Oh well, as I hesitantly expected, ako ay isa nang PUI o person (or patient) under investigation. Ibig sabihin ay na-expose ako sa isang taong nag-positibo sa Covid-19. Nakakabahala pero sanay na rin ako dahil araw-araw naman na pumapasok ako sa trabaho ay may risk ako na makakuha ng kung anu-anong bacteria at viruses.
Relatively, healthy naman ako at regular naman ako nage-ehersisyo. Totoong exercise yon, bukod pa yung pagjajakol. Medyo healthy naman ang diet ko ngayon kumpara sa dati.
Gayun pa man, di ko pa rin maitatanggi na nag-aalala pa rin ako. Bagong uri ng sakit ang Covid-19 at wala pang lunas o bakuna laban dito. Marami na ring nadeads. Pucha pandemic nga e.
Bale dalawang beses na akong nagpa-test. Yung una, 3 days ago sa isang private company tas yung isa, doon ginawa sa trabaho as mandated by the local public health.
Waiting game.
This week, malalaman ko yung resulta. Sana ang positibo lang e yung outlook ko sa buhay.
Monday, June 29, 2020
Sunday, April 19, 2020
Bale kahapon nag-semi gathering ulit kami. Ibig sabihin, naghanda kami ng mga pagkain na usually e hindi naman naluluto sa ordinaryong araw. Weekend vibes ba. Nag-ihaw kami ng liempo, chicken legs, saka oysters. Tas may lutong palabok, may hilaw na mangga at bagoong, at nag-ihaw din pala kami ng mais. Tamang chill at chibog lang sa hapon hanggang early evening na sinabayan ng kwentuhan at sound trip. Sa dami ng nakain namin, di ko na nakayang manyakin si bebelabs - bunsol kami parehas e. Edi ayun nga, parang magiging every weekend habit na yung ganitong ganap. Ayuz.
but to be serious though...
Established naman na siguro sa lahat na hindi ako ma-salita pagdating sa mga emosyon at mga lamang utak na normally e nabe-verbalize ng mga non-weirdong tao. Kaya nga nabuo itong blog na ito in the first place, para pagtapunan ng mga bagay na di ko basta-basta nailalabas effectively gamit ang pagsasalita. Kaya ganito, sa mga non-verbal cues tulad ng pago-organize ng maliit na salu-salo ko ine-effort yung kagustuhan ko na ipadama sa mga tao na mahalaga sila sakin. Naisip ko lang kasi, sa gitna ng banta ng malubhang karamdaman dala ng pandemyang COVID-19, dapat lang na i-take advantage na namin yung mga pagkakataon na mag-celebrate at magsalu-salo hangga't kaya. Hindi biro yung magnitude ng threat sa mga buhay natin. Sa bilis ng mga pagbabago sa mundo, mas lalong hindi na natin matiyak ang mga maaaring maganap sa mga susunod na araw.

Sunday, April 12, 2020
4/12/2020
1:30 AM
It's very late and I'm all alone with my thoughts. It's been a crazy few weeks and I think it has just started sinking in on me. The world is really changing. My Facebook feed is filled with ads for facemasks. All you hear and see are people with masks and gloves in public, keeping the distance from others. This is scary times, indeed. We are facing a global pandemic right now and it seems like it will take a long time until all of the chaos and hysteria are gone.
It's even scarier for me, being a healthcare worker. I am at more risk of getting this deadly disease than those who are staying at home. What makes matters worse is the shortage of protective gear for us. There are significant numbers of healthcare workers including nurses like me who have died from this disease. I do not say or show it but I am terrified.
We are experiencing major changes in society and these changes are actually overwhelming me somehow. The ignorance and stubbornness of a lot of people are annoying the shit out of me. The majority of us have become germophobes and fucking hoarders. I miss dining out with my girlfriend. I miss going out with my family. I really took those moments for granted. I miss going to work without worrying about my safety. I know being a nurse comes with the risk of exposing myself to different diseases but not like in this magnitude! I haven't fully recovered from the death of my dad and I cannot bear the idea of anyone else in my family dying.
A lot of people are taking the opportunity to capitalize and promote their agendas during this time of global crisis. A lot of people are more focused on monetizing the need for protective equipment rather than help flatten the curve of this pandemic. I think these greedy motherfuckers have a special place in hell - I really do.
If only I have a choice, I would stop working for now. However, I do not have the privilege to do that. I have plans and dreams that I need to fulfill. I need to carry on and survive - financially and physically.
The world is getting crazier by the day and everything is unfolding way too fast for my liking. It's hard to be an observant person and have to absorb everything you're noticing.
I wish for all of this madness to be over soon. I wish to be well and alive to witness that happen too.

Wednesday, April 8, 2020
Just in case lang, baka huling post ko na ito in a while... o baka forevs
May chance na magkakaroon na kami ng pasyenteng positibo sa COVID-19. Maraming tutol pero wala namang kaming magagawa. Di kami confident na ready and equipped ang facility namin para mag-handle ng COVID-19 patients. Kung ospital nga namamatayan ng mga nurse at doktor, kami pa kaya? Hindi na dapat "frontliners" tawag sa amin, "suicide squad" na.
Siguro kahit di ako masyado seryoso kausap at medyo may extra time naman ako ngayon, eto at magbibigay na ako ng mga huling mensahe at habilin. Baka ma-busy ako masyado at you know di na natin alam baka madale ako ng ng sakit na ito. Hangga't kaya e syempre iiwas naman ako pero di natin alam kung hanggang kelan. Di naman natin masisiguro ang buhay may COVID man o wala. Mabuti nang may mababasa kayo na medyo updated about sa kung anong mga nasa kalooban at isip ko bago ako matepok ng COVID-19. Just in case lang ba.
Kung sakaling matepok man ako ng karamdamang ito, sinisisi ko na nang buong puso ang mga amo kong ungas na walang sinserong pakialam sa kapakanan ng mga employees nila. Pakyu dobol mula sa aking puntod.
Kapag namatay ako, may mga life insurance ako na sasalo sa mga gastusin sa palamay at palibing. Gusto ko sa burol ko malungkot ang lahat. Gago ka ba, namatay na nga ako gusto ko pa masaya? De, joke lang. Syempre wala na akong pake kung masaya kayo o malungkot. Malay ko ba e patay na nga ako. Sana may isa sa inyo na magmagandang loob na i-print yung pinakamagaganda kong post dito sa blog para mabasa ng mga tao at malaman kung gano ako kalandi at katalentado. Yung mga gamit ko e hinahabilin ko na sa mga kapatid ko, kayo na bahala kung anong gusto nyon gawin sa mga yan.
Sa pamilya ko, alam kong magiging ok pa rin kayo kahit mawala ako. Hindi lang sa financial aspect, I know you're strong enough to move forward. Hindi ako expressive sa salita pero sana naramdaman nyo sa lahat ng mga effort ko na mahal ko kayo. Sa mga kapatid ko, pasensya na sa kakupalan ko at pagiging mahigpit. Alam nyo naman gusto ko lang kayo i-push na mas mag-improve pa dahil alam kong may potential pa kayong mag-grow at maging mas magaling. Kay mommy, salamat sa lahat. Walang ibang nanay ang pwedent ikumpara sa kalidad ng iyong pagiging ina. Mahal na mahal ko kayong lahat.
Kay Bebelabs, ikaw ang epitome ng beauty and brains. I know you have the strength to move on after nga mga ilang buwan. Pasensya na kung hindi na natin natupad yung mga plano natin pero alam kong marami pang opportunity at future dreams ang naghihintay sayo. Mamamatay ako peri hindi ang mga alaala at mga aral na sabay nating na-experience. Mahal na mahal kita.
Sana kapag namatay na ako e ipaalam nyo naman sa mga friends ko sa Pilipinas at sa buong mundo. Ipaalam nyo na may isang potential genius ang nawala sa mundo. Chos. Di nyo naman kelangan magpagawa ng mga mural katulad ng kay Kobe. Gusto ko sana pag nagpost kayo sa internet tungkol sa pagkamatay ko e wag yung simpleng RIP lang. Kinginang yan, effortan nyo sana. Gusto ko gawan nyo ako ng testimonials tulad nung sa Friendster dati. Baka kasi walang magbigay ng magandang eulogy sa burol ko at least bumawi kayo sa testi. Simpleng mensahe lang kung anong aral ang natutunan nyo sakin kung meron man o kung may memorable moment tayong napagsamahan.
O sya, sana pag nabasa nyo ito e subukan nyong alamin kung natuluyan nga ako. Kung oo, edi wow. At least hindi sayang ang effort ko dito. Di ko alam gano katagal bago may makabasa nito, alam kong wala na masyadong naakaalam na may blog pa ako e. Kung buhay pa ako isang taon after ng post na ito, edi mas wow! Buburahin ko na lang at gagawa ng mas updated! Hahaha!
Ang huling mensahe ko na lang siguro ay ito:
Iparamdam mo sa mga tao ang pagmamahal at pagpapahalaga mo. Kahit kupal ka, minsan magpakita ka pa rin ng mabuti sa iba. Wala namang taong perpekto. Wag kang huminto sa pag-improve ng buhay mo at kung kaya, mandamay ka na ng iba.
************
Paalam, mga panget.

Tuesday, March 31, 2020
BUHAY PA AKO, MGA PANGET!
Dalawang taon na pala yung huling beses akong nag-publish ng blog entry. Pasensya na, masyado lang akong abala sa pagpapayaman - chos. Hinde, bale kasi busy lang ako sa buhay grown up. Finally di ba, tingin ko na sa sarili ko ngayon ay isang lehitimong gurang na may solidong mga pangarap at plano sa buhay. Updates? O sya, tutal dalawang taon akong nawala sa blogsperyo.
Umpisahan natin sa career.
Isa pa rin akong nurse, specialized sa pagkutkot at pagtapal ng mga sugat. Wound care nurse ang pinaka-title ko. O diba ang lakas maka-eksperto. Masaya naman ako sa napili kong linya at sa tingin ko naman ay na-earn ko na yung respeto at kredibilidad sa community namin bilang isang magaling na wound nurse. In the works na rin yung proseso ng pag-akyat ko mula sa pagiging LVN paangat sa RN. Medyo mabagal na process pero at least may pagusad na nagaganap.
Pagdating naman sa lovelife e oks na oks at swabeng swabe. Iba talaga kapag nahanap mo na yung taong sigurado kang ka-match mo sa puso, personalidad, at pangarap. Mamamatay lang kayong lahat sa inggit kung ikukwento ko pa lahat ng dahilan para masabing couple goals kami ni bebelabs.
Nung 2017, nakasama na namin si erpats dito sa Amerika. May sakit na sya nang makarating dito. Ibang diagnosis ang binigay sa kanya sa Pinas pero pagdating dito, na-ospital sya at nakita ng mga legit na neurologist ng UC Davis. Nalaman namin na may ALS sya. Yung sakit na sumikat dahil sa ice bucket challenge. Yun din yung sakit na kinamatay ng sikat na physicist na si Stephen Hawking. August 26, 2018, birthday pa ng best friend ko na si Issa. Sumakabilang buhay ang aking ama.
Late 2018 at buong 2019, abalang abala kami ni bebelabs sa online schooling para sa pre-requisites namin para sa RN school. Yumaman ang Starbucks at Panera Bread sa aming dalawa kapalit ang libreng wifi at study table. Ngayon, kumpeto na kami sa mga pre-requisites at requirements - pera na lang ang kulang. Kaya parehas kaming may dalawang trabaho, walang day-off sa buong taon para makapagipon ng pang-matrikula. Magkatuwang kami sa pagaaral at pagabot ng mga pangarap. Naks! Ano ba sabi ko? Couple goals diba?
Ngayon naman, 2020 na. Panibagong dekada ang nagsimula. Maraming tao ang hopeful sa mga panibagong simula pero imbes na magagandang balita e sunod-sunod ang pagdating ng mga sakuna.
May mga sunog, lindol, gyera, pagsabog ng bulkan, at pinaka malala sa lahat ay isang pangdaigdigang salot na sakit. Maraming nagiisip na baka naguumpisa na ang katapusan ng mundo dahil dito sa mga signos na nagsusulputan. Personally, ayokong maniwala na malapit na ang katapusan ng mundo. May paniniwala pa naman ako sa resilience ng tao. Marami tayong resources. Mas marami lang talagang mga ungas na nagpapalala ng lahat kaya minsan kahit dini-discourage na humawak sa mukha e mapapa-facepalm ka talaga sa dismaya. Sa awa ng Diyos at lahat ng mga bathaluman, mabuti naman ang kalagayan ko at di pa nahahawaan ng COVID-19. Recommended na mag-stay home kung wala namang essential na gagawin sa labas ng bahay. Wala naman akong problema dun at wala namang significant na nagbago sa routine ng buhay ko.
Magulo ang mundo ngayon pero di ibig sabihin na hindi na makulay ang buhay. Ayokong mag-overthink sa mga negatibong bagay. Ang mahalaga e patuloy lang sa rutinaryo ng buhay at sasamahan na lang ng ampat na pagiingat. Wala namang mangyayari kung makikipagsabayan ako sa ingay ng internet at magpapakapraning.
Siguro naman sapat na updates na yan. O sya sa susunod na dalawang taon na lang ulit. Charot. Tutal e wala namang galaang magaganap sa mga susunod na weeks o buwan, baka sipagin ulit akong mag-blog. May mga drafts pa naman akong di ko pa natatapos. Abang abang lang kayo mga fans.
Hanggang sa muli, paalam bichez.

Wednesday, August 23, 2017
Boring o Busy?
Kung parang tamagotchi lang ang blog na ito ay malamang isang icon na lang ito ng lumulutang na kaluluwa. Patawad mga fans ko na di lalampas sa lima - o ewan ko kung tama ba yung terminolohiyang fans dahil di naman ako sikat sa kung anumang posibilidad. O sya, edi readers! Leche (inaway ang sarili?). Anyway, siguro naman alam nyo na yun, napaliwanag ko na ito sa mga nakalipas na entry. Malakas at rumaragasa ang daloy ng mga blog entries ko kasabay ng agos ng emosyon. Eh syemps, di ibig sabihin na matumal na ang pasok ng mga lathala e naging bato na ang puso ko. Sa huling pagkakaalam ko e di pa naman ako naiiputan ng Ibong Adarna. Gamitin natin ang terminong emotional outlet. Oo, parang yung kaibigan mong marunong lang lumapit kapag may kailangan. Labasan ng mga emosyong nagkukumawala - ibubuhos sa porma ng mga salita. Sa madaling salita, masagana ang creative juices ng inyong makata kapag may pinagdadaanan dahil isa akong emosyonal na bata. At least naman, isa itong positibong signos na maayos ang takbo ng buhay at umaayon sa aking pabor ang pagkislot ng uniberso.
Pero mabalik tayo sa title ng blog entry na ito: boring o busy?
One of my biggest concern is being boring or too busy that I'd become boring. Mahirap kasi sa panahon ngayon na kailangan mong magpaka-mature at ma-realize na hindi praktikal sa bulsa at kalusugan ang mag-YOLO spontaneous lifestyle. At syempre wag natin kalimutang bigla akong nag-english sa opening sentence ng paragraph na ito na akala mo kung sinong sopistikadong tao. Mahirap din naman yung lahat ng galawan mo ay may sukat at kalkulado ayon sa schedule mo sa trabaho. Hindi naman tayo mga robot na de-susi na nabubuhay lamang upang magtrabaho at magbayad ng bills.
(after a few minutes , o sya hours, of pagmumuni-muni)
Syempre pinag-nilay nilayan ko bigla nang mabuti kung nagiging boring na nga ba ako. Hindi, hindi ako boring sa tatlong puntos. Una sa lahat, hindi batayan ang dami ng blog entry ko sa isang buwan kung gano kainteresante ang buhay ko dahil hindi lahat ng nagaganap ay nailalathala - maraming makahulugan at special na moments ang narapat lang na sinimsim sa mismong pagkakataon at mananatiling buhay at nakatago sa isang special na sulok ng aking alaala. Pangalawa, may trabaho akong itinuturing ko nang isang malaking bahagi ng buhay ko. Hindi lang ito basta bayad na gawain para may pambili ako ng hello panda at pambayad ng internet. Isa akong nurse na kumakasalamuha ng iba't ibang taong may iba't ibang karamdaman sa iba't ibang porma. Oha paulit-ulit? iba't iba? Pangatlo, may isa akong prinsesang walang sawang nagmamahal at nagpipinta ng maraming saya at kulay sa buhay ko.
Hindi man ako yung spontaneous palagi pero may mga pagkakataong magugulat ka na lang.
Marahil masasabi kong abala lang ako sa buhay ko sa realidad at hindi na sa nakalutang sa pangangarap at pangamba. Naninibago lang siguro ako dahil finally my reality is worth living. Shet.

Saturday, May 20, 2017
paglilinaw
Di ko alam kung may sapat pa ba akong alibi o dahilan pero alam kong muntik nang ma-athropy ang mga muscles ng pagsusulat ko. Bumili ako ng laptop na mas malakas ang resistensya sa virus para mas ganahan na ako dagdagan ang mga lathala ko sa blog pero tulad ng paulit-ulit na resiklo ng sigla ng panulat ko, umikot lang ako pabalik sa plateau at muling nilangaw nang ilang buwan ang juicekupo. Hindi naman sa walang ampat na panggatong sa inspirasyon, marahil mas nagiging okupado na ako ng mga responsibilidad ng tunay na buhay. Hindi naman masamang dahilan iyon, diba? Natutunan kong mas mahalaga ang relasyon ko sa pamilya, mga kaibigan, at syempre kay bebelabs ko na hindi umaasa sa tulay ng social media. Iba ang emosyong hatid ng aktuwal na pagmamahal kumpara sa nababasa. Mas malaking bahagi na rin ng panahon ko ang nakatuon sa trabaho. Sabi nga ni Tobey Maguire, with great power come with great responsibility. Oo, ako nga, ako nga si Spiderman. CHOS. Kakambal ng pagiging isang tunay at may malasakit na nurse ang pagbibigay mo ng buong atensyon at oras sa pagbibigay nang maayos na serbisyo. Sa madaling salita, nilalamon ng tunay na buhay ang oras ng gising na sapantaha ko. It's real life, mofuckers. Hindi na ito katulad noong college days na marami akong oras para magsulat at mabuhay sa speryo ng internet kung saan minsan akong slightly sumikat at nakilala bilang probable future Bob Ong.
Ilang beses ko nang nagtangkang magsulat ng nobela. Mag-uumpisa, magiging busy, makakalimot, mababaon sa drafts ang naumpisahang proyekto. Siguro oras na para magpaka-totoo.
Hindi ko na alam kung pangarap ko pa nga ba ang magka-libro.
Maraming dahilan kung bakit hindi ko na ipagpapatuloy ang "pangarap" na ito pero ang pinakamatapat na sagot ay naging pangarap ko ang makasulat ng isang libro mula sa maling dahilan - ang sumikat. Hindi dahil sa pera o para makapaghatid ng mensahe sa madlang mambabasa, kundi para sumikat. Gusto ko dating makilala bilang isang matapang at makulit na manunulat; yung may aral at aliw; yung pag-uusapan all over mainstream and social media. Gusto ko - DATI.
Siguro tumatanda na nga ako at mahiwaga na lang na lumalabas ang wisdom sa kukote ko. Bakit ko nga ba gugustuhing sumikat? Para kanino? Hindi ko kailangan ng tapik sa balikat o kahit anong reassurance mula sa ibang tao. Alam ko sa sarili ko na may talento ako. Sa panahon ngayon, easy access na lang ang "aral at aliw" gamit ang internet; at sa ikli ng attention span ng mga tao sa makabagong henerasyon na ito, iilan na lang may interes na humawak at magbasa ng aktwal na libro.
Ang pangarap ko lang naman sa buhay ay magkaroon ng silbi sa mundo; makapagbigay ng maginhawa at masayang buhay sa mga mahal ko; at makatulong sa kapwa lalo na sa mga batang hindi kakampi ang tadhana pagdating sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon.
Hindi ibig sabihin na dahil mawawala na ang posibilidad ng isang published na libro ay mawawala na rin ang passion ko sa pagsusulat. Nope. Patuloy pa rin at mananatili sa aking dugo ang pagiging makata. Masusundan pa rin ng mga bagong lathala dito sa juicekupo. Pangako yan. Itaga mo sa leeg.

Subscribe to:
Posts (Atom)