marami akong gustong hilingin kung mapagbibigyan man, bakit hindi diba? wala naman raw mawawala kung magwi-wish ka. mula sa pinakapayak hanggang sa pinakabonggang kahilingang maaari mong isipin. pwedeng materyal na bagay tulad ng bagong iphone, kotse o bagong sapatos. pwede rin namang mga bagay na intangible o hindi mahahawakan tulad ng kapayapaan, pagibig o di kaya e sana'y reglahin na ang syota mong na-delay ng period. oo, sige, subukan mong humawak ng regla.
11/11/11. eleven, eleven, eleven.
matagal na panahon bago maulit ang ganitong pambihirang pagkakataon. kaya nga pambihira diba? kung ilang taon o siglo man ay wag nyo nang itanong sa akin dahil hindi ako magaling sa math. basta yun ang alam ko, matagal na panahon.
maraming aligagang aligaga sa date na ito. may isang boksingero pa ngang itinaon ang kanyang kasal sa araw na ito. swerte raw. maaari kang mag-wish. pero ang tanong ko lang, bakit nga ba ang hilig natin sa mga hiling-hiling at mga swerte na yan?
kung pwede naman tayong bumangon araw-araw para gumawa ng hakbang para maabot natin ang mga minimithi nating mga pangarap, bakit nananatili pa rin tayong naniniwala sa mga swerte-swerte shits na yan? hindi pambihirang petsa, bulalakaw, palakang may supang barya o alignment ng mga stars ang magbibigay sa atin ng bagong iphone, magandang bahay o magagarang kotse. hindi compatibility ng mga zodiac signs ang magbibigay sayo ng kilig moments with your labidabs. hindi lucky color o lucky number ang magbibigay sayo ng tamang sagot sa mga exams kundi si lucky seatmate - joke.
sabi nga ni zenaida seva,
"Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran - mga gabay lamang sila. Mayron tayong freewill, gamitin natin ito."
o di kaya, sa halip na humangad pa nang labis, bakit hindi natin subukang makuntento sa kung anung sapat at magpasalamat naman sa lahat nang biyayang ipinagkaloob sa ating ng Diyos.
No comments:
Post a Comment