di ko alam kung bakit anlaki ng problema ng simbahang katoliko sa homosexual community. di ko talaga mahanapan ng tamang sagot ang tanong kong ito. kung bakit ba malupit ang lipunan sa mga taong gumawa lang ng isang mabigat na desisyon upang maging masaya. bakla, bading, jokla, tibo, obit, tongril, baklush... at kung anu anu pang tawag sa kanilang mga napapabilang sa "third" sex. kung may third sex, anu iyon? bakla o tomboy? edi dapat may fourth sex. kitams, pinagkaitan pa talaga ng ikaapat. edi mag-aaway pa sila. oo, minsan may ilang talaga na nakakasuya at nakakaalibabad tingnan. pero may mga straight din namang mas nakakabadtrip pang tingnan - para bang napagiwanan ng evolution of man. hindi naman nila kasalanan kung naging bakla o tomboy sila. walang masama sa paglihis ng gender preferences. hindi rin ito sakit kaya di sila dapat kaawaan o bigyan ng lunas. hindi ito krisis sa sarili o pagkalito. nagkakaron lang non sa mga nakatago sa aparador. choice lang ang ginawa nila. choice para maging masaya sa sarili. wala silang sinaktan o niyurakang karapatan.
teka, bago mo ako litanyahan ng mga berso mo sa bibliya. uunahan na kita - wala akong paki dyan. hindi dapat mangibabaw ang relihiyon (partikular na ng kristiyanismo) sa estado dahil una sa lahat, hindi naman lahat ng mamamayan ay kristiyano. wag nating kalimutang diverse ang kultura ng ating lahi. wag ninyong isara ang utak nyo sa mga sarili ninyong paniniwala. so please lang...
ang marriage o pagpapakasal o matrimonya (o kung anu pa mang tawag mo dyan), sa pinakapayak na depenisyon, ay ang pagiisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. oo, ayon sa family code ng pilipinas malinaw na nakasaad na:
Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life.
at sinasabi ring isa sa mga requisites ng isang valid na kasal ay:
Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female.
malinaw na malinaw. man and woman. male and female. malinaw pa sa sikat ng araw sa kalagitnaan ng summer. nakasulat ito mismo sa saligang batas ng pilipinas. teka, inuulit ko:
SALIGANG BATAS NG PILIPINAS.
ang matibay at subok na matatag na saligang batas ng pilipinas. matuwid na naipatutupad. walang kinikilingan, walang kinakampihan. walang kaibi-kaibigan. walang kamaga-kamaganak. may ampat na hustisyang tunay nating maaasahan.
tingnan na lamang natin kung anung nangyari sa visconde massacre case.
ang matumal na pag-usad ng trial ng mga amputanginang ampatuan.
ang pagdakip at pagpatay sa mga aktibista.
ang dacer-corbito double murder case, may witness na't lahat ano nang nangyare?
si ate glo, sitting pretty sa kongreso. ganun na lang?
napakagaling diba? ito ang saligang batas na nagpo-protekta sa ating seguridad at karapatan. ang nagbibigay sa atin ng payapa at masaganang pamumuhay. karapat-dapat lamang na bigyan ng masigabong palakpakan.
eh kung ganito na lang kaya? may suggestion lang sana ako. imbes na tinutuon ninyo ang mga atensyon ninyo sa issue ng same-sex marriage, bakit hindi na lang kayo mag-focus sa pagpapalawig ng edukasyon para naman hindi na tayo binu-bully ng china at mas lalong hindi na tayo maging uto-uto sa kaululan ng bansang amerika? imbes na mag-sermon kayo tungkol sa imoralidad ng mga lumihis ng kasarian, bakit hindi ninyo sermonan ang mga magnanakaw sa gobyerno? ang mga corrupt? ang mga pumapatay? thou shall not steal , thou shall not murder, thou shall not bear false witness against your neighbour... sa sampung utos ng dios, nakasaad bang bawal ang same sex marriage? sampu lang yan, unahin nyo muna sanang ipalaganap yan bago yung ibang mga "bawal" at "imoral" na idinidikta nyo sa lipunan.
eto pa:
di ba mas may sense kung ang babatukusin at lalabanan ninyo ay ang mga kasamaaang nagaganap sa lipunan, tapos yung mga nagiibigan e hayaan na lang natin sa kanilang kaligayahan? oo, pagibig. tama ang narinig nyo, mayron pa ring pagibig. pero parang limitado na lang yata ang supply nito - parang power supply sa probinsya. kaso ang sa pagkakaturo kasi ng relihiyon sa akin, walang hangganan ang pagibig ng diyos. dapat ipinalalaganap at shine-share natin ito nang walang kiyeme, walang pagdududa at walang hinihintay na kapalit? e bakit pagdating sa mga tibo at bakla, biglang nag-iiba?
huling banat na lang, ano na nga ba ang pinoprotektahan ninyo? ang interes ng mamamayan o baka naman sarili nyong kapakanan na lang? baka tama nga siguro si carlos celdran. tila yata muling nabubuhay si padre damaso?
Carlos Celdran, a tour guide and a Republic Health Bill advocate, went inside the Manila Cathedral during a mass with a slogan "DAMASO" while wearing a Jose Rizal outfit. |
No comments:
Post a Comment