Sunday, May 29, 2011

on hypocrisy

uunahan ko na kayo.

paminsan ipokirto rin ako at ito yung isang pakiramdam na napakahirap tanggalin sa sistema mo. alam kong hindi ganun kalaking issue ito sa iba pero para sa akin, para tong isang malaking kulangot na hindi mo madukut dukot. nakakapagpabagagag este nakakapagpagaba...


nakakapagpabagabag.

tulad naman sa ibang sitwasyon, may iba't ibang bigat din naman ang hypocrisy o kaipokritohan. mayroon yung taong nagsasabing masama ang magnakaw pero panay ang download ng mga kanta at movies sa internet. mayroon namang todo makabayan kuno na "promote opm" saka "tangkilikin ang sariling atin" pero pagcheck mo ng mga gamit puro pang-koryano at mga k-pop shitz ang laman. mayroon namang yung galit na galit sa mga nakikiapid pero nag-end up din naman pala sya sa pagiging kabit.

sarap lang sapakin.

Thursday, May 26, 2011

para kay someone

yung moment na narinig mo itong isang kantang ito, alam mo na agad  kung sino yung maaalala mo. yung isang kanta na yun na nakalaan lang para sa isang ispesyal na alaala - isang ispesyal na tao sa buhay mo.

the one that got away. 

lahat siguro tayo mayroong ganito. yung nakakapanghinayang na samahan na wala lang - dumulas at nakalipas na lang. yung taong mabigyan ka lang ng pagkakataon ay kukunin mong pabalik sa iyong buhay -hindi lang bilang kaibigan.

higit pa dun.

mayroon akong kanta para sa taong yun pero dahil (bukod sa gwapo) talentado ako at napakamahusay kong sumulat ng mga tula, naisip kong sumulat ng isa para sa kanya.

walang nakakaalam kung sino ito. pero kung tatanungin nyo ako, straight up, sasabihin kong oo. oo, mahal ko pa rin sya. kahit hindi kami nag-end up being together and all that cheesy shit.

pilit tinatakasan ngunit hindi maiwasan.
ikaw nilalang, ang umpisa at hangganan.
sa puso ko hindi magbabago:
ikaw lamang hanggang buhay ko'y maglaho.

Monday, May 23, 2011

naniniwala ako dito




yung mga takot at kademonyohang nananahan sa kaibuturan ng ating mga pagkatao. yung inggit at mga pagnanasang hindi ma-kontrol. yung mga naguumapoy na galit at tampuhang hindi matupok. yung mga insecurities at mga pangambang hindi magapi-gapi. yung pride na hindi malunok. yung gutom na di resolbado.


mga halimaw na sinisilang at nananahan sa loob ng isang tao. yung halimaw na ikaw rin mismo ang nag-aalaga at nagpapalaki upang pagdating ng isang araw ay ikaw naman ang kanyang magiging sunud-sunuran, hahawakan ka sa bayag at magiging sentro ng iyong uniberso. yung halimaw na pag hindi mo nagapi ay unti-unting lalaki at magpapatubo ng pangil.


tapos bibili siya ng beer. ite-text nya yung mga kapwa nya halimaw para mag-aya ng inuman. tapos sa kalagitnaan ng kasarapan ng kwentuhan, bigla syang babanat ng isang makabagbag damdaming quote na nabasa nya sa internet. sasabihin nya:


"Monsters are real, ghosts are real too. They live inside us, and sometimes, they win. Tangina, we won pare!"





Thursday, May 19, 2011

sana disyembre na.

kung pwede ko lang ma-manipulate ang oras, ginawa ko na. 


simula nang nagsabi ako na uuwi ako this december e bigla na lang bang bumagal ang takbo ng oras. sobrang bagal na mauunahan pa sya ng isang overweight na lalaking may sakit sa puso. last year, lumipas lang ang buong taon nang di ko namalayan. basta dumaan lang ang 2010 nang ganun ganun lang na para bang jeepney na hindi mo kursunada ang kulay.


wala namang nagbago sa schedule ko kaya hindi mo masasabing mas busy lang ako last year kaya ganun. akshuli mas busy pa nga ako ngayon kasi bukod sa tatlong trabaho e mas dumami pa ang mga kaibigang yumayakag na gumala o pumartey. kung sa abala, oo super. halos hindi na nga ako nakakatulog eh. abala akong tao mula sa walang kwenta hanggang sa mga seryosong gawain tulad ng pagcomment sa mga litrato. pero bakit ganun? kapag excited ka sa isang bagay, tila ba umi-stretch pahaba ang mga buwan. ngayon pakiramdam ko singkwentang araw na ang nagdaraan, mayo pa rin. tanginang yan.


sana disyembre na. 


excited na akong mag-impake at sumakay sa erplane. tapos pagdating ko sa pilipinas, inuman agad. tapos kinabukasan kahit may hangover e derecho gala pa rin kesehodang magsuka na naman ako sa mcdo. tapos susurpresahin ko isa-isa ang mga kaibigan ko. 


nakaka-miss. nakaka-excite. nakaka-inip. 





packing sheetz.



Monday, May 9, 2011

hindi ko alam

kung naging mas masipag akong maglathala nitong mga nakaraang araw, marami sanang saloobin ang nai-translate sa salita. lately kasi hindi ko alam kung bakit pero mas pinipili kong sarilihin yung kung anuman itong bumabagabag sa akin ngayon. hanggang pahapyaw lang ng maiikiling banat sa twitter ang naaabot ng mga thoughts ko. oo, thoughts. english yun. 


hindi sa ayaw kong i-share o ayaw kong humingi ng advice mula sa kahit na sino pero mas gusto ko na lang talaga na sarilihin. sabihin na lang natin na ayokong mahusgahan na naman o kaya pwede ko rin sabihing mas gusto kong maresolbahan ito mag-isa. 


minsan kasi yung mga choice of words ko o yung paraan ko ng paglalahad ng isang partikular na bagay e nami-misunderstood. misunderstanding na hindi nafi-fix kasi hindi ko naman masasabi kung tama ba ang pagkakaintindi ng ibang tao sa nais kong iparating. tapos yung misunderstanding na yun ay malamang sa maka-impluwensya doon sa paghahanap ko ng resolba dito sa linsiyak na problemang hindi ko mahanapan ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo nang tuwiran. 


marahil ilan sa mga taong malapit sa akin ay may ideya kung ano o anu-ano itong mga bumabagabag sa akin. yung iilang tao na makakapagsabi na mukha lang akong masaya dahil sa tulong ng mga pekeng ngiti, kape, internet at pornograpiya.


anu na nga bang nangyayari sa loob ng sapantaha ni danibab?


hindi ko alam.