kung ako ang tatanungin ninyo, masyadong malawak ang uniberso para ikahon ang mga bagay bagay sa mga depenisyong paulit ulit lang na itinuturo at ipinapasa pasa sa bawat darating na henerasyon. nage-evolve ang mundo; nage-evolve ang tao.
matagal ko nang na-realize ito sa sarili ko. hindi ako yung constant na tao na nakatira lang sa kung paano ako mo ako nakilala sa una nating pagkikita. hindi na ako yung eksaktong dan bryan na naging valedictorian noong elementary o yung dan rallonza na naglayas noong first year highschool at naglagi sa isang simbahan sa kalagitnaan ng overcrowded na talipapa sa baclaran. hindi na ako yung pa-gangster gangster noon na tumatambay at nakikipagangasan tuwing weekends ng gabi sa mga kalsada ng bacoor, cavite. hindi na ako yung weird na nerd noong 3rd year highschool. hindi na ako yung dating rakistang ang tanging nais gawin ay tumugtog pero walang sariling drums. hindi na ako yung fratman na nagpapalo nang 127 times sa likod ng hita at naging inactive din dahil sa pagkahumaling sa pagsasayaw. hindi na ako yung bagong saltang binatilyo sa amerika na pinagsamantalahan ng isang bakla na kahit kaya ko syang bugbugin ay nilamon ako ng kaba. hindi na ako yung workaholic na ginulpi ang sarili sa tatlong trabaho para makauwi ng pilipinas taun-taon sa pagaakalang magiging isa ako sa mga bibihirang success story ng mga long distance relationships. hindi na ako yung lalaking umiinom ng whiskey gabi-gabi. hindi na ako yung dan na sarado ang isip. hindi na ako yung dan na walang bilib sa diyos.
hindi na ako yung mga dating ako na akala ko ay hindi na magbabago.
siguro may mga bahagi sa kanila ay nasa loob pa rin ng pagkatao ko na maaari pa ring lumabas anumang oras. pwede ring wala na. pero palaging may darating na bago. bagong experiences. bagong impormasyon. bagong ideas na kikiliti sa curiosity mo. bagong kantang iindak sa puso mo. o bagong taong bubulabog sa mga emosyon mo.
palaging may bago, palaging may updates.
marahil bukas o sa kamakalawa, hindi na ako yung eksaktong kahapong ako.
dati naniniwala ako na ang buhay ay isang adventure. naniniwala pa rin naman ako doon. ang kaibahan lang, dati akala ko ang adventure na ito ay yung adventure na paglalakbay papunta sa mga pangarap ng isang tao na magtagumpay.
naniniwala ako na ang buhay ay isang adventure. isa itong paglalakbay ng kamalayan - ng pagkatao. isa itong mahabang proseso ng paghahanap, pagkilala, at pagbuo ng sarili.
kung ako ang tatanungin ninyo, masyadong malawak ang uniberso para
ikahon ang mga bagay bagay sa mga depenisyong paulit ulit lang na
itinuturo at ipinapasa pasa sa bawat darating na henerasyon. nage-evolve
ang mundo; nage-evolve ang tao.
kung bukas ang isip mong kumalas sa framework na ididikta ng social norms at mga traditional na pagiisip, lalawak ang mundo mo.
malaya kang makapaglalakbay.
makukuha mo yung adventure na gusto mo.
sa ganoong paraan, mahahanap mo ang sarili mo.
No comments:
Post a Comment