Showing posts with label maikling kwento. Show all posts
Showing posts with label maikling kwento. Show all posts

Friday, July 15, 2011

GUNI-GUNI

Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa buhay ko. Kung hindi ka nainiwala eh wala akong pakelam sayo! baket binabasa mo pa? itigil mo na kaya? May 28,2011. 8:00 AM. Isang makulimlim na umaga. Sa isang kilalang resort sa Bulacan, isa ang grupo namen sa pinakauna at pinakamaagang dumating. Matapos namin buhatin ang mga dala dala papunta sa napili naming cottage, isa isa namin itong inayos. Mga bags, baon na pagkain at pati na ang gagamitin na ihawan ay nakahanda na.

    Umuulan ulan nun at napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga kuliglig na hindi mu naman makita kung saan nanggagaling dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Parang may kakaiba akong nararamdaman...Tumingin tingin ako sa paligid at sa di kalayuan ay may natanaw akong isang silid...parang may tao. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sariili na lumalakad papalapit sa siilid na yon. Nang malapit na ako... ay sa potangena! kubeta pala!

    Nasabi ko na lang sa sarili ko...yaman din lamang at nandito na ako....ebak na nga muna ako habang kokonti pa ang tao baka mamaya pila na. Pumasok ako at nabungaran ko agad ang isang timba na may tabo. Kinuha ko at agad isinahod sa gripo. Habang pinupuno ito ay parang may narinig ako na lumabas...nagmamadali! Nilingon ko pero wala nmn akong nakitang tao. Naisip ko...ah, guni-guni  ko lang siguro yun.Pero sa isang sulok ng isip ko sinasabi hindi! Hindi guni-guni un!

    Napuno na ang timba kaya dinala ko na ito papunta sa cubicle upang isakatuparan ang aking layunin. Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako...kinilabutan! Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya ko 'to! bulong ko saking sarili. At isa pa...2cm. na lang...nagpupumilit na siyang makalabas at anumang sandali ay handa nang sumabog na parang bulkan. Wala na akong nagawa kundi tibayan ang aking dibdib! Habang nasa loob ako ay bumubulong ako...lumabas ka guni-guni! Kung sino ka man magpakita ka saken! Hindi ako natatakot sayo! Magparamdam ka ulet!

    Hanggang sa matapos ako ay walang nagparamdam...Lalong lumakas ang loob ko dahil siya ang natakot hindi ako. Hehehe! matapang kaya ako! Dugong Mandirigma 'to! Bago ako tuluyang lumabas ay nilinga linga ko pa ang paligid baka sakaling may bigla na naman akong maramdaman na lumalabas pero wala na talaga siya.Naglalakad na ako pabalik sa cottage namen nang marinig ko na hinahanap na pala ako ng mga kasama ko.

    MOMMY: San ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap bigla kang nawala?

    AKO: Naghanap po ng CR umebak.

    MOMMY: ah...malinis ba yun CR nila dito? (siguro naeebak din?)

    AKO: Ok lang naman po...(habang iniisip ko kung ikukwento ko ba yun naging karanasan ko dun?)baka nga po         wala kayong makitang ganyan sa U.S. eh? automatic...

    MOMMY: Huh!? (na confuse) anong automatic? tanong niya...

    AKO: Automatic po kse uupo pa lang ako may tae na agad sa inodoro!

    MOMMY: Aw shit! gagu ka talaga!
_________________________________________________________

Orihinal na akda ni Rommel Rallonza 

(ngayon alam ko na kung san ko namana yung kadaldalan at kalokohan sa panulat.)

Thursday, January 20, 2011

Ang Maging Isang Puta

Kalapati sa sanga
Butas-butas na bulsa
Nag-aalab na tiyan
Ibenta ang katawan

    Kulay lila na ang kalangitan. namamahinga na ang araw at pumutok na ang buwan. tapos na ang araw para sa iba ngunit maguumpisa pa lamang ang sa kanya. ganito ang rutinaryo ng kanyang buhay. kagigising pa lamang nya mula sa mahaba-habang pahinga. tumungo sya sa lababo at pandalas na naghilamos ng mukha. doon din mismo ay ang lamesa. umupo sya upang lagyan ng kaunting laman ang tiyan. bahaw at pangat. di na nya nakuhang magbukas ng bentilador sa lamig ng hanging hatid ng nagbabadyang bagyo. matapos kumain ay tumungo na agad sa banyo. pandalas ang paghubad at dali-dali ang pagbuhos. gumapang ang malamig na tubig mula ulo hanggang suso pababa ng katawan. hinawakan ang sabon at mariing nilinis ang animo'y nanlilimahid na katawan. nagbanlaw. muli ay idinampi ang isang kamay sa sabon at kinuskos ang ari. kinuskos na wari ba'y maruming-marumi kesehodang maubos ang sabon. kailangan mabango ulit ito bago ikalakal. isinuot nya ang isang pulang baro. nagsuklay. nagpulbo na para bang hiwalay ang mukha sa leeg. gumuhit ng pulang lipstik sa nguso. sa huling beses ay sumulyap sya sa salamin at saka tinungo ang pintuan. handang handa na naman sya sa isang gabi ng pagkayod (o pagpapakayod).

    Buhay na buhay ang lungsod sa masisiglang ilaw na handog ng ahensya ng turismo. maingay ang lansangan dahil sa mga busina at tunog ng makina. nakihalo na rin ang pakikipagtawaran ng mga parokyanong makukwarta at ng mga kapwa nya puta. may mga naka-uniporme, may naka-baro rin tulad nya, mayroon din namang naka-pambahay lang. iba-iba sila ng hubog, sari-sari ang amoy. ngunit iisa lamang ang nagdala sa kanila sa ganitong kalakaran - ang sumpa ng kahirapan. sa nagdarahop na tao, isang mabisang solusyon upang may ipanglaman sa tiyan ay ang magbenta ng ari-arian. kagamitan sa bahay, alahas, damit o alagang hayop. pero kung wala ka nang maipagbili, anu pa nga ba edi ipagamit ang sarili. tulad nya, ito rin ang kanyang natatanging kapitan upang manatiling buhay. para sa kanya, ito lamang ang maipagbibili nya na hindi nauubos o nababawasan man lang.

    Kumaway sya sa isang kotse. bahagyang nag-ayos ng buhok at ibinaba nang kaunti ang baro upang sumilip sa mundo ang kanyang mapang-akit na mga suso. gumapang nang marahan ang sasakyan sa kanyang harapan at nagbaba ng bintana ang kostumer. umpisa na ng tawaran.

magkano?
500, iyong-iyo ang aking katawan.
300. take it or leave it.
 
  Di na sya nagdalawang isip pa. di sya maaaring tumanggi sapagkat sa tumal ng kostumer ay baka umuwi na naman syang walang panlaman sa tiyan. pandalas ang kanyang pagsakay sa kotse dahil baka maunahan pa sya ng ibang mangangalakal. mapapasabak na naman ang kanyang katawan. pero sa kanya ay ayos lang, sanayan lang naman. pagdating ng motel ay dali-dali syang hinubdan ng nag-iinit na adan. isinagawa ang bayad na kasunduan. sige ang sikad ng libug na libog na lalaki habang sya'y nakatitig sa kisame, iniiisip ang ipang-uulam sa kinabukasan.

dagling tumigil ang lalaki na para bang di nasiyahan. masyado na raw syang maluwang para sa tatlong daan. pilit syang pinatuwad ng hubad na amuhan. di sya makapiglas sa higpit ng pagkakahawak nito. animo syang isang pobreng dagang dinagit ng lawin. pwersahan syang pinasok sa puwitan. di man sya payag ay wala syang lakas upang lumaban. masakit ngunit ramdam nya ang kalam ng tiyan. naghalo ang malagkit na pawis at luha sa kanyang mukha. anong magagawa nya, isa lamang syang dukha.