Friday, February 4, 2011

Loveletter ng Isang Torpe

 Dear Nene,


Alam mo bang crush kita? Kung hindi, edi ngayon alam mo na. Oo nga, crush kita. Palagi kitang inaabangan sa school. Hindi para banatan o daragin pero para masulyapan ko lang ang iyong mala-Belo commercial na kagandahan. "Only Belo touches my skin, who touches yours?". Parang ganun. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko para kang fertilizer na may ampat na sustansya para sa isang lantang halaman tulad ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sched mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Marahil ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, wala pa mang pasko, birthday o anu pa mang mahalagang okasyon ay niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Para kang pustiso - i can't smile without you (at oo, ikaw na nagbabasa nito, nanood ako ng my amnesia girl). Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Yun yung tipo ng pagkakataon na bihirang bihira lang mangyari. Yung tipong may special coverage pa talaga ng lahat ng TV network katulad na lamang pag may solar eclipse, may kinakasal na artista, may SONA ng presidente, may hostage crisis, may nangbato ng bote kay Justin Bieber o may tumalong tipaklong sa kaparangan ng Hacienda Luisita. Edi ayun nga, nagkatabi tayo sa pila - once in a bluemoon chance. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Biruin mo yun? Wala pang isang minuto lumisan sa kamay mo, nasa kamay ko na! What are the odds di ba? Napatingala ako sa langit at pabulong ko tinanong si Papa Jesus. Ito na ba yung sign na hinihingi ko? Alam mo bang nakatabi pa yun sa mga precious gamit ko? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. Tapos nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. Kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. Babayaran na lang daw nya. Edi tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. Hindi ako batikang pintor o kahit anung lebel man ng husay sa pag-guhit pero para sa akin mukha naman nang rosas yung drowing ko. Itinupi ko yung papel at ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. Tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya't kumaripas ako ng takbo. Di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Nabasa mo ba? O itinapon mo lang? (paki-sulat na rin sana sa reply yung sagot.) Siguro kilala mo na ako kasi inapprove mo na ako sa facebook eh. tapos naaalala mo, may fan page ka bigla? Ako ang gumawa nun eh. Tapos fina-follow din kita sa twitter at tumblr. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. Biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong tanga at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Alak ka ba? Lakas kasi ng tama ko sayo eh! (At oo ulit, My Amnesia Girl banat...) Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. In-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. Kumbaga eh para tayong langit at lupa -langit ako, lupa ka. Jaz kidding. Baliktad pala -ako yung amoy lupa. Sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. Sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. Kung hindi man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. Itatanong ko lang sana kung:


pwede ba kitang ligawan?

A. OO

B. HINDI (ipaliwanag)

 isulat sa patlang:

____________________________________________
Love,
Totoy

2 comments: