Monday, May 9, 2011

hindi ko alam

kung naging mas masipag akong maglathala nitong mga nakaraang araw, marami sanang saloobin ang nai-translate sa salita. lately kasi hindi ko alam kung bakit pero mas pinipili kong sarilihin yung kung anuman itong bumabagabag sa akin ngayon. hanggang pahapyaw lang ng maiikiling banat sa twitter ang naaabot ng mga thoughts ko. oo, thoughts. english yun. 


hindi sa ayaw kong i-share o ayaw kong humingi ng advice mula sa kahit na sino pero mas gusto ko na lang talaga na sarilihin. sabihin na lang natin na ayokong mahusgahan na naman o kaya pwede ko rin sabihing mas gusto kong maresolbahan ito mag-isa. 


minsan kasi yung mga choice of words ko o yung paraan ko ng paglalahad ng isang partikular na bagay e nami-misunderstood. misunderstanding na hindi nafi-fix kasi hindi ko naman masasabi kung tama ba ang pagkakaintindi ng ibang tao sa nais kong iparating. tapos yung misunderstanding na yun ay malamang sa maka-impluwensya doon sa paghahanap ko ng resolba dito sa linsiyak na problemang hindi ko mahanapan ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo nang tuwiran. 


marahil ilan sa mga taong malapit sa akin ay may ideya kung ano o anu-ano itong mga bumabagabag sa akin. yung iilang tao na makakapagsabi na mukha lang akong masaya dahil sa tulong ng mga pekeng ngiti, kape, internet at pornograpiya.


anu na nga bang nangyayari sa loob ng sapantaha ni danibab?


hindi ko alam.

No comments:

Post a Comment