kadalasan kasi diba, yung mga ginagawan ng tribute ay yung mga sikat. yung the best. yung sobrang galing nya sa kung anumang larangan. o kaya may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng lipunan. sila yung mga tipo ng tao na ginagawan ng pelikula, isinasalibro ang mga talambuhay, pinatatayuan ng rebulto at kung anu-ano pang shit.
bale lumaki kasi ako na mas parang tropa at hindi nakatatandang ama ang turing ko sa tatay ko. hindi sa hindi ko siya ginagalang, talagang ganun lang sya ka-cool. kapag may mga trip ako na hindi masakyan ng mommy ko, dad ko ang taga-salo ko. hindi naman kasi siya yung tipo na hindi nakaka-adjust sa pagbabago ng mga henerasyon. kumusta naman na sa kanya ko pa natutunan kung anung ibig sabihin ng TTYL di ba? edi siya na ang techie. parang bata pa rin kahit pang-igorot na yung kulubot sa mukha nya. laging pasimula ng kulitan, kwentuhan, tawanan at kung anu-ano pang shit.
kung ikukumpara sa ibang mga tatay, tae ang tatay ko. dating tirador ng shabu, malakas mang-chicks, lasinggero at walang matinong trabaho. hindi sya yung tulad ng ibang tipikal na tatay na "haligi ng tahanan" na tipo. hindi rin sya yung tikasin na istriktong akala mo laging nanghahataw ng leather na sinturon. hindi siya ganon.
pero husgahan man siya ng lahat ng tao sa mundo, o kayong nagbabasa nito. ngayon din, para sa inyo. eto ang solid kong:
putang ina nyo.
oo, sige malaki ang pagkukulang nya sa amin in terms of providing. marami siyang naging kasalanan lalo na sa mommy ko, hindi ko maikakaila yun. pero kahit ganun pa man, proud pa rin ako sa daddy ko dahil despite ng lahat ng negatibong aspeto ng buhay namin ay nakuha nya pa rin kaming mapalaking matitino at astig. sa kanya ko natutunan yung pakikisama at respeto sa ibang tao anumang katayuan nila sa buhay. marami pang iba at natutunan ko yung mga pangaral nyang iyon dahil itinuro nya sa akin yun kasabay ng pagkilos ayon dito - hindi lang ba puro salita. pero higit anu pa man, sa dad ko natutunan na walang taong hindi kayang magbago dahil kahit anu pa mang sama nito, kung pagbibigyan lang ay may natitira pa rin namang kabutihan sa kanya.
hindi lang yan.
malupit ding mag-gitara yan, magilas magkumpuni ng kung anu-anong shit at may pamatay na sense of humor. sige nga, pupusta ako kahit anung halaga. humanap kayo ng kahit na sinong tatay na pwedeng itapat sa daddy kong kayang kayang pumaslang ng sampung katao nang walang armas.
partida nakapikit ang kaliwang mata.
nice one bab... tata aman aq... dadi melcocker...
ReplyDeletenice one bab... u tatsd me much... dad melcocker.
ReplyDelete