Sunday, May 29, 2011

on hypocrisy

uunahan ko na kayo.

paminsan ipokirto rin ako at ito yung isang pakiramdam na napakahirap tanggalin sa sistema mo. alam kong hindi ganun kalaking issue ito sa iba pero para sa akin, para tong isang malaking kulangot na hindi mo madukut dukot. nakakapagpabagagag este nakakapagpagaba...


nakakapagpabagabag.

tulad naman sa ibang sitwasyon, may iba't ibang bigat din naman ang hypocrisy o kaipokritohan. mayroon yung taong nagsasabing masama ang magnakaw pero panay ang download ng mga kanta at movies sa internet. mayroon namang todo makabayan kuno na "promote opm" saka "tangkilikin ang sariling atin" pero pagcheck mo ng mga gamit puro pang-koryano at mga k-pop shitz ang laman. mayroon namang yung galit na galit sa mga nakikiapid pero nag-end up din naman pala sya sa pagiging kabit.

sarap lang sapakin.

Thursday, May 26, 2011

para kay someone

yung moment na narinig mo itong isang kantang ito, alam mo na agad  kung sino yung maaalala mo. yung isang kanta na yun na nakalaan lang para sa isang ispesyal na alaala - isang ispesyal na tao sa buhay mo.

the one that got away. 

lahat siguro tayo mayroong ganito. yung nakakapanghinayang na samahan na wala lang - dumulas at nakalipas na lang. yung taong mabigyan ka lang ng pagkakataon ay kukunin mong pabalik sa iyong buhay -hindi lang bilang kaibigan.

higit pa dun.

mayroon akong kanta para sa taong yun pero dahil (bukod sa gwapo) talentado ako at napakamahusay kong sumulat ng mga tula, naisip kong sumulat ng isa para sa kanya.

walang nakakaalam kung sino ito. pero kung tatanungin nyo ako, straight up, sasabihin kong oo. oo, mahal ko pa rin sya. kahit hindi kami nag-end up being together and all that cheesy shit.

pilit tinatakasan ngunit hindi maiwasan.
ikaw nilalang, ang umpisa at hangganan.
sa puso ko hindi magbabago:
ikaw lamang hanggang buhay ko'y maglaho.

Monday, May 23, 2011

naniniwala ako dito




yung mga takot at kademonyohang nananahan sa kaibuturan ng ating mga pagkatao. yung inggit at mga pagnanasang hindi ma-kontrol. yung mga naguumapoy na galit at tampuhang hindi matupok. yung mga insecurities at mga pangambang hindi magapi-gapi. yung pride na hindi malunok. yung gutom na di resolbado.


mga halimaw na sinisilang at nananahan sa loob ng isang tao. yung halimaw na ikaw rin mismo ang nag-aalaga at nagpapalaki upang pagdating ng isang araw ay ikaw naman ang kanyang magiging sunud-sunuran, hahawakan ka sa bayag at magiging sentro ng iyong uniberso. yung halimaw na pag hindi mo nagapi ay unti-unting lalaki at magpapatubo ng pangil.


tapos bibili siya ng beer. ite-text nya yung mga kapwa nya halimaw para mag-aya ng inuman. tapos sa kalagitnaan ng kasarapan ng kwentuhan, bigla syang babanat ng isang makabagbag damdaming quote na nabasa nya sa internet. sasabihin nya:


"Monsters are real, ghosts are real too. They live inside us, and sometimes, they win. Tangina, we won pare!"





Thursday, May 19, 2011

sana disyembre na.

kung pwede ko lang ma-manipulate ang oras, ginawa ko na. 


simula nang nagsabi ako na uuwi ako this december e bigla na lang bang bumagal ang takbo ng oras. sobrang bagal na mauunahan pa sya ng isang overweight na lalaking may sakit sa puso. last year, lumipas lang ang buong taon nang di ko namalayan. basta dumaan lang ang 2010 nang ganun ganun lang na para bang jeepney na hindi mo kursunada ang kulay.


wala namang nagbago sa schedule ko kaya hindi mo masasabing mas busy lang ako last year kaya ganun. akshuli mas busy pa nga ako ngayon kasi bukod sa tatlong trabaho e mas dumami pa ang mga kaibigang yumayakag na gumala o pumartey. kung sa abala, oo super. halos hindi na nga ako nakakatulog eh. abala akong tao mula sa walang kwenta hanggang sa mga seryosong gawain tulad ng pagcomment sa mga litrato. pero bakit ganun? kapag excited ka sa isang bagay, tila ba umi-stretch pahaba ang mga buwan. ngayon pakiramdam ko singkwentang araw na ang nagdaraan, mayo pa rin. tanginang yan.


sana disyembre na. 


excited na akong mag-impake at sumakay sa erplane. tapos pagdating ko sa pilipinas, inuman agad. tapos kinabukasan kahit may hangover e derecho gala pa rin kesehodang magsuka na naman ako sa mcdo. tapos susurpresahin ko isa-isa ang mga kaibigan ko. 


nakaka-miss. nakaka-excite. nakaka-inip. 





packing sheetz.



Monday, May 9, 2011

hindi ko alam

kung naging mas masipag akong maglathala nitong mga nakaraang araw, marami sanang saloobin ang nai-translate sa salita. lately kasi hindi ko alam kung bakit pero mas pinipili kong sarilihin yung kung anuman itong bumabagabag sa akin ngayon. hanggang pahapyaw lang ng maiikiling banat sa twitter ang naaabot ng mga thoughts ko. oo, thoughts. english yun. 


hindi sa ayaw kong i-share o ayaw kong humingi ng advice mula sa kahit na sino pero mas gusto ko na lang talaga na sarilihin. sabihin na lang natin na ayokong mahusgahan na naman o kaya pwede ko rin sabihing mas gusto kong maresolbahan ito mag-isa. 


minsan kasi yung mga choice of words ko o yung paraan ko ng paglalahad ng isang partikular na bagay e nami-misunderstood. misunderstanding na hindi nafi-fix kasi hindi ko naman masasabi kung tama ba ang pagkakaintindi ng ibang tao sa nais kong iparating. tapos yung misunderstanding na yun ay malamang sa maka-impluwensya doon sa paghahanap ko ng resolba dito sa linsiyak na problemang hindi ko mahanapan ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo nang tuwiran. 


marahil ilan sa mga taong malapit sa akin ay may ideya kung ano o anu-ano itong mga bumabagabag sa akin. yung iilang tao na makakapagsabi na mukha lang akong masaya dahil sa tulong ng mga pekeng ngiti, kape, internet at pornograpiya.


anu na nga bang nangyayari sa loob ng sapantaha ni danibab?


hindi ko alam.

Tuesday, April 26, 2011

BACK TO BUSINESS, BICHEZ!

so muling nagbabalik mula sa hiatus ang aking panulat at pormal kong ipinaaalam sa inyong balik na naman ako sa paglalathala ng mga kung anu-anong shits dito sa juice kupo! 


bale bukod kasi sa pagiging abala ko sa pagpapa-alila sa mga kano ay nag-inarte kasi itong desktop namin at ayaw bumukas. hindi ko mawari kung bakit o anung inaarte nya basta bigla na lang gumana ulit. parang tipikal na babae lang na biglang magiiba ang moda nang walang pasabi - basta biglang hindi ok. tapos matapos kang mag-alala, at gumawa ng mga kung anu-anong hakbang ay bigla na lang babalik sa pagiging ayos - papampam lang. 


so anyway, alam ko namang iilan lang kayong masugid na nagbabasa ng aking blog kaya't no big deal ang aking pag-absent sa blogosperyo. trip ko lang mag-message na ako'y nagbalik kahit walang nakakamiss na parang si LA Lopez na nagbalik at nawala nang walang nakakapansin.


kaya't may paki man kayo o wala, nais ko lang sumigaw nang...


I'M BACK, BICHEZ!!!

Friday, April 1, 2011

bayani

oo, aaminin ko, nakakatakot nung unang beses. hindi ako gumagamit ng kahit anong uri ng drugs pero tsong, daig ko pa yung adik na nakatira ng isang shabu. praning, tsong, praning. pero nang makita ko yung dugo na umaagos mula sa ulo niya, parang nilamon ako ng kung anong malakas na pakiramdam ng pinaghalong galit at tuwa. walang dahilan para manatili pa sa mundo ang isang katulad nya. wag kang magalala, hindi ka katulad nila. hindi kita sasaktan. kaibigan kita eh. hanggang ngayon hindi nila alam kung sinong pumatay sa anak ni Mang Jun. malamang! gago ba sila? andaming tinarantado ng anak nyang yon! maraming pinagsamantalahan! karugtong na nun na maraming gustong gumanti sa kanya! ako? wala syang atraso sa akin. hihintayin ko pa ba? ano ako tanga? hahaha! ay teka, oo. tama, oo. meron siyang atraso sakin. di ko na matandaan kung ano, pero alam ko meron.

ano? nagsisisi? hindi no. sa totoo nyan, may mga sumunod pa. di lang yun ang pinatay ko. alam mo kasi tsong, kapag naramdaman mo ang talsik ng dugo sa mukha mo, tapos yung dugo na iyon ang magpapalaya sa hustisya na ipinagdadamot ng tarantadong lipunang ito. mawawala lahat ng emosyon sa dibdib mo. mawawala ang takot, mawawala ang kaba. mararamdaman mo na lang ang galit at uhaw sa hustisya. mararamdaman mo ang kapangyarihan. oo, tsong. kakaiba. mararamdaman mong kaya mong punan ang pagkauhaw na iyon ng mga taong inaapi. may tawag dun eh - bayani.

konsensya? matagal ko nang pinatay ang konseptong yan sa isip ko. sa panahon ngayon ng kurapsyon at karahasan, sa tingin mo ba, sila e may konsensya pa? manood ka ng balita. magbasa ka ng dyaryo. tsong, wala nang puwang ang awa sa panahon na ito. wala. hindi kailangan ng awa sa buong makinarya ng politika. wala sila non. kaya dapat tayo rin, wala. isa lang itong signos ng kahinaan. at tandaan mo pare, malupit ang lipunan sa mga taong mahihina. survival of the fittest ika nga.

sa dami ng mga napatay ko, na halos hindi ko na mabilang, iisa lang ang sinasabi nila : "bakit? wala akong ginagawang masama". nagtataka pa ang mga putangina. malamang may ginawa sila para sapitin nila ang lupit ng aking hustisya. unti-unti silang lalamunin ng takot at pagsisisi. lahat ng kasamaan na pinaramdam nila sa kapwa ay ibabalik ko sa kanila at sisimsimin sila ng takot hanggang sa kaibuturan ng kanilang mga buto. nakakatawang panoorin ang mga mukha nilang nagmamakaawa. minsan sumama ka sakin, panoorin mo ang mga higante ng lipunan na unti-unting inuupos ng takot.

may mga pagkakataong hindi na sapat ang kapangyarihan ng batas. ito yung mga pagkakataong kelangan na itong pangibabawan para sa tunay at hindi huwad na hustisya. maraming umiiyak, maraming nangangamba. kaya ko ito ginagawa ngayon, para tugunan ang panaghoy ng mga inaping mahihina. putangina, ihanda nila ang mga sarili nila.
nakita mo yan tol? nakita mo? araw-araw nasa balita ang mga kabayanihan ko. manood ka. tingnan mo ang mga mukha ng mga taong nabiktima nila. pero ano ito? putangina! serial killer? psycho killer? ako pa ang masama ngayon? ako pa ang baliw?  nagtataka sila sa limang sugat sa bawat napatay ko? hindi ako baliw! hindi ako baliw. hindi. hindi. 
putangina! gusto mo bang malaman kung bakit limang beses ko sila sinasaksak? ha? tanungin mo ako kung bakit! 

para sa mga taong nabiktima - ipaghihiganti ko.

para sa kapangyarihang inabuso - ampat na kaparusahan.

para sa lupaing tinamnan ng lupit at dahas - bubunutin ko na ang mga damong ligaw.

para sa mga maaari pang mabiktima - proteksyon at seguridad.

at para sa tunay na kalayaan - babaklasin ko ang tanikala.

limang rason. limang sugat. serye nga ng pagpatay ito pero hindi ako psycho serial killer tulad nang iniisip nila. hindi ako baliw. malinaw ang aking pagiisip. malinaw para makita ko ang kabuktunang nagaganap sa balighong lipunan natin ngayon. hindi ako ang kontrabida dito.

ako ang bayani.

*****************************************
"si vis para bellum"
- if you want peace, prepare for war.