Wednesday, March 16, 2011

DELINKWENTE part 2 (ang mmk moment sa buhay ni danibab)

yung mga panahon na yon yung panahon na inches away na lang kami sa kaibuturan ng kahirapan. mukha lang hindi, kasi mukha akong celebrity kung umasta. yun yung mga panahon na nagta-trabaho sa tahian si mommy at messenger sa makati si daddy. yun yung mga panahong gabi-gabi akong nangungutang ng perang ibabaon ko sa kung sinong kapitbahay. kung wala akong mga tito at wala akong lolo't lola sa amerika e malamang na sa lansangan na kami titira. di ako nageexaggerate, naluluha na nga ako e. lolz.

yun din yung mga panahon na naguumpisa na akong bulabugin ng puberty. ito yung period sa buhay ng tao kung saan e nagfi-feeling matanda ang mga bata na akala mo e alam mo na lahat ng kumplikasyon ng mundo - oh hell naw. yun yung panahon na akala ko e hindi ako naiintindihan ng mga magulang ko. hindi ko rin sila maintindihan kumbaket di ako pwede umirog, makipag-tropahan at maglaro ng counter-strike. basta nagbibinatog na ako. alam ko naman na ang tama sa mali. di nila ako naiintindihan. shet. bukod sa dugo, aorta at ventricles, naguumapaw sa mapanglaw na damdamin at hinanakit ang aking puso. huhuhu.

papasok ako ng school. makakasalamuha at mapagiinitan ni Hitler. badtrip.

uuwi ako ng bahay. makikipagespadahan ng reklamo at katwiran sa mga magulang. badtrip.

so anong meron sa pagitan ng eskwela at bahay?

lansangan.

No comments:

Post a Comment