minsan, talagang babanatan ka ng tadhana sa pinaka-convenient na tyempo at bibigyan ka ng kutos na hindi mo kayang ismidan lang at hindi pansinin. o kahit yung hindi naman big deal talaga pero dahil pagal ka na - katawan, puso, at kaluluwa (oo, kasama kaluluwa para mas dramatic leche), hindi mo maiwasang mahulog na lang muli sa patibong. magugulat ka na lang, nag-dive ka na naman at nagtatampisaw sa swimming pool ng malamig, mapakla, at walang kakwenta kwentang feels at imaginary na lang na nakaraan.
hindi ka lang umaaray, pero alam mo deep inside, may dinadamdam ka.
pero walang nakakaalam kasi wala namang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang.
kaya tahimik ka na lang na nagdurusa at nagpapakatatag. dahil wala namang maniniwala na sa likod ng mga kagaguhan at mga patawa, may tahimik na bahagi ng iyong pagkatao ang nagkukubli sa isang sulok ng iyong sapantaha - malungkot at sinisimsim ng malamig na pagiisa.
No comments:
Post a Comment