dahil bahagi ka at apektado ka ng nagaganap sa lipunan. hindi ka basag na hollow blocks na nakatambak sa bakanteng lote. hindi ka bulaklak ng gumamela na dinidikdik at ginagawang pabula. hindi ka posteng nakatayo lang at iniihian ng mga lasing twing gabi. hindi ka bagay, lugar, hayop, pangyayari o pagkain dahil punyemas hindi naman ito pinoy henyo.
tao ka.
tao ka na may mata na siguro nama'y hindi bulag. may tenga na sana rin nama'y hindi bingi. may betlog na umuurong pag giniginaw sa gabi (kung lalaki ka). may damdaming malamang at dapat lang naman ay nasasaktan sa mga kabalintunaang nagaganap sa iyong bayan.
kung bakit dapat kayong makilahok sa malawakang protesta laban sa BUDGET CUT? simple lang, dahil minsan sa mga buhay ninyo ay itinaas nyo nang matuwid ang inyong kanang kamay ay sumumpa ng katapatan sa bayan. kabataan raw ang siyang pagasa ng bayan. pero paano mo aasahan ang mga kabataang walang matinong pinagaralan? EDUKASYON ANG PUNDASYON NG MATIBAY NA LIPUNAN. para hindi tayo nakasandal nang nakasandal sa mas malalaki at mapagsamantalang bansa. hindi tayo inuuto. hindi tayo hina-haras. hindi tayo pinagtatawanan.
kung hindi ka kikilos, wag kang magtataka kung sa mga susunod na taon ay hindi lang planking ang ipagbawal. baka bawal na rin mag-isip. pero pwede pa ring mangurakot, mandaya sa halalan, pumaslang ng aktibista at mang-massacre ng media nang walang pangamba.
kung hindi ka kikilos, wag kang magtataka kung sa mga susunod na taon ay hindi lang planking ang ipagbawal. baka bawal na rin mag-isip. pero pwede pa ring mangurakot, mandaya sa halalan, pumaslang ng aktibista at mang-massacre ng media nang walang pangamba.
tas bawal na rin mag-facebook. lagot na.
No comments:
Post a Comment