hindi ako perpektong mangingibig, inuunahan ko na kayo. pero syempre, pinipilit ko. hindi rin ako love expert at mas lalong hindi ako dalubhasa sa sociology pero through personal experiences at sa mga aral na napulot ko sa mga pelikula, libro, blogs at chismis sa iba e nag-come up ako dito sa sampung panuntunan kung paano maging isang mabuting boypren. naks!
MY TEN TIPS ON BEING A
1. Be consistent
kapag nanliligaw ang isang lalaki, doon lumalabas ang lahat ng creativity niya sa pagpapakilig at pagpapalambot ng puso ng nililigawan niya mapasagot lang niya ng pagkatamis-tamis na oo. pero karamihan sa mga ating kalalakihan ay hindi consistent. after some time na naging sila na e nauubos na yung mga efforts niya para pakiligin si girlie. wag ganun mga tol. wag kang maging kampante na naging kayo na ni girlie. hindi ron natatapos ang panliligaw na parang politikong after eleksyon e hindi mo na mahagilap. kung nung first day ay sweet ka, dapat everyday sweet ka. kung nung first day nangako kang iibigin sya nang wagas, ituloy tuloy mo hanggang mga buhok mo'y malagas. o diba, rhyming?
2. Be honest, be really honest.
honesty is the best policy. kahit san ka magpunta, walang may gusto sa sinungaling. wag na wag kang magsinungaling dahil lalabas at lalabas pa rin naman ang totoo. hindi lang siya ang niloloko mo kundi pati ang sarili mo kaya be honest - be really honest. mas lalo na pagdating sa opinyon at saloobin mo sa isang bagay. sabihin mo kung anong totoong nasa isip mo. piliin mo nga lang syempre ang mga ampat na salita para taliwas man sa argumento niya, at least maayos at hindi mauuwi sa away ang usapan.
at syempre kasama na dito yung "wag kang makikiapid". don't ever cheat on her. not even "almost". di ko na dapat sabihin yun dahil alam mo na dapat yon. self-explanatory ba.
3. She'll live with or without you - you're not the center of the universe.
unless kasal na kayo, wag kang umasang mauuna ka sa kanyang mga priorities dahil hindi ikaw ang sentro ng kanyang uniberso. tanggapin mo yun at respetuhin. wag kang makipagkumpitensya sa kanyang pamilya o sa thesis o sa kanyang trabaho. kung hindi ka niya nabibigyan ng oras, dun ka magreklamo. tandaan mo, nanligaw ka lang, pwede ka niyang iwan anytime. may sarili na siyang mundo bago ka pumasok sa buhay niya kaya wag mo syang ikulong sa sarili mong mundo. give her freedom.
4. Be the best version of yourself - or at least try.
syempre, hindi lang naman din siya ang sentro ng iyong uniberso. mayroon ka pa ring responsibilidad sa sarili mo. be the best version of yourself. hindi lang para sayo kundi para na rin sa kanya. i-update mo ang sarili mo sa kung anung bago at mahalaga sa mundo.
equip yourself with knowledge. trust me, kahit sa zombie apocalypse, mas makakasurvive yung matatalino. pogi points sa mga babae yung taong reliable sa useful na impormasyon. at helpful din kung marami kang alam para wag kang maging boring kausap - kthnxbye.
iwas bisyo. kung kaya mong iwasan, iwasan mo na. para sa sarili mo rin yan. hindi astig ang yosi at hindi nakakatuwa ang mga taong lasing. (may karapatan na akong magsabi nyan dahil matagal na akong hindi nagyoyosi at alam ng lahat na mahina ang tolerance ko sa alak. hihihi.)
have long-term goals.
mahalaga yung may pangarap ka sa buhay at may master plan kang tinatahak para maabot yun. mahalagang maiparamdam mo sa kanya na may patutunguhan ang relasyon ninyo, hindi yung nagaaksaya lang ng kuryente at load sa paglalandian. walang ibang direksyon ang buhay kundi pasulong kaya't kung wala kang pangarap o balak man lang umasenso, e wag mo nang abalahin ang sarili mo. siya na rin mismo ang magsasawa at makikipaghiwalay sa iyo.
kung estudyante ka pa lang, ayusin mo muna acads bago landi. kung nagtatrabaho ka na, sipagan mo pa pataas at wag makuntento sa ibaba. kung hindi ka estudyante at wala ka ring trabaho, e ang kapal naman pala ng mukha mo mag-syota. ayusin mo muna buhay mo, bago ka mandamay ng iba.
5. Communicate
hindi dahil araw-araw kayong magka-txt e nagko-communicate na kayo. maging open ka dapat sa kanya sa lahat ng mga nararamdaman at naiisip mo dahil hindi naman siya manghuhula para malaman ang lahat nang iyon nang hindi mo sinasabi. bukod sa pagiging open, kailangan mo rin matutong makinig. alamin mo at intindihin ang mga sinasabi nya. sa ganitong paraan mas makikilala ninyo ang isa't isa.
mahalaga rin ang non-verbals.
hindi sa lahat ng pagkakataon, sasabihin ni girlie kung ano ang tunay niyang nararamdaman. matuto kang maging sensitibo at makahalata. basahin mo sa mga kilos niya o sa tono ng kaniyang pananalita kung masaya ba sya o kung may iniindang sakit o kung nasa tamang timpla ba ang mood niya.
pero tayong mga lalaki, wala tayong karapatan sa non-verbals na yan. ang tunay na lalaki, walang kung anu-anong shit. wala tayong karapatang mag-inarte dahil tayo'y mga alipin lamang ng kanilang pagibig. naks!
6. Make her laugh.
para sa akin, mahalaga na napapatawa mo siya at least isang beses man lang sa isang araw. mapagaan mo man lang yung loob niya kung medyo mabigat. o kahit walang dahilan, basta patawanin mo lang siya. malakas makagaang ng puso ang pagtawa. nakakabawas ng stress, iniinda mo man ito o hindi. mas magaang ang puso, mas maluwang ang space para sa mga positibong bagay.
tandaan mo, naging boyfriend ka hindi para maging pabigat.
7. She is always right. Even if you think she's wrong, she is always right.
darating at darating ang mga bwisitan moments kung saan hindi magtutugma ang mga opinyon at pananaw ninyo sa buhay. mag-aaway kayo at magtatalo dahil walang relasyong binuo nang perpekto. pero para sa akin, mas ayos na lang ang magpatalo, kaysa pahabain ang isang away. kung mahal ninyo ang isa't isa eventually magbabati rin naman kayo, bakit mo pa patatagalin di ba?
ipaliwanag mo yung argumento mo nang maayos, tapos humingi ka na rin ng sorry. magpatalo ka na dahil pag naghiwalay kayo sa katigasan ng ulo mo, hindi mo mayayakap at mahahalikan ang pride mo.
at kung kasalukuyang umaatake ang sumpa ng regla sa kanyang katawan, wag ka nang makipagsabayan sa ragasa ng mga hormones. wala kang panalo, yun na yon.
8. She will change. You will change. Everything changes.
tanggapin mo ito. lahat naman nagbabago, sino bang hindi? lahat ng mga experiences natin, babaguhin tayo at ang mga pananaw natin sa buhay. magbabago ang mga likes and dislikes. magbabago ang taste sa pananamit. pati pananalita.
ang challenge lang ay kung paano mo siya mapapanatiling in love sayo.
at magbago at mag-grow na kasama ka.
9. Her friends are your friends. Her family is your family.
mahalin mo ang mga taong mahal niya dahil bahagi sila ng pagkatao niya. masarap din syempre yung pakiramdam na tanggap ka ng pamilya niya lalo na ng parents niya.
at ang mga kaibigan? di mo man sila maging friends, at least wag maging kontrabida. trust me, you don't want that to happen. dahil once na may stupid bitch friend si girlie na ayaw sayo, para syang nagkaroon ng magnifying glass na magpo-point out ng mga mali at dungis ng pagkatao mo.
10. Give your 100%.
sandaang porsyentong pagibig.
hindi ako yung tipo nang nagrereserba. kung kaya mo namang itodo, itodo mo na. hindi mo alam kung kailan darating ang kamalasan baka isa sa inyo e mawala kinabukasan. at least bago man lang mangyari yon, nasabi mo ang mga nais mong masabi at naiparamdam ang nais mong maiparamdam.
sandaang porsyentong pagtitiwala.
matuto kang magtiwala nang buong buo dahi kung talagang mahal ka niya e wala siyang gagawing ikasasama ng loob mo. kapalit nito ay ang pagtitiwala rin niya sayo. bigyan mo sya ng kalayaang gawin ang mga bagay na gusto niya nang hindi mo siya tine-text kada minuto. ilagay mo sa lugar ang selos mo (lalo na kung di ka naman guwapong tulad ko). walang taong hindi napapagal sa isang relasyong nakasasakal. o diba, rhyming ulit?