hindi ito katulad nung mga ordinaryong "i miss you" na madalas mong mababasa sa mga pader ng facebook. palagi itong kadugtong ng mga batian ng mga magkakaibigang hindi nagkausap o nagkita in a certain amount of time. pero syempre depende sa agwat ng panahon at distansyang nagkawalay, nag-iiba ang bigat ng "i miss you".
"uy! baldo! kumusta ka na? i miss you!"
"ayos lang, jennybeth! miss u too!"
hindi ganyan ang "i miss you" na nararamdaman ko. kumbaga sa cd, gasgas na yan at sa dalas ng walang kawawaang paggamit ay nauupod na ang tunay na kahulugan. hindi ganyan yung pangungulilang nararamdaman ko ngayon.
yung sa tagal ng pagkawalay mo, hindi mo na sya maintindihan.
yung sa sobrang tagal, parang hindi mo na sya kilala.
yung isang araw, basta biglang hindi ka na maka-relate.
bale pumasok kasi ako sa indayog noong panahon na kakapalit pa lang ng choreographer. yung mismong umpisa ng pagbabago ng indayog na dating mahiyain at hindi pansinin. hilaw at sabik pa kami sa lahat ng mga bagong ituturo ni kuya reagan.
noon, maliit lang ang pamilya. iisang bilog.
kasya ang lahat sa loob ng studio. yung lumalangitngit at amoy-pawis na studio.
hanggang sa lumipas ang mga panahon, natuto, gumaling at unti-unting nakilala ang indayog. dumami nang dumami ang mga bagong members. lumaki ang pamilya. pero ang part na masakit sa akin ngayon, kasya pa rin ba ang lahat sa loob ng studio? sa loob ng iisang bilog?
hindi ko alam. hindi ko sigurado. ang alam ko lang, sobrang laki na ng pinagbago mo. parang hindi na kita kilala. nanliliit na ako sa taas ng naabot mo. sa dami ng mga tawa, iyak, galit, asar at ngiting hindi kita nakasama, siguro pati ako hindi mo na rin kilala.
hindi ito yung ordinaryong "i miss you" na pakalat-kalat sa mga pader ng facebook o mga inbox ng mga cellphones. ito yung matalim, masakit sa lalamunan at mabigat sa dibdib na "i miss you". yung pag biglang tumama yung alulod mo sa kanto ng lamesita. yung pag naghihiwa ka ng sibuyas. hindi ito yung "i miss you" na gasgas at wala nang kahulugan.
dahil indayog,
miss na miss na kita.
i so fucking miss you.