eto ang malupit na paglalahad ko ng aking 6-day escapade noong first year highschool. anim na araw akong hindi pumasok. anim na araw kong niloko ang mga kaklase, guro, kamag-anak at mga magulang ko. anim na araw na niloko ako ng sarili ko.
teacher ko sa isang makasaysayang subject ang gurong itatago ko sa pangalang "Hitler". respetado sya sa masci at kinatatakutan. mayron syang angking kakaibang aura na syang nakapagpapaiyak ng mga sanggol, nakapagpapa-alulong ng aso at higit sa lahat nakapagpapa-baktol ng kilikile ng estudyante. magaling kung sa magaling syang magturo pero kelangan mong maging mala-boyiskawt sa disiplina at mala-call center agent sa pambobola. kelangan magaling kang sumagot at magpalusot kung ayaw mong tumayo habang lahat ng kamag-aral mo ay nakaupo at nakatingin sayo. madalas mo syang makikitang naglalakad nang may speed na higit ng ilang beses sa ordinaryong guro. tapos magka-angkla ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata. may kakaibang simangot na para bang humigop siya ng isang litrong katas ng dayap. para bang lagi syang sabik na sabik humigop ng kaluluwa.
pinipilit ko namang pigain ang sarili ko para di ako matalamsikan ng kumukulo nyang kasungitan. masaya sya kasama sa klase pag good mood pero mananalangin kang sana e hindi nalang nag-sex ang mga magulang mo para di ka na isinilang sa mundo at naging estudyante ni Hitler kapag bad mood siya. mabait naman sya sa mga matitinong estudyante. akshuli, paborito nya ang section namin. mas higit na more than her own advisory class. kaso sadyang paborito akong paglaruan ng tadahana. ako ang naging paborito ni Hitler. apple of the eyes ika nga. iyon ang pinakahuling parusang hihingin mo ke satanas pag namatay ka na.
pag trip nyang magpa-recite nang biglaan, ako ang ituturo.
pag trip nyang mag-mura, ako ang sasapo (with gentle showers of saliva).
pag trip nyang manlait, ako ang una nyang makikita.
pag trip nyang manita, ako ang unang sisipatin.
ayos lang sana kung sagad-sagaran sa kabobohan ang aking astig na pagiisip. ayos lang sana kung sa lahat ng pagkakataon e hindi ako nakakasagot sa recitation. ayos lang sana kung may binagsak man lang akong periodic exam. ayos lang sana kung minura ko sya ng "fuck you,bitch" at sinampal ng p.e. shoes kong advan na high-endurance and water resistant. ayos lang sana lahat nang rason wag lang yung putanginang:
kapangalan* mo yung ex-boyfriend ng anak ko.
-itutuloy-
*bryan
No comments:
Post a Comment