Wednesday, February 2, 2011

BUCKET?

minsan siguro sa buhay ng bawat tao, dumating tayo sa punto na magtataka tayo sa isang partikular na bagay. maaaring suliraning panlipunan. pwede rin namang magtaka ang isang tao kung paano pagaganahin ang bagong biling laptop. may mga sumasangguni sa aklat. may mga naghahanap ng sagot sa wikipedia, google at bing datkom. may ilan namang rumerekta ng tanong sa mga eksperto - parang close lang.


bakit? why? paano?

tila ba lahat ng bagay ay dapat may paliwanag. hindi naman siguro masama ang maging curious diba? pero kung minsan lahat ay hinihingan na natin ng rason at paliwanag. bakit ganito, bakit ganyan. kung tutuusin, may maganda namang naidulot ito sa lipunan dahil sa curiosity ng mga siyentipiko at mga imbentor na nagpadali ng way of living ng mga tao. kung hindi nagtaka ang wright brothers tungkol sa makinarya ng paglipad, edi wala sanang erplano ngayon. kung hindi nagtaka si alexander graham-bell, edi wala sana tayong blackberry at iphone.

pero ang tanong, hanggang saan ba titigil ang pagnanasa ng tao sa karunungan? ano nga ba ang ultimate knowledge na magbibigay tuldok sa mga pagsasaliksik at pagtataka?

minsan may isang taong nagtaka kung anong misteryo mayroon ang panaginip. minsan may isang taong nagtaka kung bakit masama ang tingin ng marami sa ideyolohiya ng komunismo. minsan may isang taong nagtaka kung bakit kahit wala namang matres ay dumarami ang mga bading at kung bakit naging kasalanan ang maging isang bading. minsan may isang taong nagtaka kung bakit sa magkasabay na oras, kayang buuin at wasakin ng pagibig ang isang tao. minsan may isang taong nagtaka kung saan nga ba nagmula ang tao, ang mundo, ang universe. minsan may isang taong nagtaka kung mayroon ba talagang diyos. kung mayroon, sino siya? si jehovah? si buddha? si allah? si vishnu? si jose rizal? si lucifer? minsan may isang taong nagtaka kung totoo ba ang langit? ang lupa, oo. eh ang im-im-impyerno?

saan mo nga ba hahanapin ang mga sagot sa mga ganitong uri ng tanong? yung mga tipo ng tanong na nakakabaliw. yung mga tipo ng tanong na hindi ka sasagutin ng mga tuwirang sagot ng mga eksperto. mamimilosopo o paiikut-ikutin ka lang pero hindi naman talaga masasagot yung mismong tanong mo.

diba nakakabaliw? sa sobrang pagtataka, kahit sarili mong paniniwala/pananampalataya ay tila unti-unti na ring nanghihina. parang pader na kahit anung oras ay matitibag ng malakas na bayo ng hangin. totoo nga bang ganito? totoo nga bang ganyan? tama ba ang pinaniniwalaan ko?

pero kung tutuusin, simple lang naman ang sagot sa lahat. mahirap nga lang hanapin - pruweba. konkretong patotoo. para sa akin, iyan ang tatapos sa lahat ng tanong. hindi na mahalaga kung paano basta makahanap ng sagot na may ampat na pruweba. to see is to believe. ito ang kailangan, kung nais mo ng katotoohanan dahil sabi nga ni gus abelgas, hindi nagsisinungaling ang ebidensya.

No comments:

Post a Comment