Showing posts with label putangina. Show all posts
Showing posts with label putangina. Show all posts

Thursday, December 18, 2014

New Bilibid Prison: A Miniature Version of Philippine Society


Maraming Pinoy ang nagagalit ngayon dahil sa maingay na issue ngayon sa New Bilibid Prison wherein may isang inmate ang napagalamang nakapag-produce ng isang platinum award winning album at nakapag-concert pa all inside the prison. Kung wala kang ideya sa sinasabi ko, tangina ka, wala kang kwentang Pilipino - Joke!

Eto siya oh:



Unang tingin mo pa lang sa larawang ito, alam mo na agad na may mali. Dilaw na Ray-Bans na tinernohan ng pink na lip stick? Ang sakit sa mata! Siya si Herbert Colangco pero mas trip nyang makilala sa pangalang Herbert C. (Wow! Anlaki ng pinagkaiba eh no?!). Ipinakita sa balita kung gaano ka-burgis ang supposed to be "kulungan" ng dating bank robber na ito kaya't sige ngayon sa paglabas ng mga naga-alburotong butchi ang mga "perpektong" netizens.

Pero kung ako ang tatanungin, may mali ba sa pag-produce ng musika habang nakakulong ka at ine-expect na magbagong buhay? Wala. May mali ba sa pagpasok ng mga mamahaling gamit? Uhhhm...

Bale ganito kasi yun eh, mayaman si Colangco (galing man sa masama o hindi, basta mayaman siya). Ayon sa mga interviews at mga balita/chismis, tumutulong siya sa mga mahihirap nyang kakosa. With that, pwede rin nating i-assume na nakakatulong sya sa pasilidad at sa mga programa sa loob ng piitan. Kung ikaw ang warden at nag-alok ng tulong ang isang mayamang inmate, given na wala naman kayong pondo mula sa kamoteng gobyerno, aba'y tatanggi ka ba? Kung oo, tanga ka. At dahil malaki ang pakinabang mo sa isang tao, syempre mahirap din naman humindi kapag siya na ang dumaing ng pabor sa iyo. So ayun.

Hindi ko sinasabing tama, pero it makes perfect sense.

Ngayon, ang hindi ko ma-gets ay kung bakit mas pinagiinitan itong si Colangco (na di mo mawari kung silahis o sadyang metrosexual lang na kriminal) samantalang may mga drug lord ang nahulihan ng matataas na kalibre ng baril at mga kagamitan sa pagtimpla ng shabu. Bakit?

Dahil sa mainstream media at sa bandwagon culture ng mga "matatalino" nating netizens.

Una sa lahat, karamihan sa mga nagdudunung-dunungang netizens na yan ay mga wala naman talagang alam. Basta maingay ang isang isyu, talon agad pasakay sa bandwagon - wala nang isip isip pa. Napakaraming isyu sa lipunan ang hindi naman nabigyan ng ampat na atensyon dahil syempre hindi masyadong in-expose sa ABS-CBN at GMA News tulad ng mga extra judicial killings, yung Hacienda Luisita Massacre, at marami pa. Isang magandang halimbawa sa kulturang ito ng mga netizens ay yung isyu ng Pork Barrel Scam.

Matagal nang may katiwaliang nagaganap sa gobyerno pero ano? Nabulabog lang talaga ang bansa nang kumalat sa speryo ng internet ang mga larawan at video ni Jean Napoles na nagbubuhay prinsesa at uma-aura kasama si Justin fucking Bieber. Oh, di ba? Doon lang naumpisa yang mga imbestigasyon sa PDAF na yan?

Walang mali don pero ang point ko lang is, palagi lang nakafocus ang mga atensyon natin sa kung anong lalabas sa TV at kung anong kakalat sa internet.

Mabalik tayo sa bilibid:

Ang sarap daw ng buhay sa bilibid sabi ng ibang mga netizens pero ipupusta ko ang betlog ko, hindi naman yan magpapakulong kapag inalok mong doon na sila tumira. Oo, may mali sa sistema ng bilibid pero kung totoong mas mabuti nga ang buhay nila sa loob at mas mahirap ang buhay mo, hindi kasalanan ng tao iyon - kasalan iyon ng estado. Anong isyu ninyo, yung preferential treatment? yung inequal na karapatan at opportunity sa loob ng bilibid? Asa ka! Pantay-pantay mo mukha mo! Tumingin ka muna sa paligid mo, nasaan ang pantay-pantay dyan? 

Ang bilibid (sa tingin ko) ay isang maliit na version ng Lipunan ng Pilipinas:
  1.  Masikip
  2. Wasak sa pondo
  3. Paraiso ng makapangyarihang mayayaman
  4. Impyerno sa mas nakararaming mahihirap
Kung natatawaka  sa hitsura ng mga jejemon at mga iskwater na ni-hindi mo makausap nang maayos at may respeto,  wag ka na muna umasa ng equality sa lipunan.

Habang maraming botante ang silaw na silaw sa kasikatan at pagiging "generous" imbes na kilalanin at alamin ang mga credentials ng mga politiko, wag ka munang umasa ng pagbabago.

Habang hawak sa bayag ng mayayamang negosyante ang mga supposedly "leaders" at "authority" ng bansa, wag ka na munang mangarap nang gising.

Isang maliit na bersyon lang ng Pilipinas ang Bilibid. Bago ka magalit sa buktot na sistema nito, magalit ka muna sa buktot na sistemang nagaganap in a larger scale. At kung wala ka namang ginagawa para mabago ito bukod sa pagsakay sa bandwagon ng mga "matatalino", eh leche ka, manahimik ka na lang siguro. 

Friday, August 12, 2011

yung mga moment na wala ka nang ibang masasabi kundi putangina.

yung isa sa mga araw na ineexpect mong magiging maganda dahil alam mong patapos na naman ang isang linggo pero sa di mo maipaliwanag na pagkakataon, bigla ka na lang makikidlatan ng isang mabangis na kamalasan.


kung kelan naman puspusan ang pagtatrabaho mo para makaipon ng pamasahe pauwi ng pilipinas.
kung kelan naman marami kang mga bayaring hindi matapos-tapos.
kung kelan andami mong pinagiipunan.
kung kelan naman kakapa-full tank mo lang.

saka ka naman biglang masisiraan ng kotse. tangina naman. gastos na naman to.




Sunday, July 3, 2011

kumbaga sa chess, pawn lang yan.


sinapak o hindi sinapak. sus. ang tunay na trahedya dito ay may kakulangan sa housing bukod sa iba pang social services, para sa mga mamamayang pilipino. bakit nagiging iskwater at bakit kailangan umabot sa marahas na demolisyon? hindi mga suntok ang kailangan kundi paggulpi sa kurapsyon at abuso sa pwesto ng mga opisyal ng gobyerno na nagdudulot ng ibayong kahirapan sa mga kababayan natin.
- (Bautista, 2011)

Tuesday, June 21, 2011

putanginang yan.


anu na nga bang nangyari? sa kalayaan? sa demokrasya? sa pilipino?

PUTANGINANG YAN.

Wednesday, June 8, 2011

kahit gamitan mo pa ako ng iskwala o meter stick

natawa, nainis, nagtaka.

nagsuot lang ako ng headband sa trabaho, kung anu-ano nang nasabi ng mga tao. ang pinaka-common na reaksyon ay kung nababakla na raw ba ako? what the fudge? akwo? bading?



e sa dito ako kumportable e, walang basagan ng trip.

para sabihin ko sa inyong lahat, hindi ko kailangan magpakamacho, magpatubo ng bigote at kung anu-ano pang shit para lang magmukhang lalaki. wala akong problema sa aking sekswalidad kaya't kering keri ko magsuot ng mga ganitong uri ng accesories mapa-purple man ito, baby blue o kahit fucha pink pa yan. hindi ko kelangan magpanggap o i-adjust ang sarili ko sa kung ano ang standards ng pagiging tunay na lalake. wala naman akong dapat patunayan dahil gamitan nyo man ako ng iskwala o meter stick, straight ako - mas straight pa sa daang matuwid ni noynoy.

Monday, June 6, 2011

PUTANGINA! : isang pagsusuri

putangina! ampogi talaga ni justin bieber! as in! putangina! 

siguro naman hindi mo na kailangang mag-aral ng linguistics para malaman na ang katagang putang ina ang pinakasikat at pinakamabangis na mura sa kulturang pinoy. mula sa simpleng ay! putangina! hanggang sa malutong na  putang ina mo! isa na ito marahil sa mga pinakagasgas na salita sa wikang filipino.

ang literal na ibig sabihin ng putang ina ay pokpok o isang puta ang ina ng taong sinasabihan nito. ngunit kung ating susuriing mabuti, hindi sa lahat ng pagkakataong ginagamit ang putang ina ay nangangahulugang puta nga ang ina ng isang tao. kung tutuusin nga, sa halos lahat ng pagkakataon ay hindi na ito ang tunay na kahulugan kapag sinasabi ang putangina bagkus ay nagiging paraan na lamang ang pagsasabi ng putang ina upang magpahiwatig ng matinding emosyon.

expression.

oo, expression lang. hindi ka talaga nagmumura, kumbaga normal na bahagi lang ito ng iyong pananalita na nagpapahiwatig lamang ng emosyon. expression lang, walang ina ang nasasabihang isang puta. at kung minsan, naisasama lamang ang putangina sa gitna ng isang pangungusap nang wala namang tuwirang sinasabihan nito. pagmasdan na lamang natin ang halimbawa sa ibaba:

PARE1: pare two, napapanood mo ba si justin bieber? putangina, idol ko yun eh!
PARE2: nako naman, pare one...eh mas magaling pa rin dyan si edison faeldonia. lips pa lang, putangina! pamatay na!
mapapansin nating ginamit lamang ng dalawang pare ang putangina upang bigyang diin ang matinding paghanga nila sa kani-kanilang mga idolo. malinaw namang walang nasabihang puta ang kanyang ina.

pero syempre, may mga galit moments talaga sa mga buhay natin na talagang wala nang mas aakma pang sabihin kundi ang putangina. ito yung mga ispesyal na okasyon kung saan ipinararating ng isang tao sa kanyang kausap na hindi sila nagkakasundo sa isang bagay at kahit hindi naman ay sasabihing puta ang kanyang ina. sa magkakaibang pagkakataon ng di pagkakasundo, mayroon ding pagkakaiba ang lebel ng galit o emosyon - depende syempre sa sitwasyon.