paminsan ipokirto rin ako at ito yung isang pakiramdam na napakahirap tanggalin sa sistema mo. alam kong hindi ganun kalaking issue ito sa iba pero para sa akin, para tong isang malaking kulangot na hindi mo madukut dukot.
nakakapagpabagabag.

sarap lang sapakin.
bale nung nakaraang linggo kasi, umabsent yung isang katrabaho namin para umattend ng isang party. oo, nakakabanas yun. sa trabaho kasi namin, pag may umabsent at walang nag-cover para sa taong yun, paghahati-hatiin yung trabaho at idadagdag sa trabaho namin. sinong hindi maiinis dun diba?
bale akong si ginoong perpekto, sa inis ko, sabi ko anu ba naman yan? uunahin pa alak kesa trabaho? pero di ko narealize, ako rin naman pala ganoon din paminsan. ayoko naman nang i-justify yung mga nagawa ko kasi pagbali-baligtarin mo man ito, ganun pa rin naman ang resulta. anu pa man ang irason ko, suma total pa rin naman nun ay umabsent ako para tumoma.
nababagabag lang din talaga ako. signos lang marahil ito na dapat e medyo iayon ko na ang sarili ko sa edad ko. pakiramdam ko may immaturity pa akong dapat kalusin sa sarili ko. oo, di naman masama ang magpakasaya paminsan pero hindi naman na ganun kasimple ang mga bagay gaya ng dati.
nakakabwisit lang. sapul na sapul ako ngayon ng kasabihang:
"bago mo punahin ang dumi ng iba, punahin mo muna sa dumi sa iyong mukha."
or something like that.
No comments:
Post a Comment