ilang mga daliri na naman kaya ang magiging piniritong longganisa ngayong bagong taon? yung wakwak, nagmamantika at mapulang longganisa. ilang maliliit na tindahan kaya ang masusunog? ilang mga bahay ang matutupok? sa pagpitada ng bagong taon, kasabay ng maingay na tugtugan, putukan at walang kamatayang bidyoke sa kalye ay mayroon siguradong mga umiiyak.
pero sigurado rin ako dito:
masayang masaya na naman ang mga malalaking negosyante ng mga paputok. hindi yung mga nakikita mong nagbebenta sa mga maliliit na tindahan kundi yung mga nagsu-supply. yung mga hindi nasusunugan ng puwesto. yung mga hindi nahuhulihan ng illegal. yung mga nagpapatakbo sa makinarya ng konsumerismo ng bansa.
tama, ang mga malalaking negosyanteng intsik na di kayang kantiin ng mapurol na pangil ng ating saligang batas. at bago pa umangal ang iba, oo. karamihan sa kanila ay mga intsik (o may lahi). tanungin mo pa sila henry sy, lucio tan at pati ang president mo. silang mga may-ari at nagpagawa ng mga kalsada, gusali, negosyo at kung anu-ano pang shit. silang mga pinagkakautangan ng loob ng mga paaralan, simbahan at pulitiko na every year ay may libre pa-tikoy pa. silang may kontrol sa igagalaw ng puppet nating bansa (na itinuturing nating "malaya") at sa media sa kung ano lamang ang gusto nilang ibigay na impormasyon sa masang pilipinong panatiko ng mga reality shows at teledrama. oo, hindi man sila nagsisinungaling sa atin, pero hindi rin naman nila sinasabi ang lahat ng katotohanan. hindi tayo bulag sa katotohanan, tayo ay binubulag sa katotohanan. ipinapakita lang nila sa tv ang mga maliliit na mga kriminal na nagnanakaw, pumapatay at nanloloko ng kapwa dahil sa kalam ng sikmura. pero hindi nila pinapakita ang mga sarili nilang mismong nagnanakaw at pumapatay sa ating bansa. gusto nilang mapaluha tayo sa mga nagdarahop na mga maysakit at nasalanta na inaabutan nila ng relief goods at sa mga batang nabibigyan nila ng libreng tsinelas kahit na ang dapat na ibinibigay nila sa mga ito ay libre at dekalidad na edukasyon.
kaya ngayon, harap-harapan man tayong nakawan, wala tayong magagawa dahil hawak nila tayo sa bayag. paalam, spratly islands.
at ngayong papasok na naman ang panibagong taon, sapat na sana para magtimpi ka pa sa mga kabullshitang nagaganap sa paligid mo. sa halip na tumunganga sa mga fireworks display, tumalon-talon at gawing longganisa ang mga daliri mo, bakit di ka maupo sa harap ng computer at iadd ako sa facebook? joke. ikaw ang bahala kung pano mo sasalubungin ang bagong taon - nakapolka dots man o stripes o hubo't hubad. araw ng kamatayan ngayon ng pambansang bayani at malamang dismayado sya sa naging resulta ng pagpapabaril nya sa likod. wala naman syang paki sa isang lumang rebulto o kung nailagay man ang ulo nya sa piso dahil namatay sya para sa tunay na kalayaan - hindi para sa mga recognition at mga karangalan shit na yan. okay, balik sa topic. ikaw nga kasi ang bahala kung pano mo sasalubungin ang panibagong taong parating. at oo, ako na paulit-ulit dahil gusto kong lang mailahad nang husto ang aking punto. ikaw ang bahala kung paano mo titingnan ang lipunang ginagalawan mo - matuto kang magisip o manatili kang bulag sa katotohanan. pero ang tanong ko sayo:
hanggang kailan ka magpapahawak sa bayag? malinis ba yan? nakakahiya naman sa kanila.
No comments:
Post a Comment