gusto mong makarinig ng secret?
tara, lapit ka dito. lapit pa. di kita hahalikan, feeler. dali na, baka may makarinig e. ayan. mayron kasi akong malupit na sikretong ise-share sayo. wag kang maingay ha.
naniniwala ako sa kasabihang patience is next to godliness. hangga't kaya kong maghintay ay ginagawa ko. kahit mamuti na ang buong iris, retina, cornea at lahat-lahat na ng parte ng human anatomy ko, maghihintay ako. lalo na kung ang hinihintay mo ay isang uber sa lupit na kasiyahan ang ibibigay. walang sukuan. walang bitiwan. ganyan ako katiyaga kapag naghihintay sa isang mahalagang bagay.
hindi pa yun ang secret, wag kang atat.
bale sa buong maghapon na ito ay kumain ako ng sandamakmak na chocolate wafer snacks, mansanas na sinawsaw sa bagoong isda, clam chowder soup, pandesal at lucky me pancit canton chilimansi flavor. mga alas siyete ng gabi nang mag-decide ang aking ileum o malaking bituka na sabihan ang aking magiting na utak na ako'y natatae. tumungo agad ako sa banyo ngunit mayroong tao (rhyming!). kaya't ako'y naghintay na wari ba'y pang-habambuhay (tumula?). nasa peak na ng contraction ang aking pwet para walang sumirit na tae mula sa aking anus. kumukulo talaga ng bonggang bongga ang aking excretory system na para bang nagpapalambot ng karneng baka. malagkit at malamig ang pawis na namumuo sa aking gentle face. shet. ito ang susunod na pinaka-ayaw mong mangyayari sa iyo next to death penalty. mahirap. masakit. marahas. mabaho.
mabaho?
yes, you guessed it right. may pumugtit na tae sa aking mamahaling brief. shet no? pero ito ang mas shet: walang tao sa banyo. may nakaiwan lang na bukas ang ilaw. bakit hindi ako nagsalita? bakit hindi ako kumatok? bakeeet? oh harsh realities of life. bakit kelangang may mga pagkakataon ako'y nagiging tanga? bakeet?
shhh. wag kang maingay ha. nakababad pa sa tabo yung brief. matanggal sana yung mantsa. kinuskos ko naman ng safeguard e.
No comments:
Post a Comment