Showing posts with label delinkwente. Show all posts
Showing posts with label delinkwente. Show all posts

Sunday, January 20, 2013

Anunsyo Klasipikado


Mula sa mga reta-retasong freetime sa tanghali, sa gabi, sa madaling araw at maging sa pinakamalalim na pagkakahimbing ng mapaglakbay kong sapantaha - muli akong nakapaglalaan ng oras upang makapaghabi ng kwento. Mula sa mga tagpi-tagping alaala ng mga moral lessons, punchlines, at iba pang mga kalokohan at kalibugan mula sa mga taong nakasalamuha ko (lalong lalo na si Edison Faeldonia) ay bubuo ako ng pinakamagandang istorya na iibigin ng mga mambabasa sa buong mundo - pati sa Japan.


Minsan kasi may expiration date ang gana ko sa pagsusulat gaya ng enerhiya ni Ultraman na sa kalaunan ay nalo-lowbat. May ibang tao na ang tawag doon ay writer's block pero ang tawag ko dun ay katamaran. Pero gayunpaman, tulad rin ni Popeye na nagpapagulpi muna sa umpisa saka kumain ng spinach o ni Alexis na after manilip sa panty ni Annie ay tuluyang nag-anyong Shaider, balik na naman ang sigla ng aking trip na mag-feeling nobelista. Naks!



Matagal siguro muna bago ako makapaglalathala ng mga bagong blog entry. I'm working on something big - my first novel.  




Wednesday, March 23, 2011

DELINKWENTE finale(ang mmk moment sa buhay ni danibab)

fast forward. (agad?)

nang mag-gagabi na e pumunta na ako sa cavite para nga sa haberday ng isang tropa. andun yung dalawang pinsan ko pero wala ni isa sa kanila ang may alam ng mga plano ko sa buhay. walang sharing ng madadramang saloobin. basta nandon lang kami para mag-tagayan ng ginpomelo at ngumata ng jumpfoods. happy times to the max.

fast forward. ulit.

matapos ang inuman, nakitulog ako sa bahay ng katropa naming si macneal. siya yung pinoy bersyon ng nick carter ng backstreet boys minus the singing, the golden hair and the height. ok, hindi sya kamukha ni nick carter. basta sa kanila ako nakitulog, tapos (dami pa kasing ineepal e no?). pagdating namin sa bahay nila, sinalubong naman sya ng sermon ng erpat at ermat nya. nasapak pa nga ata, di ko lang sure. kaya nga may "ata" e. alis kami sa bahay nila bigla. badtrip si macneal, badtrip din ako inside. pumunta kami sa bahay nila kirk. pinsan nya na katropa rin namin. doon kami nakituloy at nagpalipas ng ilang oras. masarap kakwentuhan ang mga katulad nilang mga gangstah. aksyon ang topic. alam mo na, kapag mga tipo nilang tao ang nagkukwentuhan, hindi pwedeng walang mura. yung tipong kada sentence e may "putangina talaga" o "tanginang yan". di rin pwedeng walang gestures o action sa bawat kwento, uber convincing to the highest level talaga. daig pa sina ate shena at kuya bodjie kung mag-story telling. masaya.
nag-ring ang aking 3210. si mother. limang beses, hanggang sa namatay ang cellphone ko nang hindi ko man lang pinaunlakan ng sagot.
biglang nag-iba ang simoy ng hangin. biglang nagbukas ang mga pusong may kinikimkim na problema. lahat problema sa pamilya.
nagbulalasan kami ng mga kinikimkim na kabadtripan. si macneal, may balak din palang maglayas. swakto, ako rin. sinabi kong gusto kong sumama sa kanya. sagot ko pamasahe namin. meron kasi silang kamaganak sa batangas. dun muna sana kami. shet, beach ito. (parang maga-outing?) kaso di ko inaasahan ang di nila pagsangayon sa akin.
nagpumilit akong sumama kay macneal sa batangas pero ayaw nila. kesyo wag ko raw sayangin ang aking kinabukasan. kesyo magaalala raw nang masyado ang nanay ko. kesyo ganito, kesyo ganon. sila na di ko inaasahang gagawa ng matino. sila na kung husgahan nila ermat e kulang na lang masunog sa kinatatayuan nila. sila na walang alam na buhay kundi buhay gangstah. ito na siguro ang signos na hinihingi ko mula sa langit.

kinabukasan, nagdadalawang isip man e tumungo na ako pauwi. para akong naluging ewan sa jeepney kasi walang humpay ang mata ko sa pagbulwak ng mabibigat na luha. malalim ang pagsinghal ko. di ko alam kung makakabawi pa ako kina ermat. di ko alam kung makakabalik pa ako sa masci. basang basa na ang tshirt na abercrombie and fitch na inarbor ko kay macneal. bumaba ako sa baclaran. pumasok ako sa simbahan na anim na araw kong tinambayan. isa ito sa bihirang pagkakataon na kinausap ko si Papa Jesus nang buong puso. ako at Siya lang. iyak ako nang iyak. non-stop. hagulgol na parang batang nagulpi nang masyado. napaaga naman ata kako ang mabigat na pagsubok nya para sakin. masyado pa akong marupok para sa mga ganung problema sabi ko. mula sa pagkakaupo e lumuhod ako. ito yung pagkakataon na sumuko ako sa pagsubok at ibinigay ko nang buo ang tiwala ko sa Kanya.

bahala ka na.

umuwi ako sa bahay na kunwari walang nangyari. pero lingid sa kaalaman ko, bistado na pala ako nila ermat. ang kaisa-isang kapit-bahay na nakakaalam lang e si kuya edwin, boss ni ermat. pinapasok agad ako sa opisina nya at hindi ako pinalabas hangga't wala sina ermat na nasa cavite na pala ng mga oras na yon. pinakain pa nya ako ng champ na hamburger mula sa jollibee.

dumating sila ermat nang mga tanghaling tapat. derecho ako sa kwarto ko na parang walang nangyari. hayaan na lang ba tutal tapos na. pero dehins naman pwedeng palampasin ang ganitong kalaking problema. si erpat, tahimik lang as usual. madaling umintindi yun. si ermat ang umakyat sa kwarto. tanghaling tapat pero pang-primetime bida ang eksena. malalim ang pinaghuhugutan ng bawat paghinga. malalim ang naging sugat ng kagaguhan kong ginawa. si ermat yung tipo ng tao na kapag nagsalita e dere-derecho pero mapapaisip ka talaga. hindi ako nagkaron ng pagkakataon na magpaliwanag pero mas ginusto ko na lang na makinig. sa puntong iyon ko naramdaman ang pagtama ng liksyon sa utak ko. akala ko dati masyadong judgemental si ermat. akala ko dati oa magdisiplina si ermat. akala ko dati super kill joy si ermat. pero ganun naman talaga. tama naman ang akala ko. ang napagtanto ko lang e ito: lahat ng mga iyon e para sakin parin talaga. cliche much, pero ganun talaga. magaspang ang daang gina-guide sa akin ng mga magulang ko. pero kung pipilitin kong lumiko sa mas makinis e malamang sa maliligaw talaga ako.

perstaym kong makitang umiyak nang todo sa harapan ko si ermat. yun na rin ang huli.

tinapos namin ang maikling MMK moment na iyon sa pamamagitan ng isang maikling yakap. nagpatuloy ang buhay na kunwari walang nangyari. bumalik ako sa masci at inayos ang lahat ng gusot. nakipagtalakayan si erpat kay hitler. balik skwela ako pero syemperds, di mawawala ang bonggang bonggang bisita kay tita navera (close kami e! sa dalas ba namin mag-ube moment...) na guidance counselor. sikat ako sa skwela dahil sa malulupit na pinagdaanan kong experiences. akala pa nga nung iba e adik na ako e. pero pinakana-touch talaga ako kay mam felicerta na pinaka nag-alala sa lahat ng mga teachers ko.

bilang souvenir, tinabi ko pa talaga ang mahiwagang apology letter ko. pag pasensyahan nyo na lang ang uber sa kalupitang grammer. eto in-attach ko pa. chekirawt.


DELINKWENTE part 5 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

aaminin ko sa inyo, hindi ako ganon katalino. mas lalong hindi masipag. tagilid na rin ako sa ilang subjects ko lalo na ang mahiwagang math. hindi ko na alam kung anong gagawin kong lusot sa kaululang ito. wala akong gustong pagsabihan ng problema ko dahil ayokong may madismaya o mabigo. eto yung mga pagkakataon na maguumpisa kang mag-duda sa sarili mong kakayanan. naisip kong baka tama nga si Hitler na hindi nga ako karapat-dapat mag-aral sa Masci.

umalis ako ng bahay pero hindi ako dumerecho sa school. perstaym in my lives, nagbulakbol ako. cool. limang araw akong ganito. aalis, papasok kuno, uuwi. ang limang araw na iyon ang pinaka-hitik sa adventure na parte ng aking buhay. hindi ko na tiyak ang pagkakasunod-sunod pero eto ang listahan ng mga pinaggagagawa ko sa lansangan:
  • sasakay ng lrt at magra-roundtrip nang dalawang beses.
  • nagbaon ng mga civilian na t-shirt para hindi naman madamay ang logo ng masci sa kagaguhang ginagawa ko. 
  • pupuntang baclaran at maglalakad-lakad nang walang tiyak na patutunguhan.
  • magji-jeep papunta sa kung san at maglalakad-lakad.
  • nalibot ko ang mga sumusunod na lugar: malate, ermita, monumento, recto,quiapo, bambang, sta. cruz, quirino at baclaran.
  • nagsubok na maghanap ng trabaho.
  • nagsubok na mag-apply pero masyado raw akong baby face para maniwala sila sa palusot kong disi-otso na ako.
  • nanood ng sine. napanood ko ang "sanggano't sanggago" nila bayani agbayani at eddie garcia. napanood ko rin yung "trip" nila marvin agustin at kristine hermosa kung san naniwala naman akong namatay nga sya (joboy) sa tama ng baril. na-good time nya ako.
  • pumunta-punta sa cavite at nakipag-bonding sa mga barkada.
  • nanlibre ng burger machine at kumerengkeng.
  • kumain ng jolly hotdog. malamang sa jollibee, stupid idiot.
  • sinubukang isanla ang aking bonggang bonggang Nokia 3210 ngunit di pa rin pinalad dahil nga sa aking face na pang-ten years old.
  • inikot ang buong gotesco grand central sa monumento.
  • nag-laro ng arcade games sa halagang apat na piso kada token.
  • tumambay sa baclaran church at umusal pakonti-konti ng ilang dasal.
  • kumain ng sandamakmak na tokneneng at uminom ng sambaldeng buko juice.
bumigay ang matatag na ako. ayoko na. aalis na lang ako. ayokong mabigo sila ermat, pero di ko na yata talaga kaya. takot din ako sa posibleng galit nila sa akin. punong-puno ng kalituhan ang bungo ko. halos di ko na alam kung tama pa ba ang mga desisyong ginagawa ko. kulang na lang talaga e bumula ang bibig ko at tumimbwang na lang sa kung saang kalye.

nag-uumpisa na ring magsitawagan at mag-text ang mga beloved classmates ko. naguumpisa na rin palang gumawa ng ingay sa school ang katarantaduhan ginagawa ko. isa lang sa mga guro ko ang nag-alala at pina-assignment pang hanapin ako (thanks much kay mam felicerta).
rewind.

pangatlong araw ng aking 6-day escapade e nagpa-abiso na ako sa nanay ko na mago-overnight sa kaklase kong si patrick bio. gagawa kami kuno ng isang malufet na science project. pero ang tunay na agenda ko e makiki-haberday sa tropa ko sa cavite at pagkatapos nun e tuloy na sa pag-istokwa. bahala na si batman. pinutol ko ang kable ng telepono namin para walang makatawag na classmates. ginunting ko saka ko nginatngat nang konti para kunwari e daga ang may sala. pero ambilis ng ganti ng karma, nakuryente ako sa gilagid. shet, masakit pramis. wag nyong gagayahin yon nang walang ampat na kaalaman sa larangan ng pagputol ng kable. delicate.

6th day, madaling araw.

walang lamang ni isang piraso ng papel sa aking jansport na bag. nagbaon ako ng ilang t-shirt at ilang hamford na salumbayag. tinodo ko na lahat ng peran naipon ko. bahala na kung hanggang saan ako dalhin nito. gusto ko sanang mag-sulat kina ermat kaso di kaya ng dibdib ko. itetext ko na lang sila pagdating ng takdang panahon. nagpaalam na ako kina ermat na medyo mabasag-basag ang boses. mabuti at madilim pa, dehins nila napansin ang maluha-luha kong mukha. tangenashet, MMK moment talaga. nag-abot pa si ermat ng baon. 150 pesos, may pasobrang konti. halos madurog na ang puso ko sa pinaghalong hiya at guilt pero dagdag din yun. ansama kong anak.

istokwa mode - ON.

Monday, March 21, 2011

DELINKWENTE part 4 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

tuso akong tao. hangga't may ilulusot, gagawan ko ng paraan. hindi ako yung tipong basta-basta sumusuko sa mga problema. kapag tama ako, tama ako. kapag wala akong ginagawang kasalanan, wala akong dapat tanggaping kaparusahan.

hindi ko ipinaabot kina ermat ang invitation ni Hitler sa aming pamantasan. pwede mong gawin sakin lahat wag lang call parent. noon kasi, isambaldeng kahihiyan ang nagbabadyang bumuhos sa kahit na sinong mag-aaral na magbaon ng magulang sa guidance office. para kang ex-convict paglabas mo ng opisina. tingin sayo ng ilan e sagad-sagaran ang iyong kabaitan at malapit ka nang kunin ni papa lord. kaya kinabukasan pumasok ako mag-isa. gusto kong bulyawan si Hitler sa mukha ng neck, neck mo!. kaso wala kaming klase sa kanya ng araw na yon. lucky bitch.

kinabukasan, first period namin sya. wala pa rin sina ermat. di ko alam kung panong lusot ang gagawin ko. di ko alam kung pano ako makakatakas sa tilamsik ng bagsik ni Hitler. para akong balisang aso sa LRT non. yung tipo na di mo alam kung natatae o ano. takte. isip, isip. nung mga panahon na yon talagang nag-sisi ako kung bakit pa ako pinanganak. parang gusto kong sampalin ang kapalaran nang solid. sa mukha. tangina mo, pwede naman ako sa lahat ng terror na guro! bakit ke Hitler pa?! pwede naman kay Aleja... Bonifacio!!!

CENTRAL TERMINAL STATION.

putik. isang station na lang. go, isip. oh harsh realities of life. shet na uber lagket. di ko deserve ang ganitong pagdurusa. nag-effort ako nang bonggang bongga. di ko mabatid kung bakit di man lang nya nakita yon. dahil lang ba sa putanginang pangalan ko? grabe naman. lumuha ba ng dugo ang anak nya para ipaghiganti nang ganon? QUIRINO STATION. putik ulit. lumampas na ako. eto na kaya ang signos na ibinigay ng sangkalangitan? malamang. tama, magpapa-late na lang ako. haha! call-parent your face!

roundtrip-tambay-pasok. ok, late ako. walang Hitler sa aking umaga. dumaan ang isang araw na hindi nagtagpo ang landas naming dalawa. ang panibagong dilemma: may klase kami sa kanya bukas. hindi first period. deym.

Saturday, March 19, 2011

DELINKWENTE part 3 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

nagpa-film showing si Hitler isang beses. Operation: Daybreak. kasunod na nito panigurado ang bonggang bonggang reaction paper. mabait naman (kahit papano) si Hitler. nagbigay sya ng set of questions na magga-guide sa aming mga papel. saka para na rin hindi sya makatanggap ng mga sagot na tulad ng "uh, okay naman.." o "shet, ang exciting talaga.." na tiyak na magmumula sa isang nagngangalang Bryan.

humiram pa ako ng dvd para paniguradong masasagutan ko lahat ng katanungan ni Hitler. pinagpuyatan ko yung paper na yun dahil ayokong ma-latigo sa klase. ang kaso, sira ang aking computer ng mga oras na yon. sinusubok talaga ako ng tadhana hanggang sa rurok ng aking pasensya. ayokong i-handwritten yung paper. di kasi ako biniyaan ni bathala ng handwriting na disente at karespe-respeto. hangga't maaari gusto ko typewritten kaya nag-back-to-the-makinilya days ako. punta ako sa bahay nung co-sabungero ni erpat na si kuya conrado. nanghiram ako ng isang primitibong typewriter na kasing bigat ng mansyon ni pacquiao sa gensan. matigas at matataas ang mga letra sa typewriter na syang magpapa-muscle ng mga daliri mo sa kapipindot. natapos ko ang aking paper mga alas singko na ng umaga. masakit ang kamay pero masaya at proud ako sa sarili ko na natapos ko ang dapat tapusin. feel na feel ang pagiging diligent pupil ba.

pagdating ko sa school, may mga kaklase pa akong hindi nakakagawa. may ilan pa ngang nagkokopyahan e. paraphrasing ba. yung tipong pag sinabi ng isa na:  i have a dog, his name is edison faeldonia. kokopyahin ng isa pero isusulat sa ibang paraan: i have a pet named edison faeldonia. feel na feel ko talaga ang aking pagiging diligent styudent noon. parang gusto kong itapal sa mga faces nila ang aking bonggang bonggang typewritten (literal) na reaction paper habang binabanggit ang katagang chekirawt, yo.
maya-mayang konti e dumating na ang berdugo ng mga hudyo. kinuha na ni Hitler ang mga papers at nagturo. nang magkaron ng pagkakataon na inspeksyunin ang aming mga papers e biglang nawala ang maligaya at masiglang aura sa room. lahat e bumabaw ang paghinga. halos bumaha ng malamig at malagkit na pawis sa kwarto. umhem nang bahagya si Hitler. nagbabadya na naman ang isang bagyo ng kritisismo at insulto. may tinitiktikan na syang papel. inunti-unti nya ang paghugot na para bang nananadyang i-angat to the highest level ang aming anxiety (anxiety raw o!) at naghihintay na may atakihin sa puso.

*drumroll*

dan BRYAN rallonza.

katakutakot na panlalait at mura. gusto kong lumiit tulad nung sa 90's movie na Honey I Shrunk the Kids. gusto kong lumiit kasing liit ng kulangot nyang naghe-hello mundo habang pinagmumumura nya ako. batid kong mahirap abutin ang expectations ni Hitler. pero putangina, nag-effort ako. kahit isang sentence lang ang ilagay ko sa papel na yon, sariling utak ko ang gumana para maisip yon.

Bring your parents tomorrow.

nadurog ang puso ko sa ilang libong piraso na parang breadcrumbs na hinahalo ng tita ko sa embotido. nasayang lang yung effort kong manghiram ng dvd. nasayang lang yung effort kong manghiram nung primitibong gargantuan typewriter nila kuya conrado. nasayang lang yung magic touch liquid eraser na pinantapal ko sa butas nung bond paper (may pagkasadista yung mga letra e). nasayang lang yung tigte-tres na sliding folder na binili ko kina aling cora. lahat nasayang. gusto ko sanang sumagot sa kanya ng: putangina, pwedeng umiyak? pero para di ako mabagyuhan ng panibagong magasin ng bala, tumango na lang ako at umokey habang nagpipigil sa pasabog nang damdamin. basag na ang boses ko pero pinilit kong magsalita nang buo.

o-ho-key, ma-ham.

Wednesday, March 16, 2011

DELINKWENTE part 2 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

yung mga panahon na yon yung panahon na inches away na lang kami sa kaibuturan ng kahirapan. mukha lang hindi, kasi mukha akong celebrity kung umasta. yun yung mga panahon na nagta-trabaho sa tahian si mommy at messenger sa makati si daddy. yun yung mga panahong gabi-gabi akong nangungutang ng perang ibabaon ko sa kung sinong kapitbahay. kung wala akong mga tito at wala akong lolo't lola sa amerika e malamang na sa lansangan na kami titira. di ako nageexaggerate, naluluha na nga ako e. lolz.

yun din yung mga panahon na naguumpisa na akong bulabugin ng puberty. ito yung period sa buhay ng tao kung saan e nagfi-feeling matanda ang mga bata na akala mo e alam mo na lahat ng kumplikasyon ng mundo - oh hell naw. yun yung panahon na akala ko e hindi ako naiintindihan ng mga magulang ko. hindi ko rin sila maintindihan kumbaket di ako pwede umirog, makipag-tropahan at maglaro ng counter-strike. basta nagbibinatog na ako. alam ko naman na ang tama sa mali. di nila ako naiintindihan. shet. bukod sa dugo, aorta at ventricles, naguumapaw sa mapanglaw na damdamin at hinanakit ang aking puso. huhuhu.

papasok ako ng school. makakasalamuha at mapagiinitan ni Hitler. badtrip.

uuwi ako ng bahay. makikipagespadahan ng reklamo at katwiran sa mga magulang. badtrip.

so anong meron sa pagitan ng eskwela at bahay?

lansangan.

Sunday, March 13, 2011

DELINKWENTE (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

eto ang malupit na paglalahad ko ng aking 6-day escapade noong first year highschool. anim na araw akong hindi pumasok. anim na araw kong niloko ang mga kaklase, guro, kamag-anak at mga magulang ko. anim na araw na niloko ako ng sarili ko.

teacher ko sa isang makasaysayang subject ang gurong itatago ko sa pangalang "Hitler". respetado sya sa masci at kinatatakutan. mayron syang angking kakaibang aura na syang nakapagpapaiyak ng mga sanggol, nakapagpapa-alulong ng aso at higit sa lahat nakapagpapa-baktol ng kilikile ng estudyante. magaling kung sa magaling syang magturo pero kelangan mong maging mala-boyiskawt sa disiplina at mala-call center agent sa pambobola. kelangan magaling kang sumagot at magpalusot kung ayaw mong tumayo habang lahat ng kamag-aral mo ay nakaupo at nakatingin sayo. madalas mo syang makikitang naglalakad nang may speed na higit ng ilang beses sa ordinaryong guro. tapos magka-angkla ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata. may kakaibang simangot na para bang humigop siya ng isang litrong katas ng dayap. para bang lagi syang sabik na sabik humigop ng kaluluwa.

pinipilit ko namang pigain ang sarili ko para di ako matalamsikan ng kumukulo nyang kasungitan. masaya sya kasama sa klase pag good mood pero mananalangin kang sana e hindi nalang nag-sex ang mga magulang mo para di ka na isinilang sa mundo at naging estudyante ni Hitler kapag bad mood siyamabait naman sya sa mga matitinong estudyante. akshuli, paborito nya ang section namin. mas higit na more than her own advisory class. kaso sadyang paborito akong paglaruan ng tadahana. ako ang naging paborito ni Hitler. apple of the eyes ika nga. iyon ang pinakahuling parusang hihingin mo ke satanas pag namatay ka na.

pag trip nyang magpa-recite nang biglaan, ako ang ituturo.

pag trip nyang mag-mura, ako ang sasapo (with gentle showers of saliva).

pag trip nyang manlait, ako ang una nyang makikita.

pag trip nyang manita, ako ang unang sisipatin.

ayos lang sana kung sagad-sagaran sa kabobohan ang aking astig na pagiisip. ayos lang sana kung sa lahat ng pagkakataon e hindi ako nakakasagot sa recitation. ayos lang sana kung may binagsak man lang akong periodic exam. ayos lang sana kung minura ko sya ng "fuck you,bitch" at sinampal ng p.e. shoes kong advan na high-endurance and water resistant. ayos lang sana lahat nang rason wag lang yung putanginang:

kapangalan* mo yung ex-boyfriend ng anak ko.

-itutuloy-


*bryan