Friday, July 29, 2011
ALAB NG PUSO, SA DIBDIB MO'Y BUHAY
ang kathang ito ay tungkol sa:
drowingz,
kalayaan,
metrogwapo,
subersibo
Saturday, July 23, 2011
shit happens
bale ang buhay raw kasi ay punung-puno ng trahedya. wagas na wagas sa mga kabullshitang susubok sa tibay ng iyong pagkatao. may mga personal na trahedya tulad ng pagkabigo sa pagibig, pagkamatay ng isang minamahal, pagkirot ng namamagang ingrown at kung anu-ano pang shit. may mga trahedya naman ding may pangmalawakang perwisyo sa lipunan tulad ng bagyo, lindol, terorismo at ang pagupo sa pwesto ng dating pangulong si arroyo.
pano nga ba yung matiwasay at nasa ayos naman ang lahat tapos one moment, biglang gumuho, naglaho at nagkagulo-gulo ang lahat? napakahirap ata i-angkop ang sarili mo sa panibagong na namang sistema. para kang yung laruang lego na dagling nakalas at bubuuin muli para maging kung anumang kinakailangan. pwede ka biglang maging robot na aso. sasabay sa kumpas ng bagong sistema. mapapalitan ang tagpi ng doggie. mapapalitan ang aw-aw ng arf-arf.
sit, roll over, play dead.
darating sa punto na parang ayaw mo na lang magpatuloy. gusto mo na lang sumuko. o kaya maghintay kung biglang may darating na superhero. pero ano nga bang magpapanatili sayo para mag-fetch at magwagayway ng buntot? anong baterya ang magpapatakbo sa natitigang mong enerhiya? anong pipigil sayo para humiga na lamang at huminto sa paghinga?
bakit nga ba tayo nadadapa?
upang bigyang kahulugan ang salitang tingala. bangon. pagasa. upang magkakalyo at maiukit ng mga sugat ang mga aral sa ating mga palad (malas mo lang kung sa mukha ka napuruhan). pero anu bang silbi ng pagsubok kung hindi ka susubok lalaban di ba? kaya nga pagsubok di ba? hindi naman sinabing pagsuko. vice ganda?
putangina mo kang pagsubok ka ha! pakshet ka! die, bitch, die! burn in hell!
shit happens, pare. but so does beauty and kilig moments! minsan lang talaga, inevitable talaga ito na sa landas ng buhay, hindi mo maiiwasang makatapak ng tae. walang simbolism yun, pampahaba lang ng blog entry. pero kung makatapak ka man, ikaskas mo na lang sa lupa.
pagibig. hindi lang yung basta chuva-chuchung pagibig o yung ahensyang nagpapabahay. ang tinutukoy ko ay pagibig in general. ito ang gasolinang nagpapatakbo sa damdamin ng bawat tao. pagibig. maging sa sarili man, sa pamilya, sa kapatid, sa shota o kay adam levine. pagibig ang magpapanatiling buhay sa mga pangarap mo. pagibig ang nagbibigay lakas. pagibig ang nagbibigay pagasa. parang Gatorade with advanced electrolyte system - it keeps you going.
ang kathang ito ay tungkol sa:
emow,
expatiation,
pa-deep,
pagibig
Friday, July 15, 2011
GUNI-GUNI
Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa buhay ko. Kung hindi ka nainiwala eh wala akong pakelam sayo! baket binabasa mo pa? itigil mo na kaya? May 28,2011. 8:00 AM. Isang makulimlim na umaga. Sa isang kilalang resort sa Bulacan, isa ang grupo namen sa pinakauna at pinakamaagang dumating. Matapos namin buhatin ang mga dala dala papunta sa napili naming cottage, isa isa namin itong inayos. Mga bags, baon na pagkain at pati na ang gagamitin na ihawan ay nakahanda na.
Umuulan ulan nun at napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga kuliglig na hindi mu naman makita kung saan nanggagaling dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Parang may kakaiba akong nararamdaman...Tumingin tingin ako sa paligid at sa di kalayuan ay may natanaw akong isang silid...parang may tao. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sariili na lumalakad papalapit sa siilid na yon. Nang malapit na ako... ay sa potangena! kubeta pala!
Nasabi ko na lang sa sarili ko...yaman din lamang at nandito na ako....ebak na nga muna ako habang kokonti pa ang tao baka mamaya pila na. Pumasok ako at nabungaran ko agad ang isang timba na may tabo. Kinuha ko at agad isinahod sa gripo. Habang pinupuno ito ay parang may narinig ako na lumabas...nagmamadali! Nilingon ko pero wala nmn akong nakitang tao. Naisip ko...ah, guni-guni ko lang siguro yun.Pero sa isang sulok ng isip ko sinasabi hindi! Hindi guni-guni un!
Napuno na ang timba kaya dinala ko na ito papunta sa cubicle upang isakatuparan ang aking layunin. Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako...kinilabutan! Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya ko 'to! bulong ko saking sarili. At isa pa...2cm. na lang...nagpupumilit na siyang makalabas at anumang sandali ay handa nang sumabog na parang bulkan. Wala na akong nagawa kundi tibayan ang aking dibdib! Habang nasa loob ako ay bumubulong ako...lumabas ka guni-guni! Kung sino ka man magpakita ka saken! Hindi ako natatakot sayo! Magparamdam ka ulet!
Hanggang sa matapos ako ay walang nagparamdam...Lalong lumakas ang loob ko dahil siya ang natakot hindi ako. Hehehe! matapang kaya ako! Dugong Mandirigma 'to! Bago ako tuluyang lumabas ay nilinga linga ko pa ang paligid baka sakaling may bigla na naman akong maramdaman na lumalabas pero wala na talaga siya.Naglalakad na ako pabalik sa cottage namen nang marinig ko na hinahanap na pala ako ng mga kasama ko.
MOMMY: San ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap bigla kang nawala?
AKO: Naghanap po ng CR umebak.
MOMMY: ah...malinis ba yun CR nila dito? (siguro naeebak din?)
AKO: Ok lang naman po...(habang iniisip ko kung ikukwento ko ba yun naging karanasan ko dun?)baka nga po wala kayong makitang ganyan sa U.S. eh? automatic...
MOMMY: Huh!? (na confuse) anong automatic? tanong niya...
AKO: Automatic po kse uupo pa lang ako may tae na agad sa inodoro!
MOMMY: Aw shit! gagu ka talaga!
_________________________________________________________
Orihinal na akda ni Rommel Rallonza
(ngayon alam ko na kung san ko namana yung kadaldalan at kalokohan sa panulat.)
ang kathang ito ay tungkol sa:
maikling kwento,
metrogwapo,
tae
Sunday, July 3, 2011
kumbaga sa chess, pawn lang yan.
sinapak o hindi sinapak. sus. ang tunay na trahedya dito ay may kakulangan sa housing bukod sa iba pang social services, para sa mga mamamayang pilipino. bakit nagiging iskwater at bakit kailangan umabot sa marahas na demolisyon? hindi mga suntok ang kailangan kundi paggulpi sa kurapsyon at abuso sa pwesto ng mga opisyal ng gobyerno na nagdudulot ng ibayong kahirapan sa mga kababayan natin.
- (Bautista, 2011)
Saturday, July 2, 2011
kumusta, munting pusa?
gusto kong tumula
ngunit pinid ang diwa
umid ang dila
ng pusong makata
antok ay hindi maabot
nananatiling gising
ngunit sapantaha'y lasing
para kang kulangot
sa nostril ng aking isipan
hindi matanggal
anumang pilit na dalirot
libreng spa
unlimited drinks
o malambot na sofa
anu bang mayroon sa aking isipan?
bakit dito ka nananahan?
ngunit kahit ganito
wag ka sanang lumisan
pagkat ikaw ang kanin sa aking pananghalian
ang liquid paper sa aking kamalian
ang liwanag sa dilim
ang alaxan fr sa muscle na parang taling nagkapili-pilipit
ang ngiti sa kalungkutang mapanakit
ang centrum ng aking buhay
you make me complete
Friday, July 1, 2011
RESSURECTING DAMASO
di ko alam kung bakit anlaki ng problema ng simbahang katoliko sa homosexual community. di ko talaga mahanapan ng tamang sagot ang tanong kong ito. kung bakit ba malupit ang lipunan sa mga taong gumawa lang ng isang mabigat na desisyon upang maging masaya. bakla, bading, jokla, tibo, obit, tongril, baklush... at kung anu anu pang tawag sa kanilang mga napapabilang sa "third" sex. kung may third sex, anu iyon? bakla o tomboy? edi dapat may fourth sex. kitams, pinagkaitan pa talaga ng ikaapat. edi mag-aaway pa sila. oo, minsan may ilang talaga na nakakasuya at nakakaalibabad tingnan. pero may mga straight din namang mas nakakabadtrip pang tingnan - para bang napagiwanan ng evolution of man. hindi naman nila kasalanan kung naging bakla o tomboy sila. walang masama sa paglihis ng gender preferences. hindi rin ito sakit kaya di sila dapat kaawaan o bigyan ng lunas. hindi ito krisis sa sarili o pagkalito. nagkakaron lang non sa mga nakatago sa aparador. choice lang ang ginawa nila. choice para maging masaya sa sarili. wala silang sinaktan o niyurakang karapatan.
teka, bago mo ako litanyahan ng mga berso mo sa bibliya. uunahan na kita - wala akong paki dyan. hindi dapat mangibabaw ang relihiyon (partikular na ng kristiyanismo) sa estado dahil una sa lahat, hindi naman lahat ng mamamayan ay kristiyano. wag nating kalimutang diverse ang kultura ng ating lahi. wag ninyong isara ang utak nyo sa mga sarili ninyong paniniwala. so please lang...
ang marriage o pagpapakasal o matrimonya (o kung anu pa mang tawag mo dyan), sa pinakapayak na depenisyon, ay ang pagiisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. oo, ayon sa family code ng pilipinas malinaw na nakasaad na:
Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life.
at sinasabi ring isa sa mga requisites ng isang valid na kasal ay:
Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female.
malinaw na malinaw. man and woman. male and female. malinaw pa sa sikat ng araw sa kalagitnaan ng summer. nakasulat ito mismo sa saligang batas ng pilipinas. teka, inuulit ko:
SALIGANG BATAS NG PILIPINAS.
ang matibay at subok na matatag na saligang batas ng pilipinas. matuwid na naipatutupad. walang kinikilingan, walang kinakampihan. walang kaibi-kaibigan. walang kamaga-kamaganak. may ampat na hustisyang tunay nating maaasahan.
tingnan na lamang natin kung anung nangyari sa visconde massacre case.
ang matumal na pag-usad ng trial ng mga amputanginang ampatuan.
ang pagdakip at pagpatay sa mga aktibista.
ang dacer-corbito double murder case, may witness na't lahat ano nang nangyare?
si ate glo, sitting pretty sa kongreso. ganun na lang?
eh sino nga ba ang plastik?
minsan kasi di mo talaga maiiwasang makatagpo ng mga taong makikitid ang utak. may manipis na linya kasing naghihiwalay sa pagitan ng "pakikisama" at pagiging "plastik". ganito yan, lilinawin ko. ang "plastik" - yung pagkaharap mo mabait, pagtalikod mo hindi. ang nakikisama naman - nagpapakaplastik lang para makaiwas sa gulo. pero may dumarating na pagkakataon, nagkakaroon din ng hangganan ang "pakikisama". yung naubos na ang pasensya mo at di mo na kayang makipag-plastikan. that's it, enough is enough.
sabi nga ni FPJ:
"napuno mo na ang salop, kailangan ka
nang kalusin, bitch."
Subscribe to:
Posts (Atom)