bigla kang gigisingin ng packing shet na alarm clock ng cellphone mo. sasampalin ka ng realidad. balik ka sa pangangarap.

naranasan mo na ba yung ganun? ako dre, oo. kagabi lang. kaso saka ko na ikukwento, natatae pa ako eh.

Thursday, May 19, 2011

sana disyembre na.

kung pwede ko lang ma-manipulate ang oras, ginawa ko na. 


simula nang nagsabi ako na uuwi ako this december e bigla na lang bang bumagal ang takbo ng oras. sobrang bagal na mauunahan pa sya ng isang overweight na lalaking may sakit sa puso. last year, lumipas lang ang buong taon nang di ko namalayan. basta dumaan lang ang 2010 nang ganun ganun lang na para bang jeepney na hindi mo kursunada ang kulay.


wala namang nagbago sa schedule ko kaya hindi mo masasabing mas busy lang ako last year kaya ganun. akshuli mas busy pa nga ako ngayon kasi bukod sa tatlong trabaho e mas dumami pa ang mga kaibigang yumayakag na gumala o pumartey. kung sa abala, oo super. halos hindi na nga ako nakakatulog eh. abala akong tao mula sa walang kwenta hanggang sa mga seryosong gawain tulad ng pagcomment sa mga litrato. pero bakit ganun? kapag excited ka sa isang bagay, tila ba umi-stretch pahaba ang mga buwan. ngayon pakiramdam ko singkwentang araw na ang nagdaraan, mayo pa rin. tanginang yan.


sana disyembre na. 


excited na akong mag-impake at sumakay sa erplane. tapos pagdating ko sa pilipinas, inuman agad. tapos kinabukasan kahit may hangover e derecho gala pa rin kesehodang magsuka na naman ako sa mcdo. tapos susurpresahin ko isa-isa ang mga kaibigan ko. 


nakaka-miss. nakaka-excite. nakaka-inip. 





packing sheetz.



Friday, March 25, 2011

nakakamiss talaga ang pinas...

nakakamiss.


lalo na yung mga moment na nagke-crave sa master siomai doon sa lrt station sa monumento. o kaya yung fried isaw dun sa padre faura sa tabi ng robinson's place ermita. o kaya naman e yung tokneneng dun sa may pedro gil. puro pagkain lang nasa isip? o sya, sige na - miss ko na rin ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko. tssssk.


alam mo yung pakiramdam ng pinipilit mong pinaniniwala ang sarili mo na hindi ka naiinggit kada makakakita ka ng mga pictures nila na naga-outing, nagre-reunion, nagpa-party at kung anu-ano pang shit together. tapos babanatan ka pa ng di mo alam kung nagpapalubag loob lang ba o nangiinggit talaga na:


"sayang, sana andito ka"
oo, alam ko. sayang. sana andyan ako - kaso hindi. tapos ngayong maga-abril na naman, uso na naman ang mga reunion slash outing sa kung saan mang resort o bitch beach na isasabay nila sa semana santa. mag-aabang at makukuntento ka na lang sa pango-okray sa mga ia-upload na photos. yun bang pansamantalang kaligayahan mo na mang-insulto ng itsura ng kapwa kahit na ba in the first place, ikaw ang totoong kaluoy dahil wala ka naman doon - hndi ka kasama. nasa bahay ka lang at nakatengga sa harap ng computer. 


pero hindi yun ang talagang nakakamiss. 


ang talagang pinangungulilaan mo e yung mga maliliit na bagay na bumubuo ng araw mo kahit simple lang basta kasama sila. yung mga rutinaryong hindi nyo na nagagawa dahil sa malaking karagatang pasipikong pumapagitna sa inyo. yung tumambay, makipag-asaran, mang-spot ng chicks, foodtrip ng balot, foodtrip ng lugaw, foodtrip sa kalye at eto na naman ako sa usapang pagkain. sorry na. pero yun ang punto ko, yung mga maliliit na bagay na nagsisilbing pundasyon ng pagsasamahan. yun ang talagang pinakanakaka-miss diba?


eh pano kaya kung umuwi ako this year?