siguro naman hindi mo na kailangang mag-aral ng linguistics para malaman na ang katagang putang ina ang pinakasikat at pinakamabangis na mura sa kulturang pinoy. mula sa simpleng ay! putangina! hanggang sa malutong na putang ina mo! isa na ito marahil sa mga pinakagasgas na salita sa wikang filipino.

expression.
oo, expression lang. hindi ka talaga nagmumura, kumbaga normal na bahagi lang ito ng iyong pananalita na nagpapahiwatig lamang ng emosyon. expression lang, walang ina ang nasasabihang isang puta. at kung minsan, naisasama lamang ang putangina sa gitna ng isang pangungusap nang wala namang tuwirang sinasabihan nito. pagmasdan na lamang natin ang halimbawa sa ibaba:
PARE1: pare two, napapanood mo ba si justin bieber? putangina, idol ko yun eh!
PARE2: nako naman, pare one...eh mas magaling pa rin dyan si edison faeldonia. lips pa lang, putangina! pamatay na!
mapapansin nating ginamit lamang ng dalawang pare ang putangina upang bigyang diin ang matinding paghanga nila sa kani-kanilang mga idolo. malinaw namang walang nasabihang puta ang kanyang ina.
pero syempre, may mga galit moments talaga sa mga buhay natin na talagang wala nang mas aakma pang sabihin kundi ang putangina. ito yung mga ispesyal na okasyon kung saan ipinararating ng isang tao sa kanyang kausap na hindi sila nagkakasundo sa isang bagay at kahit hindi naman ay sasabihing puta ang kanyang ina. sa magkakaibang pagkakataon ng di pagkakasundo, mayroon ding pagkakaiba ang lebel ng galit o emosyon - depende syempre sa sitwasyon.
PARE1: pre, antaba mo ngayon ah!
PARE2: putangina mo!
PARE2: putangina pre, hindi na kami.
PARE1: talaga? eh putangina ka kasi!
PARE1: pre tingnan mo yung chick na yun, sarap sibakin!
PARE2: putanginang taste yan. agayt!

ang mga sumusunod ang iba pang ispesyal na pagkakataong maaaring magsabi ng putangina:
X: Kuya, buntis ako.Y: Ay, putangina.
X: Tingnan mo tong suot kong panty ngayon.Y: Putangina!
Y: Lalabasan na ako! Lalabasan na ako! Putangina, I love you! I love you!
nawa ay nadagdagan ang inyong edukasyon sa maikling pagsusuri natin sa katagang putangina. sana pagkatapos nito ay natutunan ninyo ang halaga ng wasto at responsableng pagsasabi pagsasabi ng putangina.
dahil ang labis na pagsasabi nito ay nakakabawas sa galit at talim nito. wag nating hayaang mauwi na lang sa pagiging isang expression ang putangina. may mga lesser na mga mura naman para sa mga pang-karaniwang konteksto - gamitin natin ang mga ito.
maraming salamat! love and peace!
putang inang article to oh! kaputa-putahan ng ina ng gumawa ng putang inang blog na to... hahaha
ReplyDeletePutangina makakatulog na ko dahil sa blog na ito!
ReplyDelete