Maraming Pinoy ang nagagalit ngayon dahil sa maingay na issue ngayon sa New Bilibid Prison wherein may isang inmate ang napagalamang nakapag-produce ng isang platinum award winning album at nakapag-concert pa all inside the prison. Kung wala kang ideya sa sinasabi ko, tangina ka, wala kang kwentang Pilipino - Joke!
Eto siya oh:
Eto siya oh:
Unang tingin mo pa lang sa larawang ito, alam mo na agad na may mali. Dilaw na Ray-Bans na tinernohan ng pink na lip stick? Ang sakit sa mata! Siya si Herbert Colangco pero mas trip nyang makilala sa pangalang Herbert C. (Wow! Anlaki ng pinagkaiba eh no?!). Ipinakita sa balita kung gaano ka-burgis ang supposed to be "kulungan" ng dating bank robber na ito kaya't sige ngayon sa paglabas ng mga naga-alburotong butchi ang mga "perpektong" netizens.
Pero kung ako ang tatanungin, may mali ba sa pag-produce ng musika habang nakakulong ka at ine-expect na magbagong buhay? Wala. May mali ba sa pagpasok ng mga mamahaling gamit? Uhhhm...
Bale ganito kasi yun eh, mayaman si Colangco (galing man sa masama o hindi, basta mayaman siya). Ayon sa mga interviews at mga balita/chismis, tumutulong siya sa mga mahihirap nyang kakosa. With that, pwede rin nating i-assume na nakakatulong sya sa pasilidad at sa mga programa sa loob ng piitan. Kung ikaw ang warden at nag-alok ng tulong ang isang mayamang inmate, given na wala naman kayong pondo mula sa kamoteng gobyerno, aba'y tatanggi ka ba? Kung oo, tanga ka. At dahil malaki ang pakinabang mo sa isang tao, syempre mahirap din naman humindi kapag siya na ang dumaing ng pabor sa iyo. So ayun.
Hindi ko sinasabing tama, pero it makes perfect sense.
Ngayon, ang hindi ko ma-gets ay kung bakit mas pinagiinitan itong si Colangco (na di mo mawari kung silahis o sadyang metrosexual lang na kriminal) samantalang may mga drug lord ang nahulihan ng matataas na kalibre ng baril at mga kagamitan sa pagtimpla ng shabu. Bakit?
Dahil sa mainstream media at sa bandwagon culture ng mga "matatalino" nating netizens.
Una sa lahat, karamihan sa mga nagdudunung-dunungang netizens na yan ay mga wala naman talagang alam. Basta maingay ang isang isyu, talon agad pasakay sa bandwagon - wala nang isip isip pa. Napakaraming isyu sa lipunan ang hindi naman nabigyan ng ampat na atensyon dahil syempre hindi masyadong in-expose sa ABS-CBN at GMA News tulad ng mga extra judicial killings, yung Hacienda Luisita Massacre, at marami pa. Isang magandang halimbawa sa kulturang ito ng mga netizens ay yung isyu ng Pork Barrel Scam.
Matagal nang may katiwaliang nagaganap sa gobyerno pero ano? Nabulabog lang talaga ang bansa nang kumalat sa speryo ng internet ang mga larawan at video ni Jean Napoles na nagbubuhay prinsesa at uma-aura kasama si Justin fucking Bieber. Oh, di ba? Doon lang naumpisa yang mga imbestigasyon sa PDAF na yan?
Walang mali don pero ang point ko lang is, palagi lang nakafocus ang mga atensyon natin sa kung anong lalabas sa TV at kung anong kakalat sa internet.
Mabalik tayo sa bilibid:
Ang sarap daw ng buhay sa bilibid sabi ng ibang mga netizens pero ipupusta ko ang betlog ko, hindi naman yan magpapakulong kapag inalok mong doon na sila tumira. Oo, may mali sa sistema ng bilibid pero kung totoong mas mabuti nga ang buhay nila sa loob at mas mahirap ang buhay mo, hindi kasalanan ng tao iyon - kasalan iyon ng estado. Anong isyu ninyo, yung preferential treatment? yung inequal na karapatan at opportunity sa loob ng bilibid? Asa ka! Pantay-pantay mo mukha mo! Tumingin ka muna sa paligid mo, nasaan ang pantay-pantay dyan?

Ang bilibid (sa tingin ko) ay isang maliit na version ng Lipunan ng Pilipinas:
- Masikip
- Wasak sa pondo
- Paraiso ng makapangyarihang mayayaman
- Impyerno sa mas nakararaming mahihirap
Kung natatawaka sa hitsura ng mga jejemon at mga iskwater na ni-hindi mo makausap nang maayos at may respeto, wag ka na muna umasa ng equality sa lipunan.
Habang maraming botante ang silaw na silaw sa kasikatan at pagiging "generous" imbes na kilalanin at alamin ang mga credentials ng mga politiko, wag ka munang umasa ng pagbabago.
Habang hawak sa bayag ng mayayamang negosyante ang mga supposedly "leaders" at "authority" ng bansa, wag ka na munang mangarap nang gising.
Isang maliit na bersyon lang ng Pilipinas ang Bilibid. Bago ka magalit sa buktot na sistema nito, magalit ka muna sa buktot na sistemang nagaganap in a larger scale. At kung wala ka namang ginagawa para mabago ito bukod sa pagsakay sa bandwagon ng mga "matatalino", eh leche ka, manahimik ka na lang siguro.

No comments:
Post a Comment