ito yung tipo ng text message na ayaw mong ma-receive dati. hindi yung text na mula sa galit mong nanay dahil hindi ka nagpaalam na gagala ka hanggang madaling araw. hindi rin yung text ng manliligaw mong limang beses mo nang binasted. hindi rin ito yung text nung classmate mong nangungulit kung anong assignment sa chem at bio. at mas lalong hindi ito yung text nung kapitbahay mong inutangan mo kasi nagasta mo yung allowance mo sa kaadikan mo sa ragnarok at counter-strike. ito yung text message na sisira ng araw mo -- yung ayaw mong ma-receive anumang oras, anumang pagkakataon.
Natigil na ang iyong Globe UNLITXT.
Pra muling mkapag-unlimited
Globe-Globe texting, txt UNLITXT20,UNLITXT40,UNLITXT80
No comments:
Post a Comment