Saturday, February 20, 2016

kumustahan chuchu

Hello mga readers na di lalampas ng lima! Kumustahan na naman tayo!

Patapos pa lang ang ikalawang buwan ng taon pero parang pa-quota na agad ang dating ng blessings sa buhay ko. Ibang iba ang transition na ito kaysa noong last year na ang tina-transition ko e ang sarili ko mula sa "dark" days na lunod sa bisyo at depresyon. Di nga ako nagkamali, kahit medyo out of impulse ang pag-enroll ko sa nursing e alam kong ito ang pinakamabuting desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Last year hinahanap ko pa ulit ang sarili ko, ngayon e buong buo na naman and I guess I can say na I'm strong enough to be devastated by any kind of adversity.

Nahanap ko na ulit ang sarili ko bilang isang anak ng Diyos.

The moment that I let Him take charge of my life again was the moment everything started to fall into the right places. I finished school on time while still working night shifts. I passed the boards and now I'm employed as a licensed nurse. All of these are impossible if not because of Him and this one beautiful angel that He sent me. She helped me find my way to God and after that, the path towards our goals became crystal clear. Iba ang isang relasyon na may matibay na pundasyon - one that has God in its center. At oo, I'm talking about relationships here kahit na ba walang labels labels ang ano namin ni ano. Basta.

Yun lang naman, update update lang tayo dahil nakuha ko na ulit itong laptop ko. Yasssss! Kung nakasubaybay ka man sa teleserye ng buhay ko, eto, maraming mga bagong magaganap ngayong taon. Abangers ka lang muna dyan, nakikibasa ka lang naman. hehehe. :)

O sya, babush!

No comments:

Post a Comment