Monday, June 29, 2020

P.U.I. -tang ina!

Oh well, as I hesitantly expected, ako ay isa nang PUI o person (or patient) under investigation. Ibig sabihin ay na-expose ako sa isang taong nag-positibo sa Covid-19. Nakakabahala pero sanay na rin ako dahil araw-araw naman na pumapasok ako sa trabaho ay may risk ako na makakuha ng kung anu-anong bacteria at viruses.

Relatively, healthy naman ako at regular naman ako nage-ehersisyo. Totoong exercise yon, bukod pa yung pagjajakol. Medyo healthy naman ang diet ko ngayon kumpara sa dati.

Gayun pa man, di ko pa rin maitatanggi na nag-aalala pa rin ako. Bagong uri ng sakit ang Covid-19 at wala pang lunas o bakuna laban dito. Marami na ring nadeads. Pucha pandemic nga e.

Bale dalawang beses na akong nagpa-test. Yung una, 3 days ago sa isang private company tas yung isa, doon ginawa sa trabaho as mandated by the local public health.

Waiting game.

This week, malalaman ko yung resulta. Sana ang positibo lang e yung outlook ko sa buhay.

No comments:

Post a Comment