bale ang buhay raw kasi ay punung-puno ng trahedya. wagas na wagas sa mga kabullshitang susubok sa tibay ng iyong pagkatao. may mga personal na trahedya tulad ng pagkabigo sa pagibig, pagkamatay ng isang minamahal, pagkirot ng namamagang ingrown at kung anu-ano pang shit. may mga trahedya naman ding may pangmalawakang perwisyo sa lipunan tulad ng bagyo, lindol, terorismo at ang pagupo sa pwesto ng dating pangulong si arroyo.
pano nga ba yung matiwasay at nasa ayos naman ang lahat tapos one moment, biglang gumuho, naglaho at nagkagulo-gulo ang lahat? napakahirap ata i-angkop ang sarili mo sa panibagong na namang sistema. para kang yung laruang lego na dagling nakalas at bubuuin muli para maging kung anumang kinakailangan. pwede ka biglang maging robot na aso. sasabay sa kumpas ng bagong sistema. mapapalitan ang tagpi ng doggie. mapapalitan ang aw-aw ng arf-arf.
sit, roll over, play dead.
darating sa punto na parang ayaw mo na lang magpatuloy. gusto mo na lang sumuko. o kaya maghintay kung biglang may darating na superhero. pero ano nga bang magpapanatili sayo para mag-fetch at magwagayway ng buntot? anong baterya ang magpapatakbo sa natitigang mong enerhiya? anong pipigil sayo para humiga na lamang at huminto sa paghinga?
bakit nga ba tayo nadadapa?
upang bigyang kahulugan ang salitang tingala. bangon. pagasa. upang magkakalyo at maiukit ng mga sugat ang mga aral sa ating mga palad (malas mo lang kung sa mukha ka napuruhan). pero anu bang silbi ng pagsubok kung hindi ka susubok lalaban di ba? kaya nga pagsubok di ba? hindi naman sinabing pagsuko. vice ganda?
putangina mo kang pagsubok ka ha! pakshet ka! die, bitch, die! burn in hell!
shit happens, pare. but so does beauty and kilig moments! minsan lang talaga, inevitable talaga ito na sa landas ng buhay, hindi mo maiiwasang makatapak ng tae. walang simbolism yun, pampahaba lang ng blog entry. pero kung makatapak ka man, ikaskas mo na lang sa lupa.
pagibig. hindi lang yung basta chuva-chuchung pagibig o yung ahensyang nagpapabahay. ang tinutukoy ko ay pagibig in general. ito ang gasolinang nagpapatakbo sa damdamin ng bawat tao. pagibig. maging sa sarili man, sa pamilya, sa kapatid, sa shota o kay adam levine. pagibig ang magpapanatiling buhay sa mga pangarap mo. pagibig ang nagbibigay lakas. pagibig ang nagbibigay pagasa. parang Gatorade with advanced electrolyte system - it keeps you going.
No comments:
Post a Comment