Sunday, April 19, 2020

Bale kahapon nag-semi gathering ulit kami. Ibig sabihin, naghanda kami ng mga pagkain na usually e hindi naman naluluto sa ordinaryong araw. Weekend vibes ba. Nag-ihaw kami ng liempo, chicken legs, saka oysters. Tas may lutong palabok, may hilaw na mangga at bagoong, at nag-ihaw din pala kami ng mais. Tamang chill at chibog lang sa hapon hanggang early evening na sinabayan ng kwentuhan at sound trip. Sa dami ng nakain namin, di ko na nakayang manyakin si bebelabs - bunsol kami parehas e. Edi ayun nga, parang magiging every weekend habit na yung ganitong ganap. Ayuz.

but to be serious though...

Established naman na siguro sa lahat na hindi ako ma-salita pagdating sa mga emosyon at mga lamang utak na normally e nabe-verbalize ng mga non-weirdong tao. Kaya nga nabuo itong blog na ito in the first place, para pagtapunan ng mga bagay na di ko basta-basta nailalabas effectively gamit ang pagsasalita. Kaya ganito, sa mga non-verbal cues tulad ng pago-organize ng maliit na salu-salo ko ine-effort yung kagustuhan ko na ipadama sa mga tao na mahalaga sila sakin. Naisip ko lang kasi, sa gitna ng banta ng malubhang karamdaman dala ng pandemyang COVID-19, dapat lang na i-take advantage na namin yung mga pagkakataon na mag-celebrate at magsalu-salo hangga't kaya. Hindi biro yung magnitude ng threat sa mga buhay natin. Sa bilis ng mga pagbabago sa mundo, mas lalong hindi na natin matiyak ang mga maaaring maganap sa mga susunod na araw.

No comments:

Post a Comment