Saturday, February 21, 2015
Monday, February 9, 2015
Sunday, February 1, 2015
Edi yun nga, wala na akong facebook at instagram.
Siguro bahagi ito ng paghahanap ko sa nawala kong sarili after ng hardcore na daluyong ng mga kadramahan sa buhay ko. Pwede mo rin sabihing, nagpapa-miss lang ako. Para bang sa ganitong paraan ko gustong hanapin yung importansya ko sa mundo. May makaka-miss ba sa akin? May maghahanap ba sa akin ngayong bumitaw ako sa sirkulasyon ng speryo ng social networking?
May mangilan-ngilan naman.
Sa ganitong paraan mo malalaman kung sino ang totoo mong kaibigan. Yung tipo ng kaibigang maghahanap at maaalala kang kamustahin kahit walang kailangan sayo. Naging kumportable na kasi ang halos lahat sa atin sa ginhawa na idinulot ng teknolohiya.
Biruin mo nga naman, ilang pindot lang sa computer at smart phones eh updated ka na sa mga kaganapan sa buhay ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala, kaaway, kapit-bahay, at maging yung katulong ng kaklase mo.
Konektado?
Konektado ba yung alam ko yung mga nagaganap sa buhay mo pero hindi tayo naguusap? I get it, mas madali na maka-catch up sa kung kani-kanino pero it just became so easy na nawawala na yung essence ng "connection" between people. News feed. Fini-feed na lang tayo ng mga impormasyon at bahala na tayo mag-like o mag-comment depende sa kung may available kang paki na maibibigay.
Hindi ko alam.
Hindi ko na alam exactly kung anong nangyayari sakin bakit ako nagpapaka-profound nang ganito. Napakarami nang nawala sa akin na pakiramdam ko pati yung koneksyon ko sa mundo e nawawala na rin.
I just feel so lonely. Di ko alam kung bakit. Siguro pakiramdam ko wala talagang kahit sinong nakakaintindi sa akin. Walang ampat na salitang makadescribe sa kung anong krisis ang nagaganap sa loob ng sapantaha ko ngayon.

Mabuti na lang sanay ako ngumiti at magpatawa.
Hanggang kailan?
Di ko alam.
Subscribe to:
Posts (Atom)