Wednesday, March 16, 2011

DELINKWENTE part 2 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

yung mga panahon na yon yung panahon na inches away na lang kami sa kaibuturan ng kahirapan. mukha lang hindi, kasi mukha akong celebrity kung umasta. yun yung mga panahon na nagta-trabaho sa tahian si mommy at messenger sa makati si daddy. yun yung mga panahong gabi-gabi akong nangungutang ng perang ibabaon ko sa kung sinong kapitbahay. kung wala akong mga tito at wala akong lolo't lola sa amerika e malamang na sa lansangan na kami titira. di ako nageexaggerate, naluluha na nga ako e. lolz.

yun din yung mga panahon na naguumpisa na akong bulabugin ng puberty. ito yung period sa buhay ng tao kung saan e nagfi-feeling matanda ang mga bata na akala mo e alam mo na lahat ng kumplikasyon ng mundo - oh hell naw. yun yung panahon na akala ko e hindi ako naiintindihan ng mga magulang ko. hindi ko rin sila maintindihan kumbaket di ako pwede umirog, makipag-tropahan at maglaro ng counter-strike. basta nagbibinatog na ako. alam ko naman na ang tama sa mali. di nila ako naiintindihan. shet. bukod sa dugo, aorta at ventricles, naguumapaw sa mapanglaw na damdamin at hinanakit ang aking puso. huhuhu.

papasok ako ng school. makakasalamuha at mapagiinitan ni Hitler. badtrip.

uuwi ako ng bahay. makikipagespadahan ng reklamo at katwiran sa mga magulang. badtrip.

so anong meron sa pagitan ng eskwela at bahay?

lansangan.

Monday, March 14, 2011

kung may nami-miss akong gawain ko nung college pa ako, ito yun.


yun bang magdrowing kahit sang shit mo matripan. 

Sunday, March 13, 2011

DELINKWENTE (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

eto ang malupit na paglalahad ko ng aking 6-day escapade noong first year highschool. anim na araw akong hindi pumasok. anim na araw kong niloko ang mga kaklase, guro, kamag-anak at mga magulang ko. anim na araw na niloko ako ng sarili ko.

teacher ko sa isang makasaysayang subject ang gurong itatago ko sa pangalang "Hitler". respetado sya sa masci at kinatatakutan. mayron syang angking kakaibang aura na syang nakapagpapaiyak ng mga sanggol, nakapagpapa-alulong ng aso at higit sa lahat nakapagpapa-baktol ng kilikile ng estudyante. magaling kung sa magaling syang magturo pero kelangan mong maging mala-boyiskawt sa disiplina at mala-call center agent sa pambobola. kelangan magaling kang sumagot at magpalusot kung ayaw mong tumayo habang lahat ng kamag-aral mo ay nakaupo at nakatingin sayo. madalas mo syang makikitang naglalakad nang may speed na higit ng ilang beses sa ordinaryong guro. tapos magka-angkla ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata. may kakaibang simangot na para bang humigop siya ng isang litrong katas ng dayap. para bang lagi syang sabik na sabik humigop ng kaluluwa.

pinipilit ko namang pigain ang sarili ko para di ako matalamsikan ng kumukulo nyang kasungitan. masaya sya kasama sa klase pag good mood pero mananalangin kang sana e hindi nalang nag-sex ang mga magulang mo para di ka na isinilang sa mundo at naging estudyante ni Hitler kapag bad mood siyamabait naman sya sa mga matitinong estudyante. akshuli, paborito nya ang section namin. mas higit na more than her own advisory class. kaso sadyang paborito akong paglaruan ng tadahana. ako ang naging paborito ni Hitler. apple of the eyes ika nga. iyon ang pinakahuling parusang hihingin mo ke satanas pag namatay ka na.

pag trip nyang magpa-recite nang biglaan, ako ang ituturo.

pag trip nyang mag-mura, ako ang sasapo (with gentle showers of saliva).

pag trip nyang manlait, ako ang una nyang makikita.

pag trip nyang manita, ako ang unang sisipatin.

ayos lang sana kung sagad-sagaran sa kabobohan ang aking astig na pagiisip. ayos lang sana kung sa lahat ng pagkakataon e hindi ako nakakasagot sa recitation. ayos lang sana kung may binagsak man lang akong periodic exam. ayos lang sana kung minura ko sya ng "fuck you,bitch" at sinampal ng p.e. shoes kong advan na high-endurance and water resistant. ayos lang sana lahat nang rason wag lang yung putanginang:

kapangalan* mo yung ex-boyfriend ng anak ko.

-itutuloy-


*bryan

Wednesday, March 9, 2011

Monday, March 7, 2011

PSSSST!

gusto mong makarinig ng secret?

tara, lapit ka dito. lapit pa. di kita hahalikan, feeler. dali na, baka may makarinig e. ayan. mayron kasi akong malupit na sikretong ise-share sayo. wag kang maingay ha.

naniniwala ako sa kasabihang patience is next to godliness. hangga't kaya kong maghintay ay ginagawa ko. kahit mamuti na ang buong iris, retina, cornea at lahat-lahat na ng parte ng human anatomy ko, maghihintay ako. lalo na kung ang hinihintay mo ay isang uber sa lupit na kasiyahan ang ibibigay. walang sukuan. walang bitiwan. ganyan ako katiyaga kapag naghihintay sa isang mahalagang bagay.

hindi pa yun ang secret, wag kang atat.

bale sa buong maghapon na ito ay kumain ako ng sandamakmak na chocolate wafer snacks, mansanas na sinawsaw sa bagoong isda, clam chowder soup, pandesal at lucky me pancit canton chilimansi flavor. mga alas siyete ng gabi nang mag-decide ang aking ileum o malaking bituka na sabihan ang aking magiting na utak na ako'y natatae. tumungo agad ako sa banyo ngunit mayroong tao (rhyming!). kaya't ako'y naghintay na wari ba'y pang-habambuhay (tumula?). nasa peak na ng contraction ang aking pwet para walang sumirit na tae mula sa aking anus. kumukulo talaga ng bonggang bongga ang aking excretory system na para bang nagpapalambot ng karneng baka. malagkit at malamig ang pawis na namumuo sa aking gentle face. shet. ito ang susunod na pinaka-ayaw mong mangyayari sa iyo next to death penalty. mahirap. masakit. marahas. mabaho.

mabaho?

yes, you guessed it right. may pumugtit na tae sa aking mamahaling brief. shet no? pero ito ang mas shet: walang tao sa banyo. may nakaiwan lang na bukas ang ilaw. bakit hindi ako nagsalita? bakit hindi ako kumatok? bakeeet? oh harsh realities of life. bakit kelangang may mga pagkakataon ako'y nagiging tanga? bakeet?










shhh. wag kang maingay ha. nakababad pa sa tabo yung brief. matanggal sana yung mantsa. kinuskos ko naman ng safeguard e.
Basahin ang mga sumusunod nang buong damdamin at may paninindigan.

That tea hang goo lie
thee coup tea knee tick man
Log in null lung
in knee ewe was sun
Noon neat hang goo lie
eye must a rap pal a
cup pug scene a bow one nausea

Make cool lie hang boo high
Make cool lie hang boo high
sassy nab bow hang goo lie!

naaalala mo ito malamang

ito yung tipo ng text message na ayaw mong ma-receive dati. hindi yung text na mula sa galit mong nanay dahil hindi ka nagpaalam na gagala ka hanggang madaling araw. hindi rin yung text ng manliligaw mong limang beses mo nang binasted. hindi rin ito yung text nung classmate mong nangungulit kung anong assignment sa chem at bio. at mas lalong hindi ito yung text nung kapitbahay mong inutangan mo kasi nagasta mo yung allowance mo sa kaadikan mo sa ragnarok at counter-strike. ito yung text message na sisira ng araw mo -- yung ayaw mong ma-receive anumang oras, anumang pagkakataon.

Natigil na ang iyong Globe UNLITXT.
Pra muling mkapag-unlimited
Globe-Globe texting, txt UNLITXT20,UNLITXT40,UNLITXT80
to 2870.