ngunit pinid ang diwa
umid ang dila
ng pusong makata
antok ay hindi maabot
nananatiling gising
ngunit sapantaha'y lasing
para kang kulangot
sa nostril ng aking isipan
hindi matanggal
anumang pilit na dalirot
libreng spa
unlimited drinks
o malambot na sofa
anu bang mayroon sa aking isipan?
bakit dito ka nananahan?
ngunit kahit ganito
wag ka sanang lumisan
pagkat ikaw ang kanin sa aking pananghalian
ang liquid paper sa aking kamalian
ang liwanag sa dilim
ang alaxan fr sa muscle na parang taling nagkapili-pilipit
ang ngiti sa kalungkutang mapanakit
ang centrum ng aking buhay
you make me complete
hoy may picture din akong gnyan wah. alimunakukaluguran naman nakalagay.. maderpaker :) miss you.
ReplyDelete