Bagong blogsite?
oo, tama. tama ang iyong nabasa. paulit-ulit? paulit-ulit?
o sya, bago mo pa man husgahan ang bago kong blog ay puputulin ko na ang walang kakwenta-kwentang introduction.
juice kupo! ang blog na may puso! ang blog na maghahatid sa inyo ng mga kathang pakwela, pang-asar, pakileg at kung anu-ano pang shit.
hindi pa man tumutuntong sa limang talampakan ang height ko ay mahilig na akong magsulat. paborito kong mga salita noon ang kahali-halina at kagalak-galak. wala lang, gusto ko lang i-share. pero sa totoo lang, kaya ako nahilig at tumagal sa pagsusulat dahil sa paraang ito, nagiging boss ako. ako ang pinakamagaling tumula. ako ang pinakamagaling magkwento at ako ang pinakamalutong mag-mura.
asahan ninyong aktibo at hindi na naman lalangawin ang bagong blog na ito. pramis. itaga mo pa sa leeg. peksman. mamatay ka man ngayon, sabog sabog. abangan ninyo:
- magbabalik ang CINCO MONDAYS! kung saan limang kung anu-anong shits ang ipo-post ko kada lunes.
- mga usapang pagibig at mga pakileg na posts.
- mga tula, kwento at daily haiku.
- mga komentaryo sa mga kung anu-anong trending topics sa buong mundo pati sa japan.
- at syempre, ang mga reklamo ko sa buhay at mga kadramahang maka-laslas pulso!
HALAKAHANASIYAAAA! JUICE KUPO!
ano ang dapat gawin sa batang iyakin? hehe
ReplyDeletepatahanin, alamin ang sanhi ng kanyang pagtangis, bigyan ng ampat na payo at patnubay. at oo, ako na ang makatagalog. parang guro lang sa elementarya. LOL
ReplyDelete