lalo na yung mga moment na nagke-crave sa master siomai doon sa lrt station sa monumento. o kaya yung fried isaw dun sa padre faura sa tabi ng robinson's place ermita. o kaya naman e yung tokneneng dun sa may pedro gil. puro pagkain lang nasa isip? o sya, sige na - miss ko na rin ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko. tssssk.
alam mo yung pakiramdam ng pinipilit mong pinaniniwala ang sarili mo na hindi ka naiinggit kada makakakita ka ng mga pictures nila na naga-outing, nagre-reunion, nagpa-party at kung anu-ano pang shit together. tapos babanatan ka pa ng di mo alam kung nagpapalubag loob lang ba o nangiinggit talaga na:
"sayang, sana andito ka"oo, alam ko. sayang. sana andyan ako - kaso hindi. tapos ngayong maga-abril na naman, uso na naman ang mga reunion slash outing sa kung saan mang resort o
pero hindi yun ang talagang nakakamiss.
ang talagang pinangungulilaan mo e yung mga maliliit na bagay na bumubuo ng araw mo kahit simple lang basta kasama sila. yung mga rutinaryong hindi nyo na nagagawa dahil sa malaking karagatang pasipikong pumapagitna sa inyo. yung tumambay, makipag-asaran, mang-spot ng chicks, foodtrip ng balot, foodtrip ng lugaw, foodtrip sa kalye at eto na naman ako sa usapang pagkain. sorry na. pero yun ang punto ko, yung mga maliliit na bagay na nagsisilbing pundasyon ng pagsasamahan. yun ang talagang pinakanakaka-miss diba?
eh pano kaya kung umuwi ako this year?
No comments:
Post a Comment