Tuesday, March 31, 2020

BUHAY PA AKO, MGA PANGET!

Dalawang taon na pala yung huling beses akong nag-publish ng blog entry. Pasensya na, masyado lang akong abala sa pagpapayaman - chos. Hinde, bale kasi busy lang ako sa buhay grown up. Finally di ba, tingin ko na sa sarili ko ngayon ay isang lehitimong gurang na may solidong mga pangarap at plano sa buhay. Updates? O sya, tutal dalawang taon akong nawala sa blogsperyo.

Umpisahan natin sa career.

Isa pa rin akong nurse, specialized sa pagkutkot at pagtapal ng mga sugat. Wound care nurse ang pinaka-title ko. O diba ang lakas maka-eksperto. Masaya naman ako sa napili kong linya at sa tingin ko naman ay na-earn ko na yung respeto at kredibilidad sa community namin bilang isang magaling na wound nurse. In the works na rin yung proseso ng pag-akyat ko mula sa pagiging LVN paangat sa RN. Medyo mabagal na process pero at least may pagusad na nagaganap.

Pagdating naman sa lovelife e oks na oks at swabeng swabe. Iba talaga kapag nahanap mo na yung taong sigurado kang ka-match mo sa puso, personalidad, at pangarap. Mamamatay lang kayong lahat sa inggit kung ikukwento ko pa lahat ng dahilan para masabing couple goals kami ni bebelabs.

Nung 2017, nakasama na namin si erpats dito sa Amerika. May sakit na sya nang makarating dito. Ibang diagnosis ang binigay sa kanya sa Pinas pero pagdating dito, na-ospital sya at nakita ng mga legit na neurologist ng UC Davis. Nalaman namin na may ALS sya. Yung sakit na sumikat dahil sa ice bucket challenge. Yun din yung sakit na kinamatay ng sikat na physicist na si Stephen Hawking. August 26, 2018, birthday pa ng best friend ko na si Issa. Sumakabilang buhay ang aking ama.

Late 2018 at buong 2019, abalang abala kami ni bebelabs sa online schooling para sa pre-requisites namin para sa RN school. Yumaman ang Starbucks at Panera Bread sa aming dalawa kapalit ang libreng wifi at study table. Ngayon, kumpeto na kami sa mga pre-requisites at requirements - pera na lang ang kulang. Kaya parehas kaming may dalawang trabaho, walang day-off sa buong taon para makapagipon ng pang-matrikula. Magkatuwang kami sa pagaaral at pagabot ng mga pangarap. Naks! Ano ba sabi ko? Couple goals diba?


Ngayon naman, 2020 na. Panibagong dekada ang nagsimula. Maraming tao ang hopeful sa mga panibagong simula pero imbes na magagandang balita e sunod-sunod ang pagdating ng mga sakuna.
May mga sunog, lindol, gyera, pagsabog ng bulkan, at pinaka malala sa lahat ay isang pangdaigdigang salot na sakit. Maraming nagiisip na baka naguumpisa na ang katapusan ng mundo dahil dito sa mga signos na nagsusulputan. Personally, ayokong maniwala na malapit na ang katapusan ng mundo. May paniniwala pa naman ako sa resilience ng tao. Marami tayong resources. Mas marami lang talagang mga ungas na nagpapalala ng lahat kaya minsan kahit dini-discourage na humawak sa mukha e mapapa-facepalm ka talaga sa dismaya.  Sa awa ng Diyos at lahat ng mga bathaluman, mabuti naman ang kalagayan ko at di pa nahahawaan ng COVID-19. Recommended na mag-stay home kung wala namang essential na gagawin sa labas ng bahay. Wala naman akong problema dun at wala namang significant na nagbago sa routine ng buhay ko.

Magulo ang mundo ngayon pero di ibig sabihin na hindi na makulay ang buhay. Ayokong mag-overthink sa mga negatibong bagay. Ang mahalaga e patuloy lang sa rutinaryo ng buhay at sasamahan na lang ng ampat na pagiingat. Wala namang mangyayari kung makikipagsabayan ako sa ingay ng internet at magpapakapraning.

Siguro naman sapat na updates na yan. O sya sa susunod na dalawang taon na lang ulit. Charot. Tutal e wala namang galaang magaganap sa mga susunod na weeks o buwan, baka sipagin ulit akong mag-blog. May mga drafts pa naman akong di ko pa natatapos. Abang abang lang kayo mga fans.

Hanggang sa muli, paalam bichez.





Wednesday, August 23, 2017

Boring o Busy?

Kung parang tamagotchi lang ang blog na ito ay malamang isang icon na lang ito ng lumulutang na kaluluwa. Patawad mga fans ko na di lalampas sa lima - o ewan ko kung tama ba yung terminolohiyang fans dahil di naman ako sikat sa kung anumang posibilidad. O sya, edi readers! Leche (inaway ang sarili?). Anyway, siguro naman alam nyo na yun, napaliwanag ko na ito sa mga nakalipas na entry. Malakas at rumaragasa ang daloy ng mga blog entries ko kasabay ng agos ng emosyon. Eh syemps, di ibig sabihin na matumal na ang pasok ng mga lathala e naging bato na ang puso ko. Sa huling pagkakaalam ko e di pa naman ako naiiputan ng Ibong Adarna. Gamitin natin ang terminong emotional outlet.  Oo, parang yung kaibigan mong marunong lang lumapit kapag may kailangan. Labasan ng mga emosyong nagkukumawala - ibubuhos sa porma ng mga salita. Sa madaling salita, masagana ang creative juices ng inyong makata kapag may pinagdadaanan dahil isa akong emosyonal na bata. At least naman, isa itong positibong signos na maayos ang takbo ng buhay at umaayon sa aking pabor ang pagkislot ng uniberso.

Pero mabalik tayo sa title ng blog entry na ito: boring o busy?

One of my biggest concern is being boring or too busy that I'd become boring. Mahirap kasi sa panahon ngayon na kailangan mong magpaka-mature at ma-realize na hindi praktikal sa bulsa at kalusugan ang mag-YOLO spontaneous lifestyle. At syempre wag natin kalimutang bigla akong nag-english sa opening sentence ng paragraph na ito na akala mo kung sinong sopistikadong tao. Mahirap din naman yung lahat ng galawan mo ay may sukat at kalkulado ayon sa schedule mo sa trabaho. Hindi naman tayo mga robot na de-susi na nabubuhay lamang upang magtrabaho at magbayad ng bills.

(after a few minutes , o sya hours, of pagmumuni-muni)

Syempre pinag-nilay nilayan ko bigla nang mabuti kung nagiging boring na nga ba ako. Hindi, hindi ako boring sa tatlong puntos. Una sa lahat, hindi batayan ang dami ng blog entry ko sa isang buwan kung gano kainteresante ang buhay ko dahil hindi lahat ng nagaganap ay nailalathala - maraming makahulugan at special na moments ang narapat lang na sinimsim sa mismong pagkakataon at mananatiling buhay at nakatago sa isang special na sulok ng aking alaala. Pangalawa, may trabaho akong itinuturing ko nang isang malaking bahagi ng buhay ko. Hindi lang ito basta bayad na gawain para may pambili ako ng hello panda at pambayad ng internet. Isa akong nurse na kumakasalamuha ng iba't ibang taong may iba't ibang karamdaman sa iba't ibang porma. Oha paulit-ulit? iba't iba? Pangatlo, may isa akong prinsesang walang sawang nagmamahal at nagpipinta ng maraming saya at kulay sa buhay ko.

Hindi man ako yung spontaneous palagi pero may mga pagkakataong magugulat ka na lang.

Marahil masasabi kong abala lang ako sa buhay ko sa realidad at hindi na sa nakalutang sa pangangarap at pangamba. Naninibago lang siguro ako dahil finally my reality is worth living. Shet.



Saturday, May 20, 2017

paglilinaw

Di ko alam kung may sapat pa ba akong alibi o dahilan pero alam kong muntik nang ma-athropy ang mga muscles ng pagsusulat ko. Bumili ako ng laptop na mas malakas ang resistensya sa virus para mas ganahan na ako dagdagan ang mga lathala ko sa blog pero tulad ng paulit-ulit na resiklo ng sigla ng panulat ko, umikot lang ako pabalik sa plateau at muling nilangaw nang ilang buwan ang juicekupo. Hindi naman sa walang ampat na panggatong sa inspirasyon, marahil mas nagiging okupado na ako ng mga responsibilidad ng tunay na buhay. Hindi naman masamang dahilan iyon, diba? Natutunan kong mas mahalaga ang relasyon ko sa pamilya, mga kaibigan, at syempre kay bebelabs ko na hindi umaasa sa tulay ng social media. Iba ang emosyong hatid ng aktuwal na pagmamahal kumpara sa nababasa. Mas malaking bahagi na rin ng panahon ko ang nakatuon sa trabaho. Sabi nga ni Tobey Maguire, with great power come with great responsibility. Oo, ako nga, ako nga si Spiderman. CHOS. Kakambal ng pagiging isang tunay at may malasakit na nurse ang pagbibigay mo ng buong atensyon at oras sa pagbibigay nang maayos na serbisyo. Sa madaling salita, nilalamon ng tunay na buhay ang oras ng gising na sapantaha ko. It's real life, mofuckers. Hindi na ito katulad noong college days na marami akong oras para magsulat at mabuhay sa speryo ng internet kung saan minsan akong slightly sumikat at nakilala bilang probable future Bob Ong.

Ilang beses ko nang nagtangkang magsulat ng nobela. Mag-uumpisa, magiging busy, makakalimot, mababaon sa drafts ang naumpisahang proyekto. Siguro oras na para magpaka-totoo.

Hindi ko na alam kung pangarap ko pa nga ba ang magka-libro.

Maraming dahilan kung bakit hindi ko na ipagpapatuloy ang "pangarap" na ito pero ang pinakamatapat na sagot ay naging pangarap ko ang makasulat ng isang libro mula sa maling dahilan - ang sumikat. Hindi dahil sa pera o para makapaghatid ng mensahe sa madlang mambabasa, kundi para sumikat. Gusto ko dating makilala bilang isang matapang at makulit na manunulat; yung may aral at aliw; yung pag-uusapan all over mainstream and social media. Gusto ko - DATI.

Siguro tumatanda na nga ako at mahiwaga na lang na lumalabas ang wisdom sa kukote ko. Bakit ko nga ba gugustuhing sumikat? Para kanino? Hindi ko kailangan ng tapik sa balikat o kahit anong reassurance mula sa ibang tao. Alam ko sa sarili ko na may talento ako. Sa panahon ngayon, easy access na lang ang "aral at aliw" gamit ang internet; at sa ikli ng attention span ng mga tao sa makabagong henerasyon na ito, iilan na lang may interes na humawak at magbasa ng aktwal na libro.
Ang pangarap ko lang naman sa buhay ay magkaroon ng silbi sa mundo; makapagbigay ng maginhawa at masayang buhay sa mga mahal ko; at makatulong sa kapwa lalo na sa mga batang hindi kakampi ang tadhana pagdating sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon.

Hindi ibig sabihin na dahil mawawala na ang posibilidad ng isang published na libro ay mawawala na rin ang passion ko sa pagsusulat. Nope. Patuloy pa rin at mananatili sa aking dugo ang pagiging makata. Masusundan pa rin ng mga bagong lathala dito sa juicekupo. Pangako yan. Itaga mo sa leeg.

Friday, December 30, 2016

Adios, 2016

In the grander scale of things, 2016 sucked ass - big time. These political wars polluted our dashboards with stupidity and hate. A lot of people were killed, families lost homes, children lost their smiles. Celebrities died this year - icons that took a big part in inspiring and developing our society.

Chaos, that's probably all there was in 2016.

NOT.

If I were to encapsulate my whole year in one word, I wouldn't be using "chaos". Perhaps a better choice to use would be "change". At the beginning of this year I was in transition of moving up my career ladder. From being a nursing assistant for nearly 6 years, I finally became a nurse. There was a lot to learn and realities about this industry revealed in front of my curious, keen observing eyes. I realized and discovered a lot of bullshit hiding beneath the smiling faces and ever so caring industry. I transferred to a different facility, lost and gained connections. Sometimes losing people along your journey are inevitable. Some of them you regret and some are necessary - for your sanity. Still, I remain in transition. There is still a lot to learn and ladder steps to make.

Happier.

If you would consider that a "change" - yes,  I am happier this year. Despite all the drama and chaos, hell to the fucking yes, I am happier.

I am in love!

If that doesn't change anything then I don't know what will. You know when you've found your person. She is that one person that can make any bad day feel like a bright holiday for you; that person that tolerates your imperfections; and most importantly, she challenges you to be the better version of yourself. I found the love of my life last year and became officially mine this year. Just thinking of how much I love this woman puts me into trance. There are definitely no words.

So yeah, in the grander scale of things, 2016 sucked ass but you know, life is life. Things will still keep happening on a cause-and-effect basis. At least, amidst all these chaos, I still have my love, my family, and my real friends. After all, they are your irreplaceable treasure - the real prize of this lifelong pseudo race to success. 2016 might have sucked, but heck, I still won.

Tuesday, October 11, 2016

kapiling ko ang mga ulap
kapag ikaw ay kayakap
ang dampi ng iyong mga labi
sa aking pisngi
nagiiwan ng marka
nagpipinta ng ngiti
ang pagibig mo ay bulaklak
na hindi natutuyot
may samyo ng pagsinta
hanggang sa huling talulot
ikaw ang mainit na yapos ng araw
ikaw ang maginhawang haplos ng gabi
ikaw ang mundo
ang aking buhay
ang nagiisang bumubuo
sa aking daigdig
ikaw, mahal ko
ang nagiisa kong pagibig


Friday, September 2, 2016

last year i got you a hat that you never wore. that's alright. i bought the same paper bag this year but this time i got you something that i know you're gonna use and you're gonna like. :)


i barely know you then. it has been a year - a crazy year. looking back through everything we did together, all the places we went together, all the memorable moments, makes me feel like we've known each other forever. we discovered almost everything about each other and our relationship grew from awkward friendship to this level that we can't even explain. right now, we're still growing and discovering new things, and i'm happy that you're still with me.


i'm not your boyfriend, but you are the love of my life. 

you have all of my love and my trust and my faith in you. i know i don't have to prove this to you and i promise you that we will never come to that point that i have to. 

you are my greatest blessing, my most precious treasure - my one and only princess. 

happy birthday, baby. 

i love you very much! 

Tuesday, August 16, 2016

"what would you be doing if you never met me?"

"i'd still be a nurse but i'd be workingmy ass off with two or three jobs and not have a life."

"why, do you have a life right now?"

"yeah, right here lying beside me."