natural lang naman...
...na kapag may isang taong mahalaga sa buhay mo e ayaw mong mahiwalay sa kanya.
clingy?
hindi. alam mo namang alam ko ang puwesto ko sa buhay mo. may halong elemento ng "umaasa" at "nalilito" pero kung susumahin natin ang lahat sa kung anong "napagusapan" at hindi sa mga tagong feels at pakiramdaman, mananatili pa rin tayo doon sa label na "magkaibigan".
ideally, oo, naiintindihan at tinatanggap ko naman. pero sino bang gago ang maniniwala kung sasabihin kong kuntento na ako doon. oo, aaminin ko, umaasa ako - naghihintay. pero kasabay ng paghihintay na iyon ay yung kaba at takot na baka sa paglipas ng oras na malaya mong binubuo ang sarili mo eh unti-unting magdiminish yung connection na mayroon tayo ngayon at eventually e maihahanay na lang sa bilang ng mga "kaibigan".
ito ang realidad. at habang papalapit nang papalapit ang pagtatapos ng nursing program e papalakas nang papalakas ang kabog ng dibdib ko sa pangamba na baka ito ang piliin mong posibilidad.
ironically, masarap ang ganitong pakiramdam dahil at least alam ko na totoo yung nararamdaman ko. oo, may takot ngunit nananaig ang saya. masaya ako dahil nakikita ko ang progress mo. nakikita kitang ngumingiti, tumatawa, lumalaban. malaya. matalino ka at may puso. maraming tao ang nakikita lang e yung superficial na princess na matalino at maganda pero hindi nila nakikita deep inside within that "princess" e may isang warrior na patuloy na lumalaban sa mga battles hindi siguro kakayanin ng kung sino lang.
separation anxiety.
mahal kita at alam ng maraming tao ang kapasidad ko na iparamdam at patunayan ito pero kahit ano pa mang mabulaklak na pagsuyo o kahit ilang balot pa ng siopao o mikmik ang ihain ko sa iyo, babalik at babalik pa rin tayo doon sa katotohanang "ikaw ay malaya".
ikaw ang may hawak ng mga posibilidad para sa iyo - para sa sarili mo. ang tangi ko lang magagawa ay umasa na sana ay maging bahagi pa rin ako ng posibilidad na pipiliin mo.
dahil kung ako ang tatanungin mo, naging bahagi ka na ng akin.
x marks the spot.
No comments:
Post a Comment