Saturday, June 11, 2011

mock-abayan

syempre, uulan na naman ng mga tweets at mga posts sa facebook at tumblr ng mga katagang tulad nito:

happy independence day!
maligayang araw ng kalayaan!
mabuhay ang pilinas!

at kung anu-ano pang nasyonalista shits.

oo, elementarya pa lang alam na nating araw ng kalayaan ang ika-12 ng hunyo kada taon. ito yung araw na obligado tayong gumawa ng philippine flag gamit ang art paper at maliit na patpat. tapos ito yung araw na paulit-ulit na maririnig ang "ako ay pilipino" sa mga classroom at kung anu-ano pang pakulo masabi lang na nakikiisa tayo sa celebration ng independence day. mga bata pa lang tayo tinuturuan na tayo kung pano maging makabayan.

pero sa panahon ngayon, ilan na lang ba talaga sa atin ang nakakapagsabi na "ansarap maging pinoy" sa mga ordinaryong pagkakataon. yung kahit walang laban si manny pacquiao ay may mga bandila pa ring naka-display sa lansangan. yung imbes na sa mga koreano o kay justin bieber ay mas humahanga pa rin tayo sa galing ng opm. yung imbes na mommy ay nanay pa rin ang tawag ng bata sa kanyang ina. yung talagang buong buo sa puso mong maligaya kang maging pinoy - hindi lang yung basta lang maka-proud to be pinoy dahil sa mga kababayan nating sumisikat sa international scene.

oo, globalisado na nga tayo. at syempre sa bilis ng makinarya ng makabagong sistema, hindi pwedeng hindi tayo makikisabay kung ayaw nating mapagiwanan ng ibang bansa. dahil bukod sa fact na isa lamang third world country ang pilipinas ay para bang hindi na tayo makatakas mula dito - hawak tayo sa bayag. at dahil sa hindi magapi-gaping kahirapan, nakukuntento na lang tayo sa mga short term na ginhawa tulad ng malling, uminom ng beer, panonood ng tv at kung anu-ano pang shit. maraming mga foreign influences ang nakaapekto na sa ating mga ugali, kilos, pananalita at panlasa. pero di ba mas maganda sana kung despite all the changes ay intact pa rin ang ating kultura? sana lang. kaya nga kasi araw ng kalayaan diba. malaya. malaya tayong maging tunay na pinoy nang hindi nahihiya o naiinggit sa ibang lahi.

ma-la-ya.

ang tunay na pagiging makabayan ay hindi isang one-day thing lang. hindi yan nakukuha sa pagbati ng happy independence day tuwing june 12. at kung talagang proud ka sa pagiging isang pinoy, ipakita mo nang wagas. dahil tulad ng pagibig, sex at pag-ihi... hindi yan sinasabi - ginagawa.

mabatukan ka pa ng kaluluwa ni bonifacio.

No comments:

Post a Comment