Monday, December 29, 2014

2015 Predictions and all that New Year Shit

Papasok na naman ang isang panibagong taon at kasabay niyan ay ang pagpasok sa eksena ng mga nagbibida-bidahang mga "psychic" at fortune tellers. Bibigyan ka nila ng mga generic na payo na taun-taon naman ay maari mong i-apply sa iyong buhay. Para makapagbasa naman kayo ng ibang 2015 predictions (na malamang ay kabullshitan din naman), heto at hinandaan ko kayo ng aking mga hula at payo sa inyong mga gurang na ngunit naniniwala pa rin sa mga pamahiin at zodiac signs. 


AQUARIUS: Walang medyo o siguro pagdating sa pagmamahal - oo at hindi lang. Hindi ka nya mahal, asa ka pa. Buksan mo ang puso mo sa mga nasa paligid mo, andyan lang ang sagot.
Lucky Color: Blackish White
Lucky Number: 1/2


PISCES: Kalimutan mo na ang lahat ng masasamang nangyari sayo sa 2014 dahil sa pagpasok ng bagong taon, panibagong masasamang pangyayari na naman ang kahaharapin mo - sanayan lang yan!
Lucky Color: Dark White
Lucky Number: 20


ARIES: Nakita mo na yung taong kaya ka paligayahin kaso choosy ka lang. Ngayong 2015, pagisipan mong mabuti ang mga choices mo bago mahuli ang lahat. Tingnan mo sarili mo sa salamin. Oh di ba? Di ka naman kagandahan.
Lucky Color: Gold
Lucky Number: 1988


TAURUS: Parehas kayo ni Cancer, puro lovelife nasa isip. Pero guess what? Ngayong 2015 makikita mo na ang taong mamahalin mo! Ang tanong, mamahalin ka rin kaya nya?
Lucky Color: Mocha Poop Brown 
Lucky Number: 35


GEMINI: Kapag may pimple sa ilong, signos daw na inlab ang isang tao. Grabe ka pala magmahal kung ganon. Sa pagpitada ng bagong taon, hindi mo na kailangan ng paputok dahil marunong na magkusa ang mga pimple mo sa mukha. Happy New Year!
Lucky Color: Bulbul Black
Lucky Number: 76


CANCER: Wag ka mag-emote na wala kang lovelife nitong holiday season dahil buong taon ka naman talaga walang lovelife. Ngayong 2015, asa ka pa. Maghanap ka muna ng trabaho bago syota, ulul!
Lucky Color: Regla Red
Lucky Number: 69 


LEO: Wag mong isisi sa Noche Buena at Media Noche ang na-gain mong weight. Dati ka naman na mataba, wag kang echusera. Sa pagpasok ng taong 2015, sasabihin mong magda-diet ka na pero after one month, balik lamon ka rin ulit. Extra rice pa more!
Lucky Color: Pinkish Nipple
Lucky Number: 88


VIRGO: Wala ka na ngang boypren, wala ka pang dede - kawawa ka naman. Magsumikap ka na lang para yumaman ka ngayong 2015.
Lucky Color: Fuschia Brown
Lucky Number: 27!






LIBRA: Masyado kang maraming lihim. Malaya ka man sa mata ng iba, hindi ka pa rin makakatakas sa mata ng iyong konsensya. Kapatid, magpakatotoo ka na ngayong 2015 kung gusto mong maging tunay na masaya. Lucky Color: Maroon
Luck Number: 25


SCORPIO: Last year sabi mo, "2014, please be good to me" - anyare? Hangga't wala kang ginagawang pagbabago sa sarili mo, hindi magiging mabait ang taon sayo, ungas.
Lucky Color: Carnation Evap
Lucky Number: 66-0-10


SAGITTARIUS: Kung hindi ka masaya, hiwalayan mo na. Life is too short para magtiis ka sa miserableng relasyon. Marami dyang iba, wag ka magpaka-martyr dahil walang cash prize ang pagiging tanga.
Lucky Color: White
Lucky Number: 209


CAPRICORN: Mabuti pa Clash of Clans, napaglalaanan nya ng oras at effort. After ng Farm Ville, Candy Crush, at COC, paniguradong sa 2015 may bago na naman siyang pagkakaabalahan - at tama, hindi pa rin ikaw yun. Hanap ka na ng iba!
Lucky Color: Armpit Black
Lucky Number: 3.14

Wala sa mga iyan ay natitiyak kong totoo at magkakatotoo. Ang sigurado ko lang ay ang asawa ni Marie, araw o gabi, ay walang panty. Pero hinde, eto seryoso na. (LOL!) Kung ikaw, naniniwala pa sa mga swerte-swerte shit na yan, tanga ka. Wag ka magpauto sa komersyalismo ng mga manggagantso! Eto ang mga tunay na lucky charm sa buhay - pwedeng pwede kahit ano pang taon:
  • Pag-aaral ng mabuti
  • Pagsisipag sa trabaho
  • Pagiwas sa paninigarilyo at iba pang bisyo
  • Pagsunod sa batas
  • Pagiging mabuti sa kapwa
  • At regular na sex life o pagjajakol


"Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran - gabay lamang sila. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito."
- Zenaida Seva 

Thursday, December 18, 2014

New Bilibid Prison: A Miniature Version of Philippine Society


Maraming Pinoy ang nagagalit ngayon dahil sa maingay na issue ngayon sa New Bilibid Prison wherein may isang inmate ang napagalamang nakapag-produce ng isang platinum award winning album at nakapag-concert pa all inside the prison. Kung wala kang ideya sa sinasabi ko, tangina ka, wala kang kwentang Pilipino - Joke!

Eto siya oh:



Unang tingin mo pa lang sa larawang ito, alam mo na agad na may mali. Dilaw na Ray-Bans na tinernohan ng pink na lip stick? Ang sakit sa mata! Siya si Herbert Colangco pero mas trip nyang makilala sa pangalang Herbert C. (Wow! Anlaki ng pinagkaiba eh no?!). Ipinakita sa balita kung gaano ka-burgis ang supposed to be "kulungan" ng dating bank robber na ito kaya't sige ngayon sa paglabas ng mga naga-alburotong butchi ang mga "perpektong" netizens.

Pero kung ako ang tatanungin, may mali ba sa pag-produce ng musika habang nakakulong ka at ine-expect na magbagong buhay? Wala. May mali ba sa pagpasok ng mga mamahaling gamit? Uhhhm...

Bale ganito kasi yun eh, mayaman si Colangco (galing man sa masama o hindi, basta mayaman siya). Ayon sa mga interviews at mga balita/chismis, tumutulong siya sa mga mahihirap nyang kakosa. With that, pwede rin nating i-assume na nakakatulong sya sa pasilidad at sa mga programa sa loob ng piitan. Kung ikaw ang warden at nag-alok ng tulong ang isang mayamang inmate, given na wala naman kayong pondo mula sa kamoteng gobyerno, aba'y tatanggi ka ba? Kung oo, tanga ka. At dahil malaki ang pakinabang mo sa isang tao, syempre mahirap din naman humindi kapag siya na ang dumaing ng pabor sa iyo. So ayun.

Hindi ko sinasabing tama, pero it makes perfect sense.

Ngayon, ang hindi ko ma-gets ay kung bakit mas pinagiinitan itong si Colangco (na di mo mawari kung silahis o sadyang metrosexual lang na kriminal) samantalang may mga drug lord ang nahulihan ng matataas na kalibre ng baril at mga kagamitan sa pagtimpla ng shabu. Bakit?

Dahil sa mainstream media at sa bandwagon culture ng mga "matatalino" nating netizens.

Una sa lahat, karamihan sa mga nagdudunung-dunungang netizens na yan ay mga wala naman talagang alam. Basta maingay ang isang isyu, talon agad pasakay sa bandwagon - wala nang isip isip pa. Napakaraming isyu sa lipunan ang hindi naman nabigyan ng ampat na atensyon dahil syempre hindi masyadong in-expose sa ABS-CBN at GMA News tulad ng mga extra judicial killings, yung Hacienda Luisita Massacre, at marami pa. Isang magandang halimbawa sa kulturang ito ng mga netizens ay yung isyu ng Pork Barrel Scam.

Matagal nang may katiwaliang nagaganap sa gobyerno pero ano? Nabulabog lang talaga ang bansa nang kumalat sa speryo ng internet ang mga larawan at video ni Jean Napoles na nagbubuhay prinsesa at uma-aura kasama si Justin fucking Bieber. Oh, di ba? Doon lang naumpisa yang mga imbestigasyon sa PDAF na yan?

Walang mali don pero ang point ko lang is, palagi lang nakafocus ang mga atensyon natin sa kung anong lalabas sa TV at kung anong kakalat sa internet.

Mabalik tayo sa bilibid:

Ang sarap daw ng buhay sa bilibid sabi ng ibang mga netizens pero ipupusta ko ang betlog ko, hindi naman yan magpapakulong kapag inalok mong doon na sila tumira. Oo, may mali sa sistema ng bilibid pero kung totoong mas mabuti nga ang buhay nila sa loob at mas mahirap ang buhay mo, hindi kasalanan ng tao iyon - kasalan iyon ng estado. Anong isyu ninyo, yung preferential treatment? yung inequal na karapatan at opportunity sa loob ng bilibid? Asa ka! Pantay-pantay mo mukha mo! Tumingin ka muna sa paligid mo, nasaan ang pantay-pantay dyan? 

Ang bilibid (sa tingin ko) ay isang maliit na version ng Lipunan ng Pilipinas:
  1.  Masikip
  2. Wasak sa pondo
  3. Paraiso ng makapangyarihang mayayaman
  4. Impyerno sa mas nakararaming mahihirap
Kung natatawaka  sa hitsura ng mga jejemon at mga iskwater na ni-hindi mo makausap nang maayos at may respeto,  wag ka na muna umasa ng equality sa lipunan.

Habang maraming botante ang silaw na silaw sa kasikatan at pagiging "generous" imbes na kilalanin at alamin ang mga credentials ng mga politiko, wag ka munang umasa ng pagbabago.

Habang hawak sa bayag ng mayayamang negosyante ang mga supposedly "leaders" at "authority" ng bansa, wag ka na munang mangarap nang gising.

Isang maliit na bersyon lang ng Pilipinas ang Bilibid. Bago ka magalit sa buktot na sistema nito, magalit ka muna sa buktot na sistemang nagaganap in a larger scale. At kung wala ka namang ginagawa para mabago ito bukod sa pagsakay sa bandwagon ng mga "matatalino", eh leche ka, manahimik ka na lang siguro. 

Tuesday, December 16, 2014

Knock knock.


Who's there?


Dan Lloyd.


Dan Lloyd, who?


One plus one, equals two.
Two plus two, equals four.
Four plus four, equals eight.
Doblehin ang eight!
Tayo’y mag-otso otso!
Otso-otso!
Mag-otso otso na!


Asan si Dan Lloyd?


Nasa Stockton.


Saturday, December 13, 2014

consummatum est

Today, I am promising this to myself:

I will shut the fuck up now about this stupid heartbreak of mine and will never even think of this again.  

I still respect my ex and her choices no matter how fucked up things turned out to be. She had her reasons that she and some people may believe are valid. Don't hate her just because I am suffering deeply. Despite the fact that I'm in a deep mess inside, trust me, I understand. Let's just leave it at that.

But with that being said, I am not doing this out of my respect for her. I'm doing this (yes, finally) for myself - my own sanity. I need to start really fixing my own damn self. I'd be bullshiting y'all if I say I am okay because I really am not. The thing about having a good sense of humor is that you get to hide your real emotions pretty damn good. Your real friends will understand your own brand of sarcasm but that is also the thing - I don't have a lot of those. But that's fine. I apologize if I did cut a lot of people out (especially when I shut my facebook account down) or if I'm building a wall too damn high. I am just so done with bullshit and flakers to just let anyone into my life. My depression is getting worse and all I need right now is a little bit more dosage of peace. That's why I'm starting over again, with myself.

I'm gonna keep that promise.

Saturday, December 6, 2014

real change is coming


I try my best to make myself greater and greater - especially after rejections. That way I become the one that got away. I know what I'm worth and I'm like gold - I never lose my value.