Tuesday, April 24, 2012

"You are beautiful, but you are empty. One could not die for you. To be sure, an ordinary passerby would think that my rose looked just like you - the rose that belongs to me. But in herself alone she is more important than all of the hundreds of you other roses: because it is she that i have watered; because it is she that i have put under the glass globe; because it is she that i have sheltered behind the screen; because it is for her that i have killed the caterpillars (except the two or three that we saved to become butterflies); because it is she that i listened to, when she grumbled or boasted, or ever sometimes when she said nothing. Because she is my rose."


-The Little Prince

Monday, March 26, 2012

sarprisa?

naranasan mo na ba yung isang gabi uuwi ka sa bahay tas brownout. alam mong brownout kasi nasa labas ang mga kapitbahay at hindi nanonood pba o ng mga teleserye. tapos pagpasok mo ng bahay walang kailaw-ilaw. huhugutin mo sana ang cellphone mo sa bulsa pero maaalala mong mahigit isang oras na itong lowbatt kaya pati oras hindi mo alam. kaya ngayon, kahit maliit na liwanag ng cellphone wala ka. tapos aalalahanin mo sa isip mo kung saan may flashlight o kandila at sa di malaman lamang dahilan madalas nakapatong ang mga ito sa ibabaw ng ref. edi dahan dahan kang papasok ng bahay. wala kang makita. may konting aninag ng mga bagay kaya mas lalakihan mo ang dilat ng mata na para bang may ililinaw pa ang lahat. ano ka may night vision? edi wala nga. mabuti na lang bahay mo ito at kabisado mo kung saan nakapwesto ang mga muebles, appliances, alikabok at kung anu-ano pang shit. yun ang akala mo. lingid sa iyong kaalaman, sa di mawaring biro ng pagkakataon, may nag-usog ng lamesita sa pwesto na nakasanayan mo nang daanan.

boom. surprise!

wala ka nang magagawa kundi umiyak, umaray o kung anung ingay ang gusto mong gawin. basta putangina. masakit. tumama yung alulod mo sa kanto nung lamesita. wala kang kamalay-malay, walang babala o kung anumang premonisyon.

yung sakit na hindi mo naanticipate. at oo, anticipate talaga coz i'm conyo like that.

tulad na lang ng isang masakit na salita na manggagaling sa isang mahalagang tao sa buhay mo. pwedeng si gelpren, si kapatid, nanay, bayaw, o kung sinong matalik na kaibigan. halimbawa ganito: may nagsabi sayo ng pakshit ka. papakshitin ka ng kung sinu-sino sa paligid mo o kahit ni ate shawie pero hindi ka maaapektuhan. walang dating sayo, walang asar, walang bangis na parang itim na langgam. tas pag siya na, boom.

PAKSHIT KA!


may kurot sa puso mo na parang kurot ng aleng manikurista na malutong ang mga kuko sa kamay at paa. mabigat ang dating ng salita. parehas na salita lang pero parang iba. bold, italic, naka-all caps talaga with exclamation point pa. ganun.

tulad na lang din ng isang pagkakaibigang biglang nawakasan nang hindi mo inaasahan - o naanticipate. yung pagkakaibigang pinunlaan ng ilang taong samahan na biglang nauwi na lang sa wala wala lang. friendship over. maaaring isa sa inyo o parehas kayo ay nagbago. o di kaya eh isa lang naman pala talaga sa inyo ang naging isang tunay na kaibigan. basta sa hinaba-haba ng inyong samahan, isang malupit na pangyayari ang susubok at sisira sa inyong pagkakaibigan. isang malupit na pangyayari na hindi mo na naman inasahan - o naanticipate.

ang pagkakaibigan kasi ay parang sapatos. hindi mo malalaman ang tunay na kalidad kung hindi mo itatapak sa semento, sa lubak o sa tae. ay wag na pala sa tae. basta hindi mo malalaman yung quality kung hindi mo susubukang itapak o itakbo-takbo. dahil ang sapatos, tulad ng kaibigan, hindi lang pang-display o pamorma ang mga yan. nandyan lang yan, kasama mo saan ka man mapunta. (at biruin mo nailusot ko yun? haha!)

edi biglang nagkasubukan nga nang tibay at yun nga, surprise!

pumalpak.

yun yung tipo ng sakit na ayaw mong maranasan. yung hindi mo inaasahan. yung hindi mo naanticipate.

Sunday, March 11, 2012

hiatus over?

hindi ko rin talaga alam.

hindi ko rin talaga alam kung paano at bakit antagal kong walang nailathala sa blog kong ito. nawalan ng drive? inspirasyon? nope. hindi naman sa nawalan ng drive o hindi inspired, dapat pa nga mas marami akong mga naisulat kung inspirasyon lang ang paguusapan. kung hindi pa naman obvious sa inyo - oo, may girlfriend na kasi ako. at oo ulit, sobrang inspired ako in many different ways.

sige, kahit walang nagtatanong, mageexplain ako kung bakit antagal kong hindi nagsulat ng blog entry.

una sa lahat, medyo busy din naman kasi ako. dalawa ang trabaho ko - guidance counselor sa umaga, pokpok sa gabi. char. kung anu man ang trabaho ko, wala na yung kinalaman sa blog na ito. basta medyo bawas na ang freetime ko para magsulat ng mga kung anu-anong shit. sensya na, busy lang.


pangalawa, inlab ang ginoong danibab. malamang sasabihin nyo sakin na "eh inlab ka pala eh, dapat inspirado ka - mas ganado kang magsulat". agree naman ako dyan. walang patumanggi. at kung babasahin nyo naman ang mga huli kong posts, halos lahat ay patungkol sa temang pagibig. pero kahit na, antumal pa rin at halos tatlong buwan akong hindi nagsulat ng "blog" entry talaga. ganito kasi yun. hindi naman panay kilig moments lang at pasweet-sweet ang ginagawa ng isang boyfriend. syempre, may ampat na oras din akong nilalaan para tawagan at i-txt at iba pang paraan para magparamdam ng pagmamahal para kay gelpren. extra effort kumbaga dahil long distance love affair ang drama namin ni madam.

so basically, busy lang talaga ako. pero ang totoo nyan, may pangatlo pang reason. at ito ang pinakamahalaga. ayoko na kasing magkwento ng mga madadrama at magugulong events sa buhay ko tulad nang nakasanayan ko dati. well, hindi naman sa ayoko na talaga, minsan may mga magaganap pa ring worth blogging for tulad ng pag-bahing at pag-utot nang hindi napapapikit. kung may narealize kasi akong mahalagang bagay simula nang naging kami ni gelpren, isa siguro ay yung konsepto ng "privacy". yun bang hindi lahat ng nangyayari sa buhay natin ay kailangang ipaalam sa mundo. oo, madalas pag nagra-rant ako about sa mga problema ko or mga badtrip na kaganapan sa buhay ko, nakakatulong dahil nailalabas ko yung saloobin ko. pero minsan nasosobrahan na rin pala ako. though nahahaluan ko ng humor at life lesson, still, mali pa rin na ipaalam sa mundo na putangina kasi si family member na ito, pakshit si officemate na yan.

ang nangyayari kasi ngayon, nagiging normal na parte na lang ng buhay natin ang magshare o magkwento ng mga kung anu-anong shit sa publiko. mula sa pinakawalang kwentang facebook status hanggang sa pinakamalalalim na saloobin ng isang tao ay maaari na nating mabasa sa tulong ng internet. mas nakikilala mo ang isang tao, mas nakikita mo ang kanyang pagkatao.

naaabuso na kasi ng marami sa atin kabilang na ako ang pribilehiyong ito. ang pribilehiyo na marinig at pakinggan. kahit wala naman kaming pakialam kung matigas at mahapdi sa pwet ang itinae mo, wala kaming magagawa dahil gusto mong ipaalam sa amin yan. lahat may gustong sabihin, lahat may gustong ipaalam sa mundo hanggang sa mabura na ang konsepto ng privacy. halos lahat ng tungkol sa iyo, alam na ng publiko kahit hindi ka naman celebrity.

yun lang. hangga't maaari, mas liliitan ko ang butas kung san pwede nyong masilip ang pribado kong buhay. magsusulat pa rin ako ng mga tula at mga piksyunal na kwento na matagal ko nang hindi nagagawa - pag nagkaron ako ng free time. hehehe.

o sya, txt2 na lang. ingat!

Thursday, February 23, 2012

FLIPTOP, MAKE SOME NOISE!

ang mga character sa text ay may maximum limit. shortcut ang mga salita para tipid sa pag-gamit. pero hindi ko kayang limitahan ang pagibig kahit hanggang langit. hindi naman natatapos ang panliligaw kahit "oo" mo'y akin nang nakamit. hindi baleng tawagin akong cheesy, mushy o kung anu pa mang shit. wala akong pakialam dahil si danibab, kung umibig ay malupit. <3

sayo ako'y nahulog, batong puso ay nadurog. nang unang beses kitang mahagkan, parang ayoko nang mag-mumog!

tila ba ayaw nang paawat ng puso kong maligalig. ganyan kasi kaastig ang mga makatang mangingibig. walang kaso ang distansya, kahit nasa kabilang dako ka ng daigdig. subukan nilang saktan ka, buong mundo'y mayayanig.

magtutuloy ang tulang to hanggang sumapit ang pasko. pero kelangan ko nang matulog dahil tao lang ako. sayo na nagbabasa, patawad kung mahaba ang post na ito. hindi ako eksaherado, pagbigyan mo na, umiibig lang ako.

wag mo nang itanong kung kanino. wala namang ibang sagot kundi kay Mariel Mangalino. <3

Tuesday, November 29, 2011

sambwan na lang!

Manila, here I cum!!! 

Friday, November 11, 2011

goodmorning

isang oras at labimpitong minuto. mahigit isang oras ko nang pinagmamasdan ang iyong natutulog na mukha. tangina. nakakagigil ang kakyutan mo na parang 2 years old na sanggol na kaysarap halikan. at oo, mahigit isang oras ko na ring pinipigilan ang sarili kong hagkan ang mga labi mong bahagyang magkahiwalay. marahang tumatakas ang mainit na bad breath sa maliit na siwang. pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kitang magising. sinisimsim ko ang mga bawat segundo, bawat minuto, ang bawat sandaling napagmamasdan kita nang hindi pixelated, close up at walang kolorete sa mukha - ang simple at inosenteng ikaw.


kaytagal kong hinintay ang kilig moment na ito. yung moment na madalas gamiting eksena sa mga pelikulang pagibig ang tema. yung eksenang kikilitiin nang wagas ang iyong kalamnan hanggang sa maihi ka. pakakabahin ka pero sa walang kasing sarap na paraan. kaytagal kong hinintay na madama ang mahiwagang torture na ito - ang ragasa ng naguumapaw, bottomless, hardcore na pagibig.

at tumunog ang makuteng alarm ng aking telepono. teach me how to dougie. dagling ang lahat, kasama ang maganda mong mukha, ay naging animo'y usok na unti-unting hinipan at binura ng hangin. 

gumising ako nang nakangiti. hindi ako nainis o naasar kahit parehas lang ang ibig sabihin ng dalawang iyon sa halip, inisip ko na lamang na darating din ang isang umagang ang lahat ng kilig moments na iyon ay hindi na nakalimbag lamang sa isang matamis na panaginip. 

Thursday, November 10, 2011

wishes?

kaipokrituhan kung sasabihin ko sa inyong wala akong nais i-wish sa maswerteng petsang ito.

marami akong gustong hilingin kung mapagbibigyan man, bakit hindi diba? wala naman raw mawawala kung magwi-wish ka. mula sa pinakapayak hanggang sa pinakabonggang kahilingang maaari mong isipin. pwedeng materyal na bagay tulad ng bagong iphone, kotse o bagong sapatos. pwede rin namang mga bagay na intangible o hindi mahahawakan tulad ng kapayapaan, pagibig o di kaya e sana'y reglahin na ang syota mong na-delay ng period. oo, sige, subukan mong humawak ng regla.

11/11/11. eleven, eleven, eleven.

matagal na panahon bago maulit ang ganitong pambihirang pagkakataon. kaya nga pambihira diba? kung ilang taon o siglo man ay wag nyo nang itanong sa akin dahil hindi ako magaling sa math. basta yun ang alam ko, matagal na panahon.


maraming aligagang aligaga sa date na ito. may isang boksingero pa ngang itinaon ang kanyang kasal sa araw na ito. swerte raw. maaari kang mag-wish. pero ang tanong ko lang, bakit nga ba ang hilig natin sa mga hiling-hiling at mga swerte na yan?

kung pwede naman tayong bumangon araw-araw para gumawa ng hakbang para maabot natin ang mga minimithi nating mga pangarap, bakit nananatili pa rin tayong naniniwala sa mga swerte-swerte shits na yan? hindi pambihirang petsa, bulalakaw, palakang may supang barya o alignment ng mga stars ang magbibigay sa atin ng bagong iphone, magandang bahay o magagarang kotse. hindi compatibility ng mga zodiac signs ang magbibigay sayo ng kilig moments with your labidabs. hindi lucky color o lucky number ang magbibigay sayo ng tamang sagot sa mga exams kundi si lucky seatmate - joke.

sabi nga ni zenaida seva,
"Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran - mga gabay lamang sila. Mayron tayong freewill, gamitin natin ito."
siguro panahon na para tigilan na natin ang kaugaliang ito. sa halip na sisihin lang natin ang bulok na gobyerno, bakit hindi tayo magsumikap pa lalo? sa halip na umasa tayo sa swerte, bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng paraan para abutin ang mga pinapangarap natin?

o di kaya, sa halip na humangad pa nang labis, bakit hindi natin subukang makuntento sa kung anung sapat at magpasalamat naman sa lahat nang biyayang ipinagkaloob sa ating ng Diyos.