Sunday, January 20, 2013

Anunsyo Klasipikado


Mula sa mga reta-retasong freetime sa tanghali, sa gabi, sa madaling araw at maging sa pinakamalalim na pagkakahimbing ng mapaglakbay kong sapantaha - muli akong nakapaglalaan ng oras upang makapaghabi ng kwento. Mula sa mga tagpi-tagping alaala ng mga moral lessons, punchlines, at iba pang mga kalokohan at kalibugan mula sa mga taong nakasalamuha ko (lalong lalo na si Edison Faeldonia) ay bubuo ako ng pinakamagandang istorya na iibigin ng mga mambabasa sa buong mundo - pati sa Japan.


Minsan kasi may expiration date ang gana ko sa pagsusulat gaya ng enerhiya ni Ultraman na sa kalaunan ay nalo-lowbat. May ibang tao na ang tawag doon ay writer's block pero ang tawag ko dun ay katamaran. Pero gayunpaman, tulad rin ni Popeye na nagpapagulpi muna sa umpisa saka kumain ng spinach o ni Alexis na after manilip sa panty ni Annie ay tuluyang nag-anyong Shaider, balik na naman ang sigla ng aking trip na mag-feeling nobelista. Naks!



Matagal siguro muna bago ako makapaglalathala ng mga bagong blog entry. I'm working on something big - my first novel.