oo. tama. tumpak. trulalue. corrected by.
ako nga ay nagtatangka na namang muling magbalik sa blogosperyo. masasayang lang kasi ang mga kathang hindi ko nailalathala - yung mga padeep at pakwelang facebook status na kalaunan ay mababaon rin sa kaibuturan ng timeline. masasayang lang at mawawalan ng saysay. at oo, alam kong parehas lang yun. ako na paulit-ulit. anu yun? can you repeat that once more again twice the double redundance?
ang huling lathala ko dito sa
juicekupo! ay may higit kalahating taon na ang nakalilipas. bakit? hindi ko rin alam. akshuli oo, alam ko pala. pinagsama-samang kawalan ng oras, kawalan ng gana at kawalan ng sipag. masyado lang akong naging abala sa buhay ko na sa sobrang abala, nakalimutan ko nang bigyan ng panahon ang isang gawaing
gustong gusto mahal ko - ang pagsusulat.
nitong mga nakaraang linggo, ginugol ko ang freetime ko sa pag-aaral. hindi sa skwela pero sa sariling pamamaraan. inalam ko lang sa sarili ko kung ano na ba talaga ang nais kong gawin sa buhay. kung anong nais kong marating. kung pano ko ito mararating. at ang pinakamahalaga, kung bakit ko ito gustong marating.
isa sa mga nais kong gawin ay ang magsulat. kaya't heto ako ngayon, muling nagbabalik.
at muling maghahasik ng lagim.