Wednesday, January 26, 2011

"Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago. Di na tayo katulad ng dati, kaybilis ng sandali."
-Burnout, Sugarfree

BATANG 90'S























FUCKYEAH! I HAZ ROLLER BLEYDZ!

edi napanood ko nga kasi yung commercial ng philippine airlines noon. pinapakita doon kung gaano kasaya yung mga OFW na umuuwi pabalik sa bansa. tapos bigla silang napapadpad sa duty free kung san pinapakita nila anung mga uri ng alak ang paboritong inumin ng mga balikbayan at kung anong magandang ipasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay. tapos nakakita ako ng batang nakasapatos na umaandar. oo, umaandar talaga. bumilib nga ako kasi akala ko sa mall lang yung pwede kang umandar nang walang effort. edi ayun nga, pagkatawag na pagkatawag ng lola kong nasa isteyts, ibinulalas ko na agad ang aking kahilingan - ang sapatos na may gulong.

so dumating ang package, andun ang mahiwagang sapatos, isinuot at itinakbo. akala ko ganun-ganun lang yon. akala ko madali at masaya ang pag-gamit ng roller blades. hindi naman pala. super fucking bullshit. false advertising.

TINTA

nagpipilit akong maging makata
kahit sa pagkakataon lang na ito
pero wala akong maapuhap ni isang salita
nauumid ang dila ko
tuyot ang panulat ng sapantahang nahihibang
nagpipilit maging makata
sa harap ng iyong mga mata
iguguhit ng mga salita
ang larawan ng bigong pagsinta
hindi maibulalas ngunit hindi maitago
pagibig na sadyang baligho
tila hamog na madaling maglaho
pinipilit kong maging makata
para sa pagibig, para sa luha
nagkukubli sa mga salita

Tuesday, January 25, 2011

the more u pain, the more u heart

pag naubos na yung sakit, dun ka mabahala. baka hindi mo na mahal yung taong akala mo ay minamahal mo.

hindi ka pwedeng magmahal kung hindi mo kayang masaktan. oo, ganun talaga yun. oo sabi eh. walang sinuman sa kasaysayan ng buong sangkatauhan ang umibig at hindi nasaktan. kahit sa fairytales. nope. at mas lalong hindi sa pelikula. double nope. sayang naman ang acting abilities ni coco martin at john lloyd cruz kung ganon.

love at pain.

sila ang batman and robin ng komiks.
ang korina at ted ng radyo.
ang puto at dinuguan.
ang alak at ang pulutan.

magkaakibat. magkasama. mag-partner. mag-bff.

bukod sa mga tsup2mwah2, alabshoo, monthsary, holding hands, valentines day, ligawan, kasalan at kantutan, malaking bahagi ng pagmamahal ang sakripisyo. oo, para sa inyong mga asshole jerk madapakerz, tama ang nabasa nyo - sakripisyo.at ang sakripisyo ay naibibigay natin sa iba't ibang porma tulad ng oras, pera, lakas, pasensya, pisikal na sakit, emosyonal na sakit at kung anu ano pang shitz. kung hindi ka marunong magsakripisyo, hindi ka marunong magmahal. ganun lamang kasimple, hindi mo na kelangan ng halimbawa. at kung hindi mo pa rin ma-gets, subukan mong dagdagan ng iodized salt ang iyong diet - baka tumalino ka.

it's all about giving sacrifices. at oo, pa-english lang nang konti wag kang epal. pero minsan, sa labis na pagmamahal, labis na sakripisyo, parang nakakaramdam ka na rin ng sakit. labis na sakit. pero sabi nga nila, life is just unfair. pero ang pagiging unfair ng buhay ang dahilan kung bakit nagiging makabuluhan ang lahat. mas matamis ang tagumpay kung naranasan mo nang mabigo. mas masarap mainlove kung naranasan mo nang maging heart broken. pano na lang sina coco martin at john lloyd kung walang malungkot na part ang kanilang mga pelikula - sayang talaga ang acting abilities.

wag kang magalala kung nasasaktan ka sa pagmamahal. normal yan. lahat tayong mga umiibig, nasasaktan.

pag naubos na yung sakit, dun ka mabahala. baka hindi mo na mahal yung taong akala mo ay minamahal mo.

A. baka manhid ka na.

B. baka napagod ka na.

C. baka natuto ka na.

Monday, January 24, 2011

dahil hindi naman talaga kami tumatae ng pera

kim tae hee
hindi kami tumatae ng pera. ako? humahawak ako ng tae para magka-pera.

at siyempre kung ganitong uri lang naman ang tae ang hahawakan ko, kayang kaya kong mag-hanapbuhay nang walang breaktime, walang off. wala lang, maka-segue lang.

o edi sige na nga, andun na tayo - nasa amerika kami, nasa pilipinas kayo. magkalayo talaga ang pagkakaiba. hindi mo na kailangan ng madidilaw na gulay na sagana sa bitamina ah (vitamin A) upang luminaw ang iyong paningin at makita ang kaibahan sa buhay dito sa amerika at dyan sa pilipinas. sige, oo, amerika nga. narito ang oportunidad, dolyares, trabaho at si charice pempengco. pero hindi ibig sabihin na pag naroon ka sa lugar na maraming ginto ay marami ka na ring ginto. hindi ganon mehn. kailangan pa rin naming pagtrabahuhan ang mga dolyares na ipinapadala sa pinas. at hindi lang basta papetix-petix na trabaho ito. pawis, puyat at sakit ng katawan ang kapalit ng mga yan. kung minsan kinakailangan mo pang mamura, ma-rape (mehganon?),  makalmot, mahipuan o makahawak ng tae para lang kumita ng pera. hindi naman kami mga negrong rapper na kahit walang edukasyon o hanapbuhay ay nakakalamon ng KFC araw-araw at nakatira sa mga mansyon at nakakapagmaneho ng mga magagarbong kotse na mas mahal pa sa lahat ng ari-arian mo.

hindi ibig sabihin na kapag sinabi naming mahirap ang buhay dito ay nagpapakasarkastiko kami upang wag kainggitan o wag hingan ng pera.

oo, nasa amerika kami pero kailangan din naming maghanapbuhay para kumita ng pera. kapag sinabi naming mahirap ang buhay, totoo yun, mahirap talaga ang buhay. nariyan pa rin naman ang bills ng kuryente, tubig, gas, telepono, selepono, inarnetz at porn sites. hindi naman nawawala ang mga bayarin dahil nothing in this world is free. at oo, umi-english ako bigla pag may pinupunto. lahat ay pinaghihirapan. wala naman sa kung nasaang bansa ka kung magtatagumpay o hindi eh. hindi ito naka-depende sa kung mayaman ang bansa mo o hindi. o well, sige sabihin na nating oo pala, may apekto rin yun. pero sa bandang huli, sa sarili mo pa ring pagsisipag at pagpupursigi nakasalalay kung magiging successful ka o maghihintay ka na lang ding maging rapper para yumaman.

hindi kami tumatae ng pera. masakit yon, lalo na't barya ang lalabas - wag na uy.

yeah boi!























CINCO MONDAY: KUNEKDADATS

limang magkakaibang istorya, isang mundo. sana magustuhan nyo. ^_^
  • isa siyang chinoy na negosyante sa isang di gaanong maunlad na lungsod sa metro manila. nagmamay-ari siya ng dalawang mamahaling restaurant, tatlong computer rental shop, dalawang general merchandise na tindahan, at limang prangkisa ng buena bonita hamburger kiosk. tulad ng iba pang mga kalahi nyang mayayamang chinoy, bukod sa pagiging prone sa kidnapping ay naka-bingwit rin sya ng isang ubod ng saksakan ng gandang girlfriend. at ngayong gabi, ito mismong gabi na ito, as in now na, ang buong buhay nya ay malapit nang mabago dahil lamang sa isang singsing na nabili nya matapos ang ilang buwan na pagiipon ng pera at lakas ng loob. nag-set siya ng isang date sa rooftop ng isang mamahaling hotel malapit sa building na pinagtatrabahuhan ng kanyang nobya. inimbitahan rin nyang umawit ang philippine madrigal singers ng paborito nilang kanta na "nobody" ng isang korean girl group. pinuno ng puting rosas ang buong rooftop at nagpaluto ng pinakamasarap na laing na bagamat di nya maatim na kainin ay paborito naman ng kanyang pinakamamahal na syota. handa na sya sa kanyang script at handa na rin ang walang kagusot-gusot na puting polo. dizizit. ibinulsa nya ang pinakamahalagang alahas sa gabing iyon at sumakay sa kanyang pulang honda civic. amoy na amoy nya ang aroma ng pagibig sa buong paligid kahit na nasa kalagitnaan sya ng mausok na kalsada. binabalot sya ng matitinding baduy na lovesongs mula sa dumadagundong nyang sound system at walang ibang laman ang kanyang sapantaha kundi ang gasgas na gasgas nang "will you marry me?". paulit-ulit. labing apat, labing lima... lumampas sa dalawampung beses nya inulit-ulit ang mga sasabihin nya nang biglang may tumawid na bata. "putang-" sa bilis ng pangyayari ay di na nya natapos ang mura. pandalas nyang inikot pakaliwa-pakanan ang manibela upang maiiwas ang bata mula sa matinding panganib ngunit masyadong mabilis ang mga pangyayari.

  • graveyard ang kanyang shift sa isang call center. taliwas sa rutinaryo ng isang normal na tao, gumigising ang kanyang diwa pagsapit ng gabi. pinili nya ang ganitong buhay dahil bukod sa mas maganda ang pasahod ay ito lamang ang kinababagsakan ng mga college grads na walang mahanap na trabaho. nagtapos sya ng nursing ngunit imbes na pasyente ay costumer ang nakakasalamuha nya gabi-gabi. san kna? s work kna? panlimang beses na siyang tinanong ng kanyang nobya kung nasaan na sya. gusto yatang malaman ang kanyang lokasyon sa bawat metrong malalayo sya sa kanya. lapit npo. mahigit tatlong taon na siyang nagtitiis sa sakal na nararamdaman mula sa kanyang nobya ngunit wala syang lakas ng loob upang magreklamo. masyado nyang mahal ang kanyang nobya para salungatin kahit isang beses ito. san nga? malapit san? selosa. kahit siguro makatabi lang siya ng isang babae sa jeep ay maghihimutok ang kanyang nobya sa selos. huminto siya sa paglalakad upang basahin ang text. at tumagal ng bahagya para mag-reply. nilaglag ang yosi sa sahig at itinapak ang kanang nike dunks. dalawang kamay ang ginamit upang mapabilis ang pagtipa sa mga elektronikong letra. tumingin muna siya sa paligid upang ikumpirma ang lokasyong itina-type sa kanyang cellphone ngunit bago pa man niya mai-send ay may dalawang lalaking naka-motorsiklo ang mabilis na dumaan sa kanyang harapan. kasabay ng pagkawala ng mga usok ay nawala na rin ang selepono na kanyang tangan. "shet - di ko man lang nasend".

  • camera, fans at reporters. yan ang pinangarap niyang buhay mula pagkabata. mula sa pagiging muse straight from kinder to grade six. miss UN, miss freshmen, miss sophomore, prom queen, miss baranggay, hanggang sa binibining pilipinas (baryo version). isang passion maituturing para sa kanya ang ngumiti at magpa-cute sa madla. living the dream ika nga, buong puso nyang niyayakap ang buhay artista. patunay na lamang sa kanyang sipag at husay ang ilang parangal na naigawad ng iba't ibang awarding committee. ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay tila humuhupa na ang kinang ng kanyang kasikatan. ayon daw kasi sa ratings, natatabunan na ng mga reality shows at mga telenobelang asyano ang kanyang pangatlong teleserye tungkol sa isang mahirap na babaeng nainlab sa mayamang lalaki at inalipusta ng karibal na mayaman at nagsikap at nakatagpo ng bagong lalaki at naghiganti at nakabalikan sa bandang huli ang mayamang lalaki tapos magkapatid pala sila tapos hindi naman pala. hanggang sa sila na talaga forever and ever. nalalaos na raw siya para sa ilang mga baklang showbiz writers. sabi naman ng isang baklang kalbo, kailangan lang nya ng bagong putaheng maihahain sa mga manonood. di ko man na-gets ay parang may point na rin. isang gabi ay pumayag siyang mag-guest sa isang showbiz talkshow. live na mapapanood ng kanyang mga taga-hanga ang isang malaking pasabog. ibubunyag na nga ba niya ang katauhan ng kanyang non-showbiz lover? tutukan ang pasabog na ito! eksklusibo! now na!

  • isa siyang patpating binata na madalas napagti-tripan sa kanilang lugar dahil sa kanyang maliit na katawan. mabuti na lamang at marami syang pera at magagandang gamit na maaari nyang ipamigay kapalit ng nagbabadyang sakit ng katawan. isang kaklase ang lumapit sa kanya isang araw at hinikayat syang sumapi sa isang kapatiran. nag-flashback sa kanya ang lahat ng pambubugbog at pangingikil na kanyang naranasan habang nagsasalita ang kaibigan kaya't hindi nya naintindihan ang mga sinabi nito. pero buo agad ang kanyang desisyon, resbak. walang atubili syang sumama para sa orientation na ginanap sa kampo ng kapatiran - sa lumang sementeryo. madali siyang tinanggap ng grupo matapos ang ilang suntok at palo sa likod ng hita.  lingid sa kanyang kaalaman, isang huling pagsubok pa ang kailangan nyang tuparin upang ganap na syang tawaging kapatid. ngayong gabi ay patutunayan nyang karapat-dapat siyang mapabilang sa kapatiran. gamit ang kanyang itim na xrm ay nagmotor sila ng kanyang kaklase upang baybayin ang ilang bahagi ng maynila at gawin ang huling pagsubok - magnakaw ng cellphone. isang lalaking nagtu-two hand type ang kanilang namataan. tinantsa ang paligid. kumuha ng tamang tyempo at humarurot sa harapan nito at hinablot. ang cellphone. kasing lakas ng ati-atihan ang pagtambol ng kanilang mga dibdib. hindi nila alam kung matutuwa sila o matatakot. walang ibang laman ang kanilang mga isip kundi ang makalayo nang mabilis - walang hinto. walang makabasag ng kahit isang salita sa kanilang dalawa. sa isang di gaanong mailaw na kalsada ay may biglang pumreno na pulang honda civic. napagewang ito at muntik nang mabangga sa puno. gumuhit ang gulong nito kasabay ang pagtili na umalingawngaw sa kalsada. kasunod ang malakas na tunog ng pagbangga. maya-maya'y umingay na ang nagulantang na kalsada - mga palatak at tsismisan ng mga nakikiusisa.

  • buwisit na buwisit siya sa ate niyang sarap na sarap sa panonood ng walang kakwenta-kwentang palabas sa tv. oras na kasi ng kanyang paboritong cartoons. para sa isang ordinaryong paslit, mortal na kasalanan ang makamintis ng episode ng usong usong anime sa tv. kinabukasan kasi, ikaw lang ang hindi makakasali sa role playing dahil hindi mo alam ang naganap sa nakaraang episode. you're a loser. out of place. lahat sila'y nagkukwentuhan habang ikaw ay pilit na ipinipinta sa sariling isip ang mga naririnig. isipin mo na lang ang sama ng loob na nararamdaman nya. ang buto ng santol na bumabara sa kanyang lalamunan dahil sa inis. lalo na't alam mong naguumpisa na ang opening credits. kung pwede lang magmura ang isang ten-year old na bata ay malamang sumabog na ang isang malakas na "PUTANGINA MO ATE!!!". may malaking pasabog daw kasi ang idolo nitong artista kaya't hindi nya maaaring mapalampas ang kanyang pinapanood. hindi nya alintana ang pagatungal ng kanyang kapatid dahil para sa kanya, mas makabuluhang subaybayan ang buhay ng may buhay kaysa sumubaybay sa mga drowing na naglalabanan. ang ikinababadtrip nya ay ang hindi pagsagot ng kanyang boyfriend sa kanyang mga text. halos hatiin niya ang sarili sa dalawa para lang makanood ng tv at makapag-text nang magkasabay. ngunit wala pa ring sagot. "o sige, pa-loadan mo ako para ilipat ko na". parang nakatira ng extra joss, walang anu-ano'y biglang sumigla ang bata. pandalas na kinuha ang pera at saka kumaripas ng takbo. kasing bilis ng paggalaw ng paborito nyang bida, tinakbo niya ang pinakamalapit na tindahan. abala ang tindera sa panonood ng showbiz balita. may sampung tao na ang kanyang inisnab kabilang na ang kawawang bata. "tawid ka don, may loadan don" sabi sa kanya ng isang mama. tumingin siya sa kaliwa. kumaripas siya ng takbo patawid sa kalsada. kasing bilis pa rin ng idolo niyang bida. isang pulang honda civic ang biglang napapreno at napagewang dahil sa batang tumawid. isang motorsiklo naman ang parang kidlat na biglang dumating at marahas na sumagasa sa magpapaload na bata. binalot ng ingay ang buong paligid. ito ang ingay na ayaw mong marinig. at para sa paslit, ito ang ingay na huli na nyang narinig.

Friday, January 21, 2011

paalam, bamboo.














hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako. =(

TANAGA NI JUAN


sabik magka-tahanan
hangin ang syang hapunan
kargador ng semento
taga-tanim ng trigo

kumembot na ang araw
agahan nya ay bahaw
paguwi nya ay hapon
may tulak na kariton

hinagkan nang marahan
tulog na kasintahan
sa tabi'y isang liham
patawad at paalam

animo'y isang rosas
sa lipunang may posas
wari ba'y nilalanta
binubulag ang mata



Ang tanaga ay isang porma ng tula na binubuo ng apat na linyang may pitong pantig o syllables. 

Thursday, January 20, 2011

Ang Maging Isang Puta

Kalapati sa sanga
Butas-butas na bulsa
Nag-aalab na tiyan
Ibenta ang katawan

    Kulay lila na ang kalangitan. namamahinga na ang araw at pumutok na ang buwan. tapos na ang araw para sa iba ngunit maguumpisa pa lamang ang sa kanya. ganito ang rutinaryo ng kanyang buhay. kagigising pa lamang nya mula sa mahaba-habang pahinga. tumungo sya sa lababo at pandalas na naghilamos ng mukha. doon din mismo ay ang lamesa. umupo sya upang lagyan ng kaunting laman ang tiyan. bahaw at pangat. di na nya nakuhang magbukas ng bentilador sa lamig ng hanging hatid ng nagbabadyang bagyo. matapos kumain ay tumungo na agad sa banyo. pandalas ang paghubad at dali-dali ang pagbuhos. gumapang ang malamig na tubig mula ulo hanggang suso pababa ng katawan. hinawakan ang sabon at mariing nilinis ang animo'y nanlilimahid na katawan. nagbanlaw. muli ay idinampi ang isang kamay sa sabon at kinuskos ang ari. kinuskos na wari ba'y maruming-marumi kesehodang maubos ang sabon. kailangan mabango ulit ito bago ikalakal. isinuot nya ang isang pulang baro. nagsuklay. nagpulbo na para bang hiwalay ang mukha sa leeg. gumuhit ng pulang lipstik sa nguso. sa huling beses ay sumulyap sya sa salamin at saka tinungo ang pintuan. handang handa na naman sya sa isang gabi ng pagkayod (o pagpapakayod).

    Buhay na buhay ang lungsod sa masisiglang ilaw na handog ng ahensya ng turismo. maingay ang lansangan dahil sa mga busina at tunog ng makina. nakihalo na rin ang pakikipagtawaran ng mga parokyanong makukwarta at ng mga kapwa nya puta. may mga naka-uniporme, may naka-baro rin tulad nya, mayroon din namang naka-pambahay lang. iba-iba sila ng hubog, sari-sari ang amoy. ngunit iisa lamang ang nagdala sa kanila sa ganitong kalakaran - ang sumpa ng kahirapan. sa nagdarahop na tao, isang mabisang solusyon upang may ipanglaman sa tiyan ay ang magbenta ng ari-arian. kagamitan sa bahay, alahas, damit o alagang hayop. pero kung wala ka nang maipagbili, anu pa nga ba edi ipagamit ang sarili. tulad nya, ito rin ang kanyang natatanging kapitan upang manatiling buhay. para sa kanya, ito lamang ang maipagbibili nya na hindi nauubos o nababawasan man lang.

    Kumaway sya sa isang kotse. bahagyang nag-ayos ng buhok at ibinaba nang kaunti ang baro upang sumilip sa mundo ang kanyang mapang-akit na mga suso. gumapang nang marahan ang sasakyan sa kanyang harapan at nagbaba ng bintana ang kostumer. umpisa na ng tawaran.

magkano?
500, iyong-iyo ang aking katawan.
300. take it or leave it.
 
  Di na sya nagdalawang isip pa. di sya maaaring tumanggi sapagkat sa tumal ng kostumer ay baka umuwi na naman syang walang panlaman sa tiyan. pandalas ang kanyang pagsakay sa kotse dahil baka maunahan pa sya ng ibang mangangalakal. mapapasabak na naman ang kanyang katawan. pero sa kanya ay ayos lang, sanayan lang naman. pagdating ng motel ay dali-dali syang hinubdan ng nag-iinit na adan. isinagawa ang bayad na kasunduan. sige ang sikad ng libug na libog na lalaki habang sya'y nakatitig sa kisame, iniiisip ang ipang-uulam sa kinabukasan.

dagling tumigil ang lalaki na para bang di nasiyahan. masyado na raw syang maluwang para sa tatlong daan. pilit syang pinatuwad ng hubad na amuhan. di sya makapiglas sa higpit ng pagkakahawak nito. animo syang isang pobreng dagang dinagit ng lawin. pwersahan syang pinasok sa puwitan. di man sya payag ay wala syang lakas upang lumaban. masakit ngunit ramdam nya ang kalam ng tiyan. naghalo ang malagkit na pawis at luha sa kanyang mukha. anong magagawa nya, isa lamang syang dukha.

Wednesday, January 19, 2011

HAIKU NO. 1

ang huling piso

na-text ay ibang tao

tanginang life ‘to

Tuesday, January 18, 2011

EUREKA!

 
Bagong blogsite?

oo, tama. tama ang iyong nabasa. paulit-ulit? paulit-ulit?

o sya, bago mo pa man husgahan ang bago kong blog ay puputulin ko na ang walang kakwenta-kwentang introduction.

juice kupo! ang blog na may puso! ang blog na maghahatid sa inyo ng mga kathang pakwela, pang-asar, pakileg at kung anu-ano pang shit.

hindi pa man tumutuntong sa limang talampakan ang height ko ay mahilig na akong magsulat. paborito kong mga salita noon ang kahali-halina at kagalak-galak. wala lang, gusto ko lang i-share. pero sa totoo lang, kaya ako nahilig at tumagal sa pagsusulat dahil sa paraang ito, nagiging boss ako. ako ang pinakamagaling tumula. ako ang pinakamagaling magkwento at ako ang pinakamalutong mag-mura. 
asahan ninyong aktibo at hindi na naman lalangawin ang bagong blog na ito. pramis. itaga mo pa sa leeg. peksman. mamatay ka man ngayon, sabog sabog. abangan ninyo:
  • magbabalik ang CINCO MONDAYS! kung saan limang kung anu-anong shits ang ipo-post ko kada lunes.
  • mga usapang pagibig at mga pakileg na posts.
  • mga tula, kwento at daily haiku.
  • mga komentaryo sa mga kung anu-anong trending topics sa buong mundo pati sa japan.
  • at syempre, ang mga reklamo ko sa buhay at mga kadramahang maka-laslas pulso!

HALAKAHANASIYAAAA! JUICE KUPO!