Tuesday, June 21, 2011

tootsie guevarra syndrome

hindi ko alam kung bakit ba simula ng makilala kita, para bang bigla kang naging isang mahalagang sustansya na kailangan ng aking katawan. hindi kumpleto ang aking mahabang araw kung wala ka. parang centrum - it makes me complete. ikaw ang nagtatanggal ng lahat ng pagod, stress at bad vibes sa aking katawan. para kang gatorade with advanced electrolyte system, pinapawi mo ang uhaw ng aking katawan at isipan. grabe, kung wala ka kulang na. kulang na ang lahat.

parang tae na walang langaw.
parang tinola na walang sabaw.
parang paksiw na walang suka.
parang model na walang mukha.
parang pakbet na walang gulay.
parang buhok na di sinuklay.
parang pusang walang ngiyaw.
parang ahas na di nanunuklaw.

parang ako na walang ikaw.

di makatulog sa gabi sa kaiisip. sa diwa ko'y ikaw ang laging panaginip. o bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko? hindi ko rin alam. hindi ko alam, tootsie guevara. at kung bakit hindi tayo makatulog sa gabi ay wag na nating isisi sa mga minamahal natin. we need eight hours of sleep everyday to keep our skin healthy (skin lang? oo, ako na vain).

hindi naman siguro masama ang ma-tootsie guevara syndrome. wala namang peligrosong sintomas ito bukod sa malakas na pagtibok ng puso at abnormal na daloy ng kaba sa iyong mga kalamnan. mag-ingat lamang ang mga taong may alta presyon.

oo, ako na...




No comments:

Post a Comment