Friday, July 15, 2011

GUNI-GUNI

Ang kwentong ito ay totoong nangyari sa buhay ko. Kung hindi ka nainiwala eh wala akong pakelam sayo! baket binabasa mo pa? itigil mo na kaya? May 28,2011. 8:00 AM. Isang makulimlim na umaga. Sa isang kilalang resort sa Bulacan, isa ang grupo namen sa pinakauna at pinakamaagang dumating. Matapos namin buhatin ang mga dala dala papunta sa napili naming cottage, isa isa namin itong inayos. Mga bags, baon na pagkain at pati na ang gagamitin na ihawan ay nakahanda na.

    Umuulan ulan nun at napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga kuliglig na hindi mu naman makita kung saan nanggagaling dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Parang may kakaiba akong nararamdaman...Tumingin tingin ako sa paligid at sa di kalayuan ay may natanaw akong isang silid...parang may tao. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sariili na lumalakad papalapit sa siilid na yon. Nang malapit na ako... ay sa potangena! kubeta pala!

    Nasabi ko na lang sa sarili ko...yaman din lamang at nandito na ako....ebak na nga muna ako habang kokonti pa ang tao baka mamaya pila na. Pumasok ako at nabungaran ko agad ang isang timba na may tabo. Kinuha ko at agad isinahod sa gripo. Habang pinupuno ito ay parang may narinig ako na lumabas...nagmamadali! Nilingon ko pero wala nmn akong nakitang tao. Naisip ko...ah, guni-guni  ko lang siguro yun.Pero sa isang sulok ng isip ko sinasabi hindi! Hindi guni-guni un!

    Napuno na ang timba kaya dinala ko na ito papunta sa cubicle upang isakatuparan ang aking layunin. Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako...kinilabutan! Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya ko 'to! bulong ko saking sarili. At isa pa...2cm. na lang...nagpupumilit na siyang makalabas at anumang sandali ay handa nang sumabog na parang bulkan. Wala na akong nagawa kundi tibayan ang aking dibdib! Habang nasa loob ako ay bumubulong ako...lumabas ka guni-guni! Kung sino ka man magpakita ka saken! Hindi ako natatakot sayo! Magparamdam ka ulet!

    Hanggang sa matapos ako ay walang nagparamdam...Lalong lumakas ang loob ko dahil siya ang natakot hindi ako. Hehehe! matapang kaya ako! Dugong Mandirigma 'to! Bago ako tuluyang lumabas ay nilinga linga ko pa ang paligid baka sakaling may bigla na naman akong maramdaman na lumalabas pero wala na talaga siya.Naglalakad na ako pabalik sa cottage namen nang marinig ko na hinahanap na pala ako ng mga kasama ko.

    MOMMY: San ka ba nagpunta kanina ka pa namin hinahanap bigla kang nawala?

    AKO: Naghanap po ng CR umebak.

    MOMMY: ah...malinis ba yun CR nila dito? (siguro naeebak din?)

    AKO: Ok lang naman po...(habang iniisip ko kung ikukwento ko ba yun naging karanasan ko dun?)baka nga po         wala kayong makitang ganyan sa U.S. eh? automatic...

    MOMMY: Huh!? (na confuse) anong automatic? tanong niya...

    AKO: Automatic po kse uupo pa lang ako may tae na agad sa inodoro!

    MOMMY: Aw shit! gagu ka talaga!
_________________________________________________________

Orihinal na akda ni Rommel Rallonza 

(ngayon alam ko na kung san ko namana yung kadaldalan at kalokohan sa panulat.)

1 comment:

  1. haha! 'to lang pala ang makakapagpasaya sa kin sa araw na 'to. haha! i really can't help to laugh out loud. LOL LOL. :))

    ReplyDelete