si issa - panganay, speech pathologist, malaki dede
si ryan - basagulero, may anak-walang asawa, babaero
si kevin - malaki pwet, lover boy, dalawa trabaho
si cha - edukada, harkor religious
si ate carol - cellphone technician, tomboy
si ken - call center agent, adik
si djuana - african american, matalino, palaban
si samantha - adventurous, masayahin, laging gutom
si christian - bakla, dancer, komedyante
si zsade - madaldal, malandi, mataba
marami pang pangalan ang maaari kong ihanay, katapat ang ilang pasilip sa kanilang pagkatao.
ngayon mo sabihin sa akin: sino ako?
Wednesday, June 29, 2011
Sunday, June 26, 2011
may mga bagay na di mo tiyak pero gusto mo pa ring subukan kahit kalahati ng iyong pagkatao ay nag-aalangan. isa sa iyong mga paa ay tila ayaw humakbang kahit gorang gora na neng ang drama ng pangalawa mong paa. ewan ko lang sa pangatlo at pangapat na paa kung sakaling aso ka man. ganon kasi kapag maraming komplikasyon ang daan na nakalatag sa iyong harapan. maraming agam-agam, takot at mga pangangambang babagabag na hindi mo basta maisasawalang bahala dahil ayaw mong masaktan at ayaw mo ring makasakit. pero anu't ano pa man, isa lang ang alam ko:
masaya ako.
salamat, sayo. :)
masaya ako.
salamat, sayo. :)
Saturday, June 25, 2011
Wednesday, June 22, 2011
si LOVE ang dagang pusa.
nag-umpisa naman ang araw ko nang matiwasay.. gumising ako nang maaga para makisabay sa tito ko hanggang edsa..para bawas pamasahe na rin pauwi.. nagluto yung isang tita ko ng almusal.. sunny side up na itlog saka new tender juicy hotdog balls.. (kelangan kasama yung 'new')
bale isho-shortcut ko na dahil wala namang kabuluhan sa blog ang mga nangyari sa byahe..edi dumating ako sa bahay.. pabukas na ako ng pinto nang may mamataan akong malaking kulay itim na pusang nagaalmusal sa may kubo namin.. bilang isang berdugo ng mga pusakal, misyon kong saktan ang lahat ng pusakal sa buong sangkatauhan..kaya't dali dali akong pumulot ng kahit anong matigas na bagay at buong lakas kong ipinukol sa nakaririmarim na nilalang..nadampot ko yung crocs ng tatay ko.. (sorry, burges lang) di ko tinamaan.. sadya talagang bibo ang reflexes ng mga pussy.. cat.. tumakbo sya patungo sa may washing machine.. edi ako pulot lang nang pulot sabay pukol sa itim na pusang yun ngunit wala paring tumama.. sadya talaga syang mailap.. parang love..
BLAG! BLAG! BLAG!
kinalampag ko ang primitibong washing machine upang lumabas ang pusa kesehodang makalas kalas ang mga piyesa nito sa loob.. di ko na makontrol ang aking sarili.. parang ako na ang kinokontrol ng aking galit.. isa na atang obsesyon ang pagkitil sa lahi ng mga pussy.. cats..
BLAG! BLAG! BLAG!
kinalampag ko pa.. pauit ulit.. parang may noise barrage sa aming bakuran.. nagtitinginan na ang mga kapitbahay sa akin.. nakarinig pa nga ako ng, "adik na ata.." mula kay aling dina..ngunit tuloy parin ako sa aking sinumpaang misyon.. di lang nila ako naiintindihan..
PUTANGINA KANG PUSA KA LUMABAS KA DYAN!
may kalahating oras ng kalampagan at matinding aksyon ang lumipas, nakaramdam ata ang dyaskeng hayop na ako'y napapagod na.. bigla syang lumabas at buong lakas syang tumakbo paiwas sa aking mga tadyak.. dumaan pa nga sa pagitan ng aking mga paa, parang pangasar ba na di ko kayang habulin ang kanyang tinataglay na bilis..pinilit kong habulin pa at pukulin ngunit di ako umabot.. sadya talaga syang mailap.. parang love..
tumakbo sya patungo sa may sulok ng aming bakuran.. lingid sa kanyang kaalaman, isa na iyong dead end.. dayo lang kasi sya kaya di nya kabisado ang pasikut sikot sa amin.. agad akong tumakbo upang kornerin sya.. "putangna kang pusa ka,, yari ka sakin.." sabi ko sa sarili ko..ngunit nagulat ako sa aking nakita..pahabang tenga, mahabang buntot, maliliit at itim na mata, pahabang nguso..
isa syang daga!
di lang basta daga..DAAAGAAA!!!!!!! malaking DAAAAGAAA!!! nakorner ko sya, nagkatinginan kami.. nakatitig sya sa akin na para bang nangungusap.. sa aking puso ay nagsisisi ako kung pano ko nagawa sa walang kamaliw maliw na daga ang karumal dumal na pangaaping iyon.. nangilid ng luha sa aking right eye at napatungo na lamang ako..humakbang ako pagilid sabay senyas na maaari na syang umalis nang mapayapa.. parang huminto ang oras at nag-slow motion ang lahat.. minsan ganun talaga.. matapos mong habul-habulin at gawin ang lahat,, pag nariyan na e kelangan mo namang pakawalan.. napaka-unfair.. parang love..
nagwakas ang maaksyong tagpo sa aming bakuran nang tahimik.. ang pobreng daga, naglalakad palabas ng bakuran.. at ako, nakatayo habang nakatitig sa kawalan.. tahimik.. rinig lamang ay ang pangingiliti ng hangin sa mga dahon ng mga puno, ang background music na "i dont want you to go" ni kyla na kahapon ko pa LSS, ang mapayapang lagaslas ng tubig sa aming fish pond, at ang malulutong na mura ni aling evita sa anak nyang si pura..basta tahimik..ni walang gustong bumasag sa katahimikang iyon.. nakabibingi.. nang nakarinig ako ng huni ng isang pamilyar na hayop..
pchuppchhpt..(basta huni ng daga yan,wag ka magulo..)
bumilis ang tibok ng aking puso..di ko ma-explain yung feeling..parang nae-excite na kinakabahan..lumingon ako sa kinatatayuan ng daga.. marahil ay nais nyang mamaalam o magpasalamat dahil nahabag ako't pinakawalan ko sya..nagulat ako sa aking nakita..
masama ang titig nya sabay bigkas ng..
bale isho-shortcut ko na dahil wala namang kabuluhan sa blog ang mga nangyari sa byahe..edi dumating ako sa bahay.. pabukas na ako ng pinto nang may mamataan akong malaking kulay itim na pusang nagaalmusal sa may kubo namin.. bilang isang berdugo ng mga pusakal, misyon kong saktan ang lahat ng pusakal sa buong sangkatauhan..kaya't dali dali akong pumulot ng kahit anong matigas na bagay at buong lakas kong ipinukol sa nakaririmarim na nilalang..nadampot ko yung crocs ng tatay ko.. (sorry, burges lang) di ko tinamaan.. sadya talagang bibo ang reflexes ng mga pussy.. cat.. tumakbo sya patungo sa may washing machine.. edi ako pulot lang nang pulot sabay pukol sa itim na pusang yun ngunit wala paring tumama.. sadya talaga syang mailap.. parang love..
BLAG! BLAG! BLAG!
kinalampag ko ang primitibong washing machine upang lumabas ang pusa kesehodang makalas kalas ang mga piyesa nito sa loob.. di ko na makontrol ang aking sarili.. parang ako na ang kinokontrol ng aking galit.. isa na atang obsesyon ang pagkitil sa lahi ng mga pussy.. cats..
BLAG! BLAG! BLAG!
kinalampag ko pa.. pauit ulit.. parang may noise barrage sa aming bakuran.. nagtitinginan na ang mga kapitbahay sa akin.. nakarinig pa nga ako ng, "adik na ata.." mula kay aling dina..ngunit tuloy parin ako sa aking sinumpaang misyon.. di lang nila ako naiintindihan..
PUTANGINA KANG PUSA KA LUMABAS KA DYAN!
may kalahating oras ng kalampagan at matinding aksyon ang lumipas, nakaramdam ata ang dyaskeng hayop na ako'y napapagod na.. bigla syang lumabas at buong lakas syang tumakbo paiwas sa aking mga tadyak.. dumaan pa nga sa pagitan ng aking mga paa, parang pangasar ba na di ko kayang habulin ang kanyang tinataglay na bilis..pinilit kong habulin pa at pukulin ngunit di ako umabot.. sadya talaga syang mailap.. parang love..
tumakbo sya patungo sa may sulok ng aming bakuran.. lingid sa kanyang kaalaman, isa na iyong dead end.. dayo lang kasi sya kaya di nya kabisado ang pasikut sikot sa amin.. agad akong tumakbo upang kornerin sya.. "putangna kang pusa ka,, yari ka sakin.." sabi ko sa sarili ko..ngunit nagulat ako sa aking nakita..pahabang tenga, mahabang buntot, maliliit at itim na mata, pahabang nguso..
isa syang daga!
nagwakas ang maaksyong tagpo sa aming bakuran nang tahimik.. ang pobreng daga, naglalakad palabas ng bakuran.. at ako, nakatayo habang nakatitig sa kawalan.. tahimik.. rinig lamang ay ang pangingiliti ng hangin sa mga dahon ng mga puno, ang background music na "i dont want you to go" ni kyla na kahapon ko pa LSS, ang mapayapang lagaslas ng tubig sa aming fish pond, at ang malulutong na mura ni aling evita sa anak nyang si pura..basta tahimik..ni walang gustong bumasag sa katahimikang iyon.. nakabibingi.. nang nakarinig ako ng huni ng isang pamilyar na hayop..
pchuppchhpt..(basta huni ng daga yan,wag ka magulo..)
bumilis ang tibok ng aking puso..di ko ma-explain yung feeling..parang nae-excite na kinakabahan..lumingon ako sa kinatatayuan ng daga.. marahil ay nais nyang mamaalam o magpasalamat dahil nahabag ako't pinakawalan ko sya..nagulat ako sa aking nakita..
masama ang titig nya sabay bigkas ng..
"FUCK YOU!"
Tuesday, June 21, 2011
tootsie guevarra syndrome
hindi ko alam kung bakit ba simula ng makilala kita, para bang bigla kang naging isang mahalagang sustansya na kailangan ng aking katawan. hindi kumpleto ang aking mahabang araw kung wala ka. parang centrum - it makes me complete. ikaw ang nagtatanggal ng lahat ng pagod, stress at bad vibes sa aking katawan. para kang gatorade with advanced electrolyte system, pinapawi mo ang uhaw ng aking katawan at isipan. grabe, kung wala ka kulang na. kulang na ang lahat.
parang tae na walang langaw.
parang tinola na walang sabaw.
parang paksiw na walang suka.
parang model na walang mukha.
parang pakbet na walang gulay.
parang buhok na di sinuklay.
parang pusang walang ngiyaw.
parang ahas na di nanunuklaw.
parang ako na walang ikaw.
di makatulog sa gabi sa kaiisip. sa diwa ko'y ikaw ang laging panaginip. o bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko? hindi ko rin alam. hindi ko alam, tootsie guevara. at kung bakit hindi tayo makatulog sa gabi ay wag na nating isisi sa mga minamahal natin. we need eight hours of sleep everyday to keep our skin healthy (skin lang? oo, ako na vain).
hindi naman siguro masama ang ma-tootsie guevara syndrome. wala namang peligrosong sintomas ito bukod sa malakas na pagtibok ng puso at abnormal na daloy ng kaba sa iyong mga kalamnan. mag-ingat lamang ang mga taong may alta presyon.
oo, ako na...
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagibig,
weird shitz
Monday, June 20, 2011
Saturday, June 18, 2011
eh kasi ninja ang daddy ko.
kadalasan kasi diba, yung mga ginagawan ng tribute ay yung mga sikat. yung the best. yung sobrang galing nya sa kung anumang larangan. o kaya may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng lipunan. sila yung mga tipo ng tao na ginagawan ng pelikula, isinasalibro ang mga talambuhay, pinatatayuan ng rebulto at kung anu-ano pang shit.
bale lumaki kasi ako na mas parang tropa at hindi nakatatandang ama ang turing ko sa tatay ko. hindi sa hindi ko siya ginagalang, talagang ganun lang sya ka-cool. kapag may mga trip ako na hindi masakyan ng mommy ko, dad ko ang taga-salo ko. hindi naman kasi siya yung tipo na hindi nakaka-adjust sa pagbabago ng mga henerasyon. kumusta naman na sa kanya ko pa natutunan kung anung ibig sabihin ng TTYL di ba? edi siya na ang techie. parang bata pa rin kahit pang-igorot na yung kulubot sa mukha nya. laging pasimula ng kulitan, kwentuhan, tawanan at kung anu-ano pang shit.
kung ikukumpara sa ibang mga tatay, tae ang tatay ko. dating tirador ng shabu, malakas mang-chicks, lasinggero at walang matinong trabaho. hindi sya yung tulad ng ibang tipikal na tatay na "haligi ng tahanan" na tipo. hindi rin sya yung tikasin na istriktong akala mo laging nanghahataw ng leather na sinturon. hindi siya ganon.
pero husgahan man siya ng lahat ng tao sa mundo, o kayong nagbabasa nito. ngayon din, para sa inyo. eto ang solid kong:
putang ina nyo.
oo, sige malaki ang pagkukulang nya sa amin in terms of providing. marami siyang naging kasalanan lalo na sa mommy ko, hindi ko maikakaila yun. pero kahit ganun pa man, proud pa rin ako sa daddy ko dahil despite ng lahat ng negatibong aspeto ng buhay namin ay nakuha nya pa rin kaming mapalaking matitino at astig. sa kanya ko natutunan yung pakikisama at respeto sa ibang tao anumang katayuan nila sa buhay. marami pang iba at natutunan ko yung mga pangaral nyang iyon dahil itinuro nya sa akin yun kasabay ng pagkilos ayon dito - hindi lang ba puro salita. pero higit anu pa man, sa dad ko natutunan na walang taong hindi kayang magbago dahil kahit anu pa mang sama nito, kung pagbibigyan lang ay may natitira pa rin namang kabutihan sa kanya.
hindi lang yan.
malupit ding mag-gitara yan, magilas magkumpuni ng kung anu-anong shit at may pamatay na sense of humor. sige nga, pupusta ako kahit anung halaga. humanap kayo ng kahit na sinong tatay na pwedeng itapat sa daddy kong kayang kayang pumaslang ng sampung katao nang walang armas.
partida nakapikit ang kaliwang mata.

father's day,
ninja,
pagibig
Sunday, June 12, 2011
dre, naranasan mo na ba yung may nangyaring sobrang ganda tapos ayaw mo muna maniwala kasi baka mamaya panaginip lang pala? tapos dre, pakikiramdaman mo yung sarili mo kung gising ka ba o nananaginip. para sigurado dba dre. tapos sige check, okay gising ka nga. edi ansaya-saya mo na dba? oo, grabe sobrang ganda kasi ng pangyayari kaya masyado kang mao-overwhelm. anhirap tuloy paniwalaan. too good to be true ba. tangina dre, para kang nalutang sa langit sa sobrang saya. ito yung mga pangyayari na katulad ng pagkakapanalo sa lotto. o kaya pumasa ka sa bar exams. o kaya nagbabakasyon ka sa isang sosyal na resort. o kaya sinagot ka na nung nililigawan mo. yung mga ganung special na pangyayari. ansaya diba? tapos nung tumatagal nang akala mo totoo ang lahat, bigla kang gigisingin ng packing shet na alarm clock ng cellphone mo. sasampalin ka ng realidad. balik ka sa pangangarap.
naranasan mo na ba yung ganun? ako dre, oo. kagabi lang. kaso saka ko na ikukwento, natatae pa ako eh.

Saturday, June 11, 2011
mock-abayan
syempre, uulan na naman ng mga tweets at mga posts sa facebook at tumblr ng mga katagang tulad nito:
at kung anu-ano pang nasyonalista shits.
oo, elementarya pa lang alam na nating araw ng kalayaan ang ika-12 ng hunyo kada taon. ito yung araw na obligado tayong gumawa ng philippine flag gamit ang art paper at maliit na patpat. tapos ito yung araw na paulit-ulit na maririnig ang "ako ay pilipino" sa mga classroom at kung anu-ano pang pakulo masabi lang na nakikiisa tayo sa celebration ng independence day. mga bata pa lang tayo tinuturuan na tayo kung pano maging makabayan.
pero sa panahon ngayon, ilan na lang ba talaga sa atin ang nakakapagsabi na "ansarap maging pinoy" sa mga ordinaryong pagkakataon. yung kahit walang laban si manny pacquiao ay may mga bandila pa ring naka-display sa lansangan. yung imbes na sa mga koreano o kay justin bieber ay mas humahanga pa rin tayo sa galing ng opm. yung imbes na mommy ay nanay pa rin ang tawag ng bata sa kanyang ina. yung talagang buong buo sa puso mong maligaya kang maging pinoy - hindi lang yung basta lang maka-proud to be pinoy dahil sa mga kababayan nating sumisikat sa international scene.
oo, globalisado na nga tayo. at syempre sa bilis ng makinarya ng makabagong sistema, hindi pwedeng hindi tayo makikisabay kung ayaw nating mapagiwanan ng ibang bansa. dahil bukod sa fact na isa lamang third world country ang pilipinas ay para bang hindi na tayo makatakas mula dito - hawak tayo sa bayag. at dahil sa hindi magapi-gaping kahirapan, nakukuntento na lang tayo sa mga short term na ginhawa tulad ng malling, uminom ng beer, panonood ng tv at kung anu-ano pang shit. maraming mga foreign influences ang nakaapekto na sa ating mga ugali, kilos, pananalita at panlasa. pero di ba mas maganda sana kung despite all the changes ay intact pa rin ang ating kultura? sana lang. kaya nga kasi araw ng kalayaan diba. malaya. malaya tayong maging tunay na pinoy nang hindi nahihiya o naiinggit sa ibang lahi.
ma-la-ya.
ang tunay na pagiging makabayan ay hindi isang one-day thing lang. hindi yan nakukuha sa pagbati ng happy independence day tuwing june 12. at kung talagang proud ka sa pagiging isang pinoy, ipakita mo nang wagas. dahil tulad ng pagibig, sex at pag-ihi... hindi yan sinasabi - ginagawa.
mabatukan ka pa ng kaluluwa ni bonifacio.
happy independence day!
maligayang araw ng kalayaan!
mabuhay ang pilinas!

Wednesday, June 8, 2011
kahit gamitan mo pa ako ng iskwala o meter stick
natawa, nainis, nagtaka.
nagsuot lang ako ng headband sa trabaho, kung anu-ano nang nasabi ng mga tao. ang pinaka-common na reaksyon ay kung nababakla na raw ba ako? what the fudge? akwo? bading?
e sa dito ako kumportable e, walang basagan ng trip.
para sabihin ko sa inyong lahat, hindi ko kailangan magpakamacho, magpatubo ng bigote at kung anu-ano pang shit para lang magmukhang lalaki. wala akong problema sa aking sekswalidad kaya't kering keri ko magsuot ng mga ganitong uri ng accesories mapa-purple man ito, baby blue o kahitfucha pink pa yan. hindi ko kelangan magpanggap o i-adjust ang sarili ko sa kung ano ang standards ng pagiging tunay na lalake. wala naman akong dapat patunayan dahil gamitan nyo man ako ng iskwala o meter stick, straight ako - mas straight pa sa daang matuwid ni noynoy.
nagsuot lang ako ng headband sa trabaho, kung anu-ano nang nasabi ng mga tao. ang pinaka-common na reaksyon ay kung nababakla na raw ba ako? what the fudge? akwo? bading?
e sa dito ako kumportable e, walang basagan ng trip.
para sabihin ko sa inyong lahat, hindi ko kailangan magpakamacho, magpatubo ng bigote at kung anu-ano pang shit para lang magmukhang lalaki. wala akong problema sa aking sekswalidad kaya't kering keri ko magsuot ng mga ganitong uri ng accesories mapa-purple man ito, baby blue o kahit
ang kathang ito ay tungkol sa:
pagkalalake,
putangina,
rants
Monday, June 6, 2011
PUTANGINA! : isang pagsusuri
putangina! ampogi talaga ni justin bieber! as in! putangina!
siguro naman hindi mo na kailangang mag-aral ng linguistics para malaman na ang katagang putang ina ang pinakasikat at pinakamabangis na mura sa kulturang pinoy. mula sa simpleng ay! putangina! hanggang sa malutong na putang ina mo! isa na ito marahil sa mga pinakagasgas na salita sa wikang filipino.
ang literal na ibig sabihin ng putang ina ay pokpok o isang puta ang ina ng taong sinasabihan nito. ngunit kung ating susuriing mabuti, hindi sa lahat ng pagkakataong ginagamit ang putang ina ay nangangahulugang puta nga ang ina ng isang tao. kung tutuusin nga, sa halos lahat ng pagkakataon ay hindi na ito ang tunay na kahulugan kapag sinasabi ang putangina bagkus ay nagiging paraan na lamang ang pagsasabi ng putang ina upang magpahiwatig ng matinding emosyon.
expression.
oo, expression lang. hindi ka talaga nagmumura, kumbaga normal na bahagi lang ito ng iyong pananalita na nagpapahiwatig lamang ng emosyon. expression lang, walang ina ang nasasabihang isang puta. at kung minsan, naisasama lamang ang putangina sa gitna ng isang pangungusap nang wala namang tuwirang sinasabihan nito. pagmasdan na lamang natin ang halimbawa sa ibaba:
pero syempre, may mga galit moments talaga sa mga buhay natin na talagang wala nang mas aakma pang sabihin kundi ang putangina. ito yung mga ispesyal na okasyon kung saan ipinararating ng isang tao sa kanyang kausap na hindi sila nagkakasundo sa isang bagay at kahit hindi naman ay sasabihing puta ang kanyang ina. sa magkakaibang pagkakataon ng di pagkakasundo, mayroon ding pagkakaiba ang lebel ng galit o emosyon - depende syempre sa sitwasyon.

PARE1: pare two, napapanood mo ba si justin bieber? putangina, idol ko yun eh!
PARE2: nako naman, pare one...eh mas magaling pa rin dyan si edison faeldonia. lips pa lang, putangina! pamatay na!
mapapansin nating ginamit lamang ng dalawang pare ang putangina upang bigyang diin ang matinding paghanga nila sa kani-kanilang mga idolo. malinaw namang walang nasabihang puta ang kanyang ina.
pero syempre, may mga galit moments talaga sa mga buhay natin na talagang wala nang mas aakma pang sabihin kundi ang putangina. ito yung mga ispesyal na okasyon kung saan ipinararating ng isang tao sa kanyang kausap na hindi sila nagkakasundo sa isang bagay at kahit hindi naman ay sasabihing puta ang kanyang ina. sa magkakaibang pagkakataon ng di pagkakasundo, mayroon ding pagkakaiba ang lebel ng galit o emosyon - depende syempre sa sitwasyon.
ang kathang ito ay tungkol sa:
putangina
Wednesday, June 1, 2011
the big picture
you know that moment when an artist moves a little backward just to see the beauty of the whole picture? because when the artist is too close, he's seeing just a part of it which may be really superb but still, it's just a portion of a whole wonderful thing. when you see a beautiful flower. you come close to it, smell it, touch it and enjoy every detail of it. yes, it is pretty but what about the whole garden? you remember the story of hansel and gretel? they were amazed by this house made of candies without even thinking there were also in the middle of this creepy forest.
my only point is this: always try to look at the big picture. do not focus on the little portions of it. oh you're stressed because you didn't pass the finals exam and you don't know how to tell your mom. step back, look at around your room. cameras, photographs on the wall, photography magazines. does that look like you're really gonna pass anatomy and physiology 101? yeah, your girlfriend may be pretty and smart and funny but she's also a bitch. she's a slut but you don't know that because you only see the good things about her. yeah, i know you're hurt, you're boyfriend dumped you and now you're all depressed and shit. you think you can't move on because he left you and you love him so much and you don't know what to do with your life anymore. bitch, you're not even eighteen. you're young and pretty and all that. you're gonna meet much more better guys than him. take a quick look at the big picture, there he is doing you a big favor of leaving you and not ruining your life.
at first i didn't know i could write a whole blog entry in english. then i realized my ex girlfriend was african-american, my partner at work is white. my grammar may be bad but still i was speaking english. so... what the hell was i thinking?
so back to the artist. he had to move back not just to see the whole picture he was painting but also to make sure there is balance and life in his work.

expatiation
Subscribe to:
Posts (Atom)