Thursday, March 3, 2011

sa mundo ng trends at social norms vol. 2

ang punto ko lang naman tungkol sa post na iyon ay hindi para yakagin ang mga mambabasa na "sige, taralets. halina't mag-aklas!" - hindi ganon. wala akong hinihikayat na mag-rebelde sa magulang, sa gobyerno o kung kanino pa man. kaya't wag nyong isisi sa akin kung ang mga anak o kaibigan ninyo ay biglang naging subersibo at palasuway sa mga batas dahil una sa lahat, wala akong sinabing gayahin ninyo ako at pangalawa, hindi ko naman tiyak kung aabot ba sa bilang ng mga daliri ang aking mga mambabasa.


so ano nga bang punto ng two-part blog na ito?


simple. huwag nyong hayaang idikta na lamang ng lipunan kung paano kayo kikilos, mananamit, mamumuhay at kung anu-ano pang shit. kung sinasabi ng batikang astrologist na si zenaida seva na "hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran", ganoon din naman ang lipunan. oo, malaking bagay ang mapabilang dito pero may sarili pa rin naman tayong mga utak upang mamuhay nang ayon sa tingin natin ay tama at hindi dahil ayon sa desisyon ng mayoridad. may sarili tayong panlasa, prinsipyo at bayag upang panindigan ang mga kanya-kanya nating trip - basta ba walang nasasagasaang karapatan at walang nayuyurakang apog ng ibang tao. walang basagan ng trip.



No comments:

Post a Comment